Prologue

86.3K 1.9K 206
                                    

My name is Emily Esmeralda Greene, you can call me Emmy for short. Ang haba kasi ng pangalan ko. Anyways, malapit na ang pasukan at kailangan ko nang makapag decide kung saang school ako mag-ienroll. Pero sa totoo lang, hindi ko pa talaga alam.

Sabi ng mommy ko ako na daw ang mag-ienroll for myself, para matuto naman daw ako. Lagi kasing siya yung nag-ienroll for me. Mahiyain ako, to be honest. Na kapag hindi ko close yung tao nagiismile at tumatango lang ako sa kanila. Rare lang talaga akong makipag-usap sa ibang tao.

Hindi ko pa talaga alam kung saang school ako mag-ienroll. Pero I decided na libutin itong town at mag-refer muna at tignan yung mga school. At kapag may nagustuhan na ako, doon na ako mag-ienroll.

"Mommy, mamaya na po ako mag-ienroll." sabi ko sa mommy ko na nagtitimpla ngayon ng kape.

"So, nakapag-decide ka na ba?" tanong ni mommy.

"Well, I decided to roam around the town and kapag may nagustuhan na akong school, doon ako mag-ienroll... Hindi naman ako lalayo masyado since gusto malapit lang rin dito sa house yung school." Sabi ko kay mommy na pumayag naman.

So, naligo ako at pagkatapos nun... inayos ko yung sarili ko. Inayos ko na rin ang requirements ko sa school. Pagkatapos ng lahat nang yon, lumabas na ako ng bahay. Of course, nagpaalam muna ako kay mommy.

I decided to just walk kasi gusto ko. So, ito naglalakad lang ako ngayon...

Habang naglalakad, may nakita akong butterfly... kulay green ang mga pakpak nito at kapag kumikinang, parang mga emerald stone ang mga ito. Katulad ng stone ng kwintas na suot ko ngayon. Actually, palagi ko namang suot ito. Si mommy ang nagbigay nito sakin at sabi niya, ingatan ko daw ito ng mabuti.

Nagulat nalang ako nang mapansin kong napunta na pala ako sa gubat. Wait, what!? Gubat!? Lagot talaga... I'm lost! kung bakit ba kasi hinabol ko yung butterfly na yun eh!

Pero ang ganda ng gubat na ito. Kakaiba! Gusto ko pang i-explore kaya sinundan ko nalang itong butterfly na kanina ko pa sinusundan.

Wala rin naman akong choice kasi hindi ko rin alam kung saan ang daan palabas dito. Yes, I'm totally lost. Kung bakit ba naman kasi sa butterfly lang ako nag-focus at hindi sa daan!?

Hay... basta sinundan ko nalang yung paro-paro na hindi ko nga rin alam kung saan papunta...

Ang layo ng nilakad ko, ang sakit na ng mga paa, binti at tuhod ko. Para parin naman akong tanga na sinusundan itong paro-paro. Pero may feeling ako na hindi ito basta-bastang butterfly lang... kakaiba ito.

Patuloy ko parin itong sinundan, maya-maya lang meron akong nakitang parang emerald na building? Nakaharap ako doon ngayon, pero medyo malayo parin dahil nandito parin ako sa mapuno na parte, napansin ko rin na parang doon nga ako pinapupunta ng paro-paro.

May mga nakaharang na dahon sa view kaya hindi ko masyadong makita yung mala emerald na building na yun. Hinawakan ko ang mga dahon at itinabi ito, naglakad pa ako kaunti papunta sa harap.

Ang ganda ng building! Mala emerald ang building na ito. Tinignan ko lang ito ng tinignan, hanggang sa napansin ko yung mga nakaukit na salita sa itaas ng building. Binasa ko ito "Emerald Academy".

Nagtaka naman ako... Ang layo naman ng paaralan na ito, at nasa gubat pa.

Naglakad nalang ako patungo sa paaralan na yun. Nandito parin ako sa mapuno na parte. Pero ilang steps nalang wala ka nang madadaanang puno kasi garden nalang patungo sa school. Ang gaganda ng mga bulaklak...

I took a step forward, tumapak na ako doon sa pathway na nakaderetso ang daan papunta sa school. Ang gaganda ng plants that surrounds it.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Nasa harapan ko parin ang paro-paro na parang gina-guide ako nito. Nagulat nalang ako nang lumipad ang paro-paro papunta sakin at pumasok sa kwintas ko. Wait... what!? Sa kwintas ko!?

