Chapter 30 : The Escape

16.7K 528 13
                                    


EMILY'S POV

Okay na ako ngayon. Ayla was the one who healed me kanina and transferred me some of her magic energy. Buti nalang hindi ako tuluyang nakuhanan ng kapangyarihan. Well, konti. Pero konti lang...

I healed Bernard. Si Ayla kasi, hindi na makapag-heal dahil she already healed me kanina, if she heals Bernard one more time... lalagpas na siya sa limits at baka siya ang tuluyang mawalan ng kapangyarihan.

While I was healing Bernard, tinitigan ko siya. Medyo kahawig niya talaga si Buntot... pero imposibleng siya yun. Tsk! Agad na bumangon naman si Bernard pagkatapos ko siyang i-heal. Nakatanga nalang kami ngayon dito. Nasa likod kami ng dark castle, tsk! Bakit nga ba kami nakatanga dito?!

"Emily? Bernard? Okay lang ba kayo? Kanina pa kayo nakatayo at tinitignan ang isa't-isa diyan." Natatawang sabi ni Diana. H-huh? Magkaharap nga kami ni Bernard ngayon.

"Oo nga. Tumayo si Emily tapos sumunod na tumayo si Bernard. Tapos... OMG! Did an enemy freeze you?!" Sabi ni Ayla at hinawakan kami to check kung na-freeze nga kami. Bernard tsked at hinawi ang kamay ni Ayla.

"Hindi naman pala na-freeze eh. Tsk!" Sabi ni Ayla.

"Pabayaan mo yang dalawang yan, Ayla. Baka na-fall na talaga sa isa't-isa, o baka effect yan ng healing magic sakanila." Natatawang sabi ni Diana. A-ano?! Ssss...

"Hala oo nga! Baka nahaluan ko ng love spell yung healing magic na ginawa ko for them! Lagot..." Sabi naman ni Ayla kay Diana. Pfft.

"Pfft... bahala ka na nga diyan Ayla. Hindi naman yan ang ibig sabihin ko, ang slow mo talaga." Mahinang sabi ni Diana, pero narinig ko yun.

"T-tara na. Let's go back to Emerald Academy. Diana, gumawa ka ng portal." Sabi ni Bernard. Napasimangot at napacross-arms naman si Diana.

"Bakit ako? Si Jacob nalang..." Sabi ni Diana. Pfft...

"Hoy! Nakipaglaban rin ako kanina at malakas ang energy na kailangan ng isang portal. Si Ayla nalang." Sabi naman ni Jacob na nakaupo lang sa sahig.

"Luh! Bakit ako? I healed Emily kaya... malakas ang energy na nagamit ko sa pag heal, si Emily nalang." Sabi naman ni Ayla. Tsk! Pasahan pa more! Ang daming arte eh... pano kaya kung sabihin kong I healed Bernard. Pfft... agad dumeretso naman ako sa bandang gitna at gumawa ng invisible portal. Gamit nga pala namin ang invisibility namin ngayon kaya hindi kami nakikita ng enemies dito.

"Gumagawa ka ba talaga ng portal? Tsk!" Sabi ni Bernard. Kung maka-sita akala mo kung sino. Aba't may red tide ata siya ngayon... pfft.

"Invisible portal po ang ginagawa ko. Ang tanging gumagawa lang nito ang makakakita dito boss." Sabi ko kay Bernard.

"Eh pano namin makikita?" Sabay-sabay na sabi nila sakin. Napangisi nalang ako...

"Hindi niyo makikita pero I'll guide you po sa pagpasok." — este itutulak ko kayo papasok. Tsk! Agad na lumaki naman ang portal pero... may nakangisi na enemy sa amin.

"Even if you're using your invisibility, wala kayong takas sakin." Sabi nung enemy samin. He's obviously an invisibility seer... kaya niyang makita ang kahit ano, kahit na invisible pa ito sa mata ng iba. Invisible things are visible to him... agad na sumugod naman sina Bernard at Jacob sa enemy na yun.

Emerald Academy : School of Magic [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon