Chapter 13 : Jacob's Back!

26.4K 855 128
                                    

EMILY'S POV

It's just 9:35 am at ang ingay ingay na. Saan ba yung naghihiyawan? As if naman nandito si Lee Jong Suk... ang dami nila doon, halos lahat na yata ng students ng school na ito nandoon na at naghihiyawan. Tsk. Ang ingay! Wala pa naman ako sa mood ngayon. Baka mapagsasapak ko toh. Tsk.

Pumunta naman ako doon at nakita ang lalaking may grey eyes and black hair with metallic grey highlights. Tsk. At sino naman siya?

"Omg! Jacob's back!"

"Gosh, ang gwapo niya!"

"Mabubuo na ulit ang The Dangerous Three!"

"Magsasama-sama na ulit ang tatlong hottie dito sa school!"

Rinig kong mga bulungan at hiyawan nila. Jacob? As in Jacob Silver? Yung best friend ni Bernard and Zachary? Siya nga ba yan? Obviously... sila lang namang tatlo ang tinatawag na "The Dangerous Three" dito.

Maya-maya lang ay nakita ko sina Bernard and Zachary na papunta kay Jacob. Mas lumakas ang hiyawan. Tsk. Ang ingay, sobra. Umalis nalang ako at dumeretso sa Canteen. Recess namin ngayon.

Maya-maya nanaman, nakita kong pumasok sa loob ng canteen sina Bernard, Zachary and Jacob. Bernard has dark brown eyes and dark brown hair with highlights that has the same color as the fire and flames. Zachary has this electric blue eyes and platinum blonde hair with electric blue highlights. Jacob has grey eyes and black hair with metallic grey highlights. They look perfect together. Tsk. Mga bakla.

Lumingon naman sina Zachary and Jacob sa likuran at nakita ako. Nanlaki naman ang mga mata nila. Masyado yata akong maganda. Tsk. Haha. Biglang naglakad si Jacob papunta sakin.

"Sinong bakla? Ha!" Sigaw ni Jacob, so mind reader rin pala siya. Pikunin nga lang. Inawat naman siya ni Zachary. Si Bernard naman walang pakialam at bumibili parin ng pagkain doon sa counter. Tsk.

"Calm down Jay... she's Emily Esmeralda Greene, by the way." Sabi ni Zachary kay Jacob. Huminahon naman si Jacob and cleared his throat.

"I'm Jacob Silver. I'm sorry if nasigawan kita." Sabi ni Jacob sakin.

"Okay lang yun. When I first found out na mind reader ako, may nabasa akong isip and he's thinking of me. Nakakapikon nga lang, kaya gumamit ako ng air spell at naihulog ko siya puno." Sabi ko. Yes, that's Bernard... the monkey, donkey. Jacob giggled.

"So, it's Bernard?" Tanong ni Jacob. We both laughed. Humarap naman samin si Bernard, nakakunot ang noo.

"I heard my name. Ano yun?" Tanong ni Bernard samin. We just kept on laughing. Zachary giggled.

"Remember when you fell down from the tree and almost ate the sand and the grass?" Pangaasar ko. Jacob and Zachary giggled.

"Well, you fell down straight to the koi pond! And swam with the koi fishes!" Pangaasar ni Bernard sakin. Nagtawanan naman silang tatlo. Mga bwisit. Tsk! I give up.

"Ang bilis mo namang mag give up..." Pangaasar sakin ni Jacob. Tsk! Bakla!

"Hindi ako bakla noh! Itanong mo pa kina Zachary at Bernard!" Sabi ni Jacob. Tsk. Ang sabihin mo, tinatago mo yung pagkabading mo para makasama mo yung hotties dito sa school!

Emerald Academy : School of Magic [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon