Chapter 5 : First Day

39.8K 1.2K 36
                                    

EMILY'S POV

Kagigising ko lang ... or should I say, ginising ako ni Ayla...? Hayy nako... bakit nga ba ang aga niya ngayon?

"Bilisan mo na Emily! Ang bagal mo talaga..." Sabi ni Ayla sa akin, para siyang bata.

"Ang sabihin mo, ikaw yung parang bata... kailangan mo pa talaga ng tagapag-gising ganun?" Sabi ni... Diana?! Nandito pala siya?! Teka, nakabihis na sila. Oo nga pala! First day of school na namin ngayon! Hayyy nako... nakalimutan ko.

Tumayo ako at nagmadaling kinuha ang towel ko tapos pumasok ng banyo para maligo. Napuyat ako kakaisip kung sino yung babae na sumisigaw kahapon sa loob ng Dark Forest at kung kamusta at nasaan na siya ngayon. At kung ano na ang nangyari sa akin kung hindi dumating si Bernard kahapon sa Dark Forest. Mabuti nalang at dumating siya. Nang matapos na akong maligo, nagbihis na ako at nag-ayos ng aking sarili.

Suot ko na ang uniform ko ngayon. White long sleeves ito, above the knee yung skirt, at may coat na rin. Color emerald green ang skirt at coat, meron na ring long black socks at kulay emerald green na tie. Ang cute ng uniform! Naibigay na rin sa akin ang pinned glass name tag ko... o, ewan ko kung ano ang tawag doon. Nakalagay doon ang buong pangalan ko, pati na ang year ko. Emily Esmeralda F. Greene, Grade 12-Senior High ... OMG! Excited na ako!

"Hmmm... Emily?! Bilisan mo na nga! Nagpapaganda ka pa talaga for Bernard ha..." Sabi ni Ayla. She complained na nga, magshi-ship pa. Hayyy nako.

***

Nasa hallway na kami ngayon, naglalakad papunta sa classroom namin. Classmates ko rin sina Ayla at Diana. Na-excite talaga ako nang malaman kong magkaka-klase pala kaming tatlo.

"By the way Emily, I'm sorry if naging harsh ako sayo ha... also, sorry kasi hindi ka namin natulungan sa pag-discover mo ng kapangyarihan mo." Sabi ni Diana.

"It's okay, hindi mo naman kailangang mag-sorry. I was the one who walked out while the three of you guys were trying so hard on helping me find out what my element is." Sabi ko sa kanya. Tumawa naman kaming tatlo.

"About the book. The Book of Crystal's Spells, something... all of the pages are blank. Baka yung book na yun is exclusively made for a Crystal person... I think that's the reason kung bakit hindi namin makita ang mga nakasulat doon. So, I think maganda kung makita mo yung book. Baka kaya mong mabasa at makita ang mga nakasulat doon." Sabi ni Ayla sa akin. Tumango lang ako.

"Oh. And please don't walk out..." sabi ni Diana, while rolling her eyes at me. Wow.

"Of course hindi na. Ayoko ngang maulit sa akin yun, bakit nga ba ganun ang forest na yun?" Sabi ko sa kanila.

"Well, that forest was once our happy place. We run, play... sometimes nga, we even train and practice there. Like, practice ourselves with our magic... how to use them. Also, train ourselves physically." Sabi ni Ayla. Tumingin naman siya kay Diana.

"That's true. But... umm, remember when we told you na wala pang attacks na nangyayari since the death of the King?" Sabi ni Diana. Tumango lang ako.

"Well, that's not really true. Nagkaroon ng attack nung 14 years old palang kami ni Ayla." Pagpapatuloy ni Diana na nakatungo ngayon. Pati si Ayla ganun din.

Emerald Academy : School of Magic [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon