Chapter 20: " The beginning"
Jessica's POV
Naalimpungatan ako sa tunog ng alarm clock ko.
Ah! Bakit ang sakit ng ulo ko? Hinawakan ko ang ulo ko without opening my eyes. Humilig ako sa pagkakahiga at kinapa-kapa ang orasan..
T-teka.. Bakit wala? Bahagya kong minulat ang aking mata at nakita ko ang kamay ko na nakatagos sa alarm clock.
O.O What the heck?! Pilit kong hinahawakan yung clock pero hindi ko talaga mahawakan.
Bigla akong napabangon at tumayo sa pagkakahiga. Nakatitig lang ako sa mga kamay ko. Anong nangyayari sa akin? Nilibot ko ang paningin ko. Wala ako sa kwarto namin sa Tagaytay. Hindi ito yung vacation house namin.
Tumingin ako sa kama ko a-at...
Waaaaah! Ohmygod! Ohmygod! Ohmygod! Naramdaman ko ang pagtaas ng mga balahibo ko sa buong katawan.
I-I'm staring to myself now. Naiwan yung katawan kong nakaupo sa kama at pinapatay ang alarm clock.
What the hell on damn Earth is freacking happening to me?
My brain paused for about 3 minutes. Pilit kong sinisink in sa utak ko ang mga pangyayari. Pumunta ako sa bookshelf ng kwarto ko at nagtangkang kumuha ng isang book pero hindi ko talaga kayang kuhanin. Tumatagos lang ang kamay ko, para akong isang kaluluwa, hindi lang 'parang', mukhang kaluluwa nga yata talaga ako. Waaah!
Lumapit ako sa sarili ko ( 'ko?' what the eff. Ang weird) na ngayon ay nagsusulat ng kung anu-ano sa notebo-- diary. Diary ko yun! Tinignan ko ang sinusulat ko? Nya? Ugh.
Sa Bar… Isang mysterious guy… Araw na maraming nawala sa buhay ko… “Nandun na eh. Maayos na ang lahat pero bakit…”
Nakabalik na ba ako? Totoo ba lahat ng sinabi saakin ni Justin? Hindi ba ako nananaginip?
Dali-dali akong pumunta sa likuran ng pinto ko at tinignan ang kalendaryong nakasukbit doon.
'Year 2012'
o.O
N-nakabalik nga ako? T-totoo nga?! Kinuha ko ang kalendaryo sa sobrang pagtataka pero as usual tumagos lang ulit ang kamay ko.
“Jessica Mae Marvelle!!! Bata ka! May balak ka bang pumasok?!” kumunot ang noo ko sa lakas ng sigaw ng isang babae. Kaboses niya si Nanay Setti. Nakakamiss tu--
Waaah! Si Nanay Setti nga yon! Memories flashed back on my mind. Naalala ko pa ang sinagot ko nun.
"Opo! Nagbibihis na po! " sabay na sambit namin. Oh diba?! HUH! Kahit slow ako minsan, matandain naman ako sa mga pangyayari sa buhay ko.
Ang astig. Para kong nirereplay yung nangyari sa akin dati. Lumapit ako kay sakin/sakanya. Ah basta! . Dahan dahan akong umupo sa kama. Mahirap na baka tumagos ako at sumemplang pa sa ilalim ng kama.
After ng dahandahang pagtatangkang maka-upo ay nakaupo na rin ako sa wakas.
" Hoy Jessica! Jessica Mae Marvelle!" Tawag ko kay otherself habang kumakaway kaway sa mismong mukha niya. "Yohooo?" mas nilapit ko ang mukha ko sa kanya
Di niya ako nakikita? Aba malamang Jessica! Edi sana nagwawala na yang otherself mo ngayon kung nakikita ka niya.
Okay. Ano ng gagawin ko? Iyun tama! Sasanib--
'Bawal kang sumanib sa katawan mo' narinig ko ulit ang boses ni Justin sa utak ko. May button ba sa utak ko at kanina pa nagrereplay ang sinasabi sa akin ni Justin. Para tuloy siyang naging konsensya ko.
Oh-kay. (=_=)
Huminga ako ng malalim habang pinagmamasdan ang sarili kong pumunta sa cr para magshower. Ang kailangan ko lang gawin ngayon ay sundan ang sarili ko (otherself na nga lang para di magulo).
Kailangan ko ng maging handa sa mga susunod na mangyayari sa mga dahilan kung bakit bigla na lang nagkaganun ang friendship namin.
Pero bago yun may ilang malaking katanungan sa isip ko
Paano ako kakain nito? HUHUHU
Paano ako maliligo? T.T
Nahinto ang pagdadrama ko tungkol sa kung papaano ako makakakain at makakaligo ng lumabas ang otherself ko sa cr.
Lumapit ako sa kanya.
" Ang bilis mo naman matapos. Anong ginawa mo sa cr? Tumae lang?" tanong ko sa otherself ko habang bumubuntot sa kung saan man sya pumupunta sa kwarto ko.
" Ang tunay na babae, matagal maligo!" patuloy kong pagaadvice sa kanya.
" Inaabot nga ako ng 20 to 30 minutes sa paliligo tapos ikaw 10 o 5 minutes lang?" Patuloy sya sa paglalakad at kumukuha ng mga kailangang dalhin sa school. Ni hindi niya man lang ako pinapakinggan.
Aish..Oo nga pala di niya ako naririnig. Huminto na ako sa paglalakad at pinagmasdan na lang ang otherself kong nakatitig sa salamin.
Ewan ko baga pero I found myself smiling.
Infairness.. Ang ganda ko pala. :">
BINABASA MO ANG
Just In Time
Teen FictionI found a Book and the title is... "Lost Time will Never Found Again" Memories rushed back in my mind as I read those words "Will never found again" I whispered A small weak smile escaped from my lips and whispered an unbelievable line. . . . . . . ...