2 Weeks Later...BERNARD'S POV
"Kuya? Are you ready na? We're going na daw sa burol ni ate..." Sabi sakin ni Smoke, ng bunsong kapatid ko. Tumango lang ako sakanya...
Wala kami sa magical world ngayon. Sa mortal world nakaset-up ang burol niya. Umiyak ako ng umiyak nang malaman kong wala na siya... sinisisi ko ang sarili ko dahil wala ako nung kailangan niya ako... hindi ko manlang siya natulungan at mas lalong hindi ko siya naligtas...
I'm sorry... I'm sorry dahil wala ako doon para matulungan ka manlang... wala ako doon para mailigtas ka... sana ako nalang! Sana sakin nalang nangyari yun!
"Anak? T-tara na?" Tawag sakin ni mom... muli akong tumingin sa salamin at inayos ang sarili ko. Hanggang ngayon ay naiiyak parin ako... pagkatapos kong ayusin ang sarili ko ay tumingin ako kay mom at tumango nalang ako sakanya. Sa totoo lang ay ayaw kong sumama dahil hindi ko siya kayang makita na nakahiga at nasa loob ng kabaong niya, hindi ko kaya... pero kailangan kong pumunta.
Sumunod nalang ako kay mom, sumakay kami sa kotse at pinaandar na ni dad yun... hinihimas ni mom ang likod ko to calm me down...
"Kuya? Is it true that ate is already in heaven?" Napaluha nanaman ako dahil sa tanong ni Smoke sakin... sobrang dami ng pinagdaanan namin. Sobra...
I love her so much... pero hindi ko manlang siya nagawang iligtas. I'm sorry... I'm sorry... pero, bakit ba sa lahat ng tao... ikaw pa na mahal ko? Ikaw pa na matagal kong nakasama? Ikaw na napakabait at sobrang matulungin na tao... bakit ikaw pa ang unang kinuha!? Bakit hindi nalang ako?! Hindi ko matanggap... hindi ko talaga matanggap at hinding hindi ko matatanggap!
"Shh... it's okay, it's okay..." Pagpapatahan sakin ni mom... "Smokey? Wag mo munang pag-usapan si ate ha?" Sabi niya naman sa kapatid ko. Tumango naman si Smoke...
Si mom, alam ko na pinapalakas niya lang ang loob niya... lagi siyang ganyan. Kahit may problema, hindi niya ipinapakita o ipinapahalata. Lagi lang siyang nakangiti... lagi siyang nakangiti dahilan para mag-alala ka ng sobra sakanya dahil hindi mo alam kung okay lang ba talaga siya o hindi na.
Lagi niyang ipinapakita na malakas siya at ayos lang ang lahat kahit hindi naman talaga. Ni hindi ko pa siya nakikitang umiyak, not even once... pero naririnig ko siyang umiyak. Makikita mo rin sa mga mata niya na nalulungkot siya.
Maya-maya lang ay biglang nagring ang phone ko. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko at tinignan kung sino yun... Si Jacob. Agad na sinagot ko yun...
"Hello? P-pre? Condolences..."
"Ah... condolences din sa inyo pre."
"Hmm... salamat..."
"Salamat din..."
At ibinaba niya na ang phone call. Oo, alam na ni Jacob na namatay ang kuya niya... alam niya kung bakit at kung papaano. Hindi ko alam kung pano niya nalaman...
Nanatili lang kaming tahimik sa loob ng sasakyan. Walang kibuan, ang bigat rin ng pakiramdam ko...
Miss na miss ko na siya, miss na miss ko na si Emily... kaya lang... tsk!
BINABASA MO ANG
Emerald Academy : School of Magic [COMPLETED]
Fantasy[BOOK 1] A school where magic lives, and where impossible things happen. Fantasy turns into reality. Impossible becomes possible. Light and Dark. The most powerful of the powerful. Welcome to Emerald Academy, and Emerald Kingdom! The long lost pri...