ZACHARY'S POVIt's another day. Naalala ko yung nangyari kahapon, hindi pa sana ako aamin kay Emily pero namiss ko siya ng sobra. Alam mo yung feeling na, classmates kayo at nagkikita kayo araw-araw pero namimiss mo parin siya?
It's already 4:04 am pero hindi parin ako nakakatulog. Tsk, I can't stop thinking about her. Emily, Emily, Emily. Namimiss ko nanaman siya. Tsk, I decided na mag breakfast nalang, kaya bumangon na ako at inayos ang higaan ko. Napansin ko namang tulog na tulog pa si Bernard. Yep, siya ang roommate ko.
I walked towards the coffee table after I fixed my bed. Nagtimpla ako ng kape. Nagsaing ako ng kanin at nagluto ng scrambled eggs. Ipinagluto ko narin si Bernard para pag-gising niya, may breakfast na siya.
Pagkatapos kong magluto ay kumain na kaagad ako. Napansin kong gumalaw si Bernard sa higaan niya at umupo. Tsk, lagi siyang ganyan tuwing nagluluto ako at naaamoy niya, nagigising siya. Bumaba naman siya from his bed at inayos ito. After that, nagpunta siya sa mini kitchen namin at kumuha ng plato. Nilagyan niya yun ng niluto kong kanin at scrambled eggs. He walked towards the coffee table, and sat down on the chair. Magkatabi na kami ngayon na kumakain.
"Thanks sa breakfast bro." Sabi ni Bernard sakin. Tsk! Kung hindi lang kita best friend, matagal ko nang nilagyan ng lason yang pagkain mo.
Yep, best friend ko parin siya. Ewan ko nga lang kung ganun parin ang tingin niya sakin. Because sometimes, parang frienemy ang naramdaman kong pagtingin niya sakin. Minsan naman parang rival niya ako...
"You're always welcome, bro!" Sabi ko sa kanya. Namimiss ko na yung dating friendship namin. Maya-maya naman ay may kumatok sa pintuan. Ako nalang ang nagbukas nun. Nakita ko naman si Jacob nang binuksan ko ang pintuan.
"May breakfast ba kayo?" Tanong niya na may halong hiya na ikinatawa ko. Hayy nako! Tumango naman ako at pinapasok siya. Dumiretso siya doon sa mini kitchen at kumuha ng plato at pagkain. Tinabihan niya naman si Bernard. Bumalik na ako sa upuan ko at tinabihan silang dalawa. I continued to eat. Tahimik lang kaming tatlo na kumakain. Napansin ko na tumitingin si Jacob sa amin ni Bernard, hindi naman nagtagal yun. Naweirdohan siguro si Jacob sa amin ni Bernard, kasi before... kami ang pinakamaingay at madaldal sa aming tatlo.
"Thanks sa breakfast Zach!" Sabi ni Jacob pagkatapos niyang kumain. Tsk! Kung kelan tapos na, dun lang nagpasalamat? Langya!
"You're always welcome..." Sabi ko naman. Tsk! Maya-maya naman ay lumabas na si Jacob, maliligo at mag-aayos na daw siya. Ganun din ang ginawa ko. Nauna na akong maligo kesa kay Bernard. Medyo inaantok pa daw kasi siya.
Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako at nag-ayos narin. Naka-uniform na ako ngayon kahit na sobrang aga pa. Friday nga pala ngayon kaya suot ko ang P.E. Uniform namin. Green sweatshirt yun na may hoodie at black na jogging pants. Ayun, tulog na tulog parin si Bernard. Hayyyss...
Napagpasyahan ko namang lumabas na ng dorm at pumunta sa special place ng parents ko. Ang Magical Secret Garden... naglalakad na ako ngayon papunta doon. I looked at my wrist watch and checked the time. It's already 5:08 am. Medyo madilim-dilim parin ang langit.
Habang naglalakad papunta doon ay bigla naman akong may narinig na pagsabog. Saan naman yun nanggaling? Naglakad ako papunta sa kung saan ko narinig ang pagsabog, marami naring naglabasan na iba pang students at tumakbo narin papunta doon. Halata ang takot sa kanilang mga itsura at galaw, they are nervous. Nagsisiksikan na kami dito papunta doon. Sunod-sunod ang narinig naming pagsabog, doon parin sa patutunguhan namin nanggaling, at sa likod yun ng main school building... sa Dark Forest o Forbidden Forest. Sigh, this is a total chaos...
BINABASA MO ANG
Emerald Academy : School of Magic [COMPLETED]
Fantasía[BOOK 1] A school where magic lives, and where impossible things happen. Fantasy turns into reality. Impossible becomes possible. Light and Dark. The most powerful of the powerful. Welcome to Emerald Academy, and Emerald Kingdom! The long lost pri...