Pagkatapos ng pagpasok nito sa kwintas ko, umilaw ang kwintas ko at sobrang nakakasilaw ito. Pero, paano nangyari yun? Hindi ko alam.

Malapit na ako sa gate ng school kaya naglakad nalang ako papunta doon at hindi ko nalang muna pinansin at inalala yung nangyari kani-kanina lang.

Nasa tapat na ako ng gate na mala emerald. Deep green ang kulay nito at may transparency, kumikinang kinang din ang mga ito. Binuksan ng guard yung gate at tinanong kung transferee ako. Tumango lang ako. Tapos tinignan niya yung kwintas na suot ko ngayon. Pagkatapos non ay pinapasok niya na ako.

Hindi ko alam kung bakit niya kinailangang tignan yung kwintas ko... basta pinapasok niya na ako. Pagkatapos nun ay tinanong ko sya kung saan yung Registrar's Office. Nasa loob daw ito ng mismong building, yung nasa gitna. Meron din kasing mga iba pang building sa gilid nito.

Sobrang laki ng school na ito. Mapuno rin dito sa loob, ang daming pine trees... ang gaganda nito. Marami ring mga bulaklak, iba-iba ang mga kulay nito at iba-iba rin ang mga klase nito. Merong Roses, Lilies, Hydrangea, Hyacinth at marami pang iba. Parang gusto ko nang mag school dito, na-iexcite ako! Meron ding pond sa kabilang side. Ang ganda! Sobra...

Nagpatuloy na ako sa paglalakad, excited na akong makapag-enroll dito! Kakaiba itong school na ito. Nandito na ako sa Registrar's Office.

"So, what's your name?" Tanong saakin ng magandang babae.

"My name is Emily Esmeralda Greene po. I'm 18 years old..." sagot ko sa kanya.

"Hmm... so paano mo nahanap itong school na ito? Ipinadala ka ba ng parents mo? Or is there something else?" Tanong niya saakin. Well, I just decided to tell her the truth kahit an ang weird at ang tanga tanga ko.

"Well, actually naligaw lang po ako. Mag-ienroll po kasi sana ako sa school na malapit lang rin sa house namin. Kaya lang, may nakita akong paro-paro habang naglalakad. Kakaiba ito kaya sinundan ko po ito. Tapos napadpad ako sa gubat. Tapos nakita ko po itong school na ito." Sagot ko sa kanya. Nakakahiya talaga, mukha akong tanga.

"Oh, I see. Nanggaling ba sa kahit anong jewelry ang paro-paro na nakita at sinundan mo?" Tanong niya saakin. Ang weird nun pero parang normal lang ito kung sabihin niya.

"Ummm... Hindi ko po napansin pero, kanina po nung nasa tapat na ako ng school gates niyo, pumasok ang paro-paro sa kwintas ko. At umilaw ang kwintas ko pagkatapos nun. Kakulay din po ng kwintas ko ang mga pakpak nung paro-paro." Sabi ko sa kanya. Ngumiti naman siya.

"Can I see your necklace?" Tanong niya. Tapos ipinakita ko naman ito. Lumapit siya at tinignan ito. Pero, bakit parang gulat na gulat naman siya...??? Ang weird.

"Okay. So, sabi mo kanina mag-ienroll ka right? Then, accidentally... natagpuan mo itong school na ito... gusto mo bang mag-school dito?" Tanong niya. Excited ako pero hindi ko ipinakita ang emosyon na iyon. Nahihiya rin kasi ako.

"O-opo..." maikling sagot ko. Nahihiya. Nag-smile naman siya.

"Well, you are now a student here. Good luck, and take care! Anyways, ito yung Schedules mo. May dorm rin itong school na ito." Sabi niya saakin, sabay bigay ng Schedule Sheet and Keys ko for my room.

Sinabi na rin niya sa akin kung saan yung daan papunta doon. Tinignan ko yung key, may chain ito. Sa chain nito nakaukit ang room number ko, Room 1229. Kulay green din ang chain. Mala emerald rin ito. Ang ganda. Sino kaya ang roommate ko? Excited na talaga ako.

______________________________
I hope you enjoyed the story guys!
Thank you for reading!
Please vote and share this story...
Love you guys!

Emerald Academy : School of Magic [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon