Chapter 29 : Save Her

15.8K 518 34
                                    


JACOB'S POV

Hindi pa nahahanap nina Bernard, Ayla, at Diana si Emily, pero ako? Alam ko na kung nasaan siya. How did I know? Well...

——FLASHBACK——

"Jacob... gustong-gusto ko si Emily, to the point na naging weakness ko siya. To the point na nauto ako ng mga enemies. Jacob, I'm sorry... nauto ako ng mga enemies at agad na kumampi naman ako sakanila. I'm sorry... I betrayed all of you here." Sabi niya sakin. Galit ako sakanya dahil sa betrayal na ginawa niya sa aming lahat. Pero, mabuti narin at naging honest siya.

"Jacob, tulungan mo ako... I know all of their plans pero hindi ko magawang iligtas si Emily from them because I'm already one of them. Save her for me, can you?" Sabi niya sakin.

"What are the plans?" Tanong ko sakanya.

"Kakasabi palang sakin ni Ms. Olivia na blinock mail nila si Emily. They told Emily that nandun sa dark world ang mom niya. But that "mom" is just actually a clone...but of course, Emily doesn't know. Kaya ngayon, pupunta siya doon." Sabi niya sakin. Tumango lang ako.

"Pagpunta doon ni Emily ay meron na raw naka-ready na Magic Draining Machine. It depends lang sa Hari kung kelan yun gagamitin. Pero sa oras na sabihin ng hari na gamitin na yung machine na yun, magiging sobrang mapanganib na ang kalagayan ni Emily doon... the King will take her powers, all of it." Sabi niya ulit sakin.

That's Zachary who told me everything...

——END of FLASHBACK——

Well, I just hope that I'm not too late to save my friend, Emily... sa laboratory nila dinala si Emily. Nandun yung Magic Draining Machine. Tsk! This King is really a monster. He's too greedy, kukunin niya ang magic ng iba para lang siya ang maging pinakamakapangyarihang hari sa mundo ng magic? Tsk! I know that that's not all of it, he also wants to rule everything in the magic world... he wants to be the God, and if that happens, the darkness will conquer the light. But we won't let that happen...

Tumakbo ako papunta sa laboratory, of course alam ko kung nasaan yun because Zachary told me. Sinundan naman ako nina Bernard, Ayla, at Diana. Siyempre gamit parin namin ang invisibility namin ngayon.


EMILY'S POV

Hindi ako susuko, not now... marami pa akong kailangang malaman about sa pagkatao ko. Marami pang umaasa sakin, maraming nag-aalala sakin, at maraming nagmamahal sakin. Sina mama, Bernard, Ayla, Diana, at Jacob. I need to survive this.

I concentrated, kailangan kong macontrol ang paglabas ng mga kapangyarihan ko dahil kung hindi, mahihigop yun lahat ng magic draining machine. I did my very best to control it pero, ang lakas ng pagkakahigop ng machine sa kapangyarihan ko.

Ang sakit na, nawawalan na ako ng hangin dahil sa sobrang sakit. Nanghihina narin ako ng sobra. Hindi ko na kaya. I'm sorry mom, Bernard, Ayla, Diana, and Jacob.

——FLASHBACK——

"Emmy, punta tayo doon! Let's play!" Sabi ng isang batang lalake sakin. Tsk! Ang kulit niya talaga. Hinila niya ako kaya sumama nalang ako sakanya. Nasa playground kami ngayon, naglalaro. Kasama rin namin si mom. Yung batang lalake na kalaro ko ngayon? Ang tawag ko sa kanya ay Buntot. Palagi niya kasi akong sinusundan. Tsk!

Emerald Academy : School of Magic [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon