Chapter 2: "Meeting Them"

202 7 0
                                    

Chapter 2: “ Meeting Them ”

Jessica’s POV

 

“Ma’am, nandito na po tayo sa Wallright Academy” sabi ni Kuya George sa ‘kin habang binubuksan ang pintuan na kotse.

“Thank you po! Una na po ako. Ingat po sa pag-uwi!” sabi ko habang tumatakbo papasok ng school.

         Ang weird talaga ng feeling ko minsan pag nasa loob na ako ng school. Feeling ko may nakatingin sa’kin. Tumingin-tingin ako sa paligid pero wala naman akong nakitang nakatingin sa akin.  Baka guni-guni ko lang yun. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad.

        Baka isang fan girl/boy  lang ng mga kabarkada ko. Medyo sikat kasi kami dahil siguro 2 sa mga besfriends ko ay half-half. Sina Kevin and Francine.  Mga foreignay and foreignoy sila kumbaga. Kaming dalawa ni Tyler ang purong Pilipino sa’min. Patuloy lang ako sa paglalakad ng biglang may umakbay sa akin. Papalipitin ko na sana yung kamay nang bigla itong nagsalita.

“Hi, Miss Smart” isa lang naman ang tumatawag sa’kin ng ganyan.

“Yoh! Mr. Heartbreaker.” Sagot ko sa kanya habang tumatawa.

Nag-pout naman ang loko. Feeling cute talaga to eh. Sarap batukan. (--_--“)

      Anak sya ng may-ari ng sikat na Laxer Hospital sa Europe. Actually, doon nagtatrabaho si Mama.

“Oy! Tanggalin mo nga yung kamay mo sa balikat ko. Ang bigat pre” pagmamaktol ko

“Oh ayan!” sabay taas nya ng kamay niya pero hindi pa rin tinatanggal ang braso sa balikat ko.  Ang aga mang trip nito ah.

“Tanggalin mo sabi!”

“Tinanggal ko naman na kamay ko ha!” nakangising sabi niya.

“UGH! Ewan ko sayo!” at this point medyo naiinis na ko (>_<”)

        Tumakbo na ko paakyat ng 3rd floor. Sumunod syang tumakbo sa’kin at hindi pa rin tinatanggal ang pag ka-akbay pero nung nasa stairs na kami ng 2nd floor tinanggal na niya. Nahirapan yata sa pagtakbo habang nakaakbay Bwahahha >:D Nasa 3rd floor ang mga rooms ng 4th year students. Nasa first section kami and kaklase ko ang mokong na to.  3 lang ang section ng 4th year sa amin.

Nasa tapat na kami ng classroom ngayon… Naabutan kami ng pagtunog ng bell habang tumatakbo kanina.

“Ikaw na kumatok” sabi ni Kevin sa akin na medyo hinihingal pa sa pagtakbo.

“Bakit ako?!” . Kapag ako kasi yung kumatok sa akin lang mapupunta ang atensyon ng lahat specially Ms. Herrerra.

“Bilis na. Ako kakausap kay Ma’am”

Maganda idea din yun. Favorite ni Mrs. Herrerra to eh! Daya.

“Okay.”

Tok-tok-tok

        Binuksan ko ang pintuan at ang unang bumungad sa mukha ko ay ang galit na Ms. Herrerra (Math teacher namin) Wrong timing ata ang pagkatok ko. Mukha kasing pinapagalitan ngayon ni Ma’am ang mga kaklase ko. Galit na mukha ang iniharap niya sa akin. (Since day 1 ganun talaga expression ng mukha niya.  Lagi kasing nakakunot noo yan pero ngayon nase-sense ko na mas galit sya) Na-feel ko na din na nakatingin sa’kin ang mga kaklase ko. Inaabangan nila ang susunod na mangyayari.

Just In TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon