Chapter 13: ”Day 3: ‘M.C’ Mutual Craziness”
Justin’s POV
“Ano?! Bakit wala sya?”
Lintik na Elle yun! Sya yung nag-isip ng gantong set-up tapos sya pa yung mawawala. Bakit ko pa kasi sinabi yung rule number 2: Pwede kang hindi makasama basta one day lang and with an acceptable reason. Ugh. Nagamit tuloy niya ng di oras.
“ May family gathering daw sila eh. Acceptable excuse naman siguro yun.” Mahinahong sagot sa akin ni Jessica at kalmadong ininom ang kape.
“Psh.”
Nandito kami ngayon sa café na lagi naming tinatambayan. Umaga pa lang at halos kagigising ko lang tapos biglang iyun ang maririnig ko na balita. Anong gagawin namin ngayon? Tutunganga? Si Elle lang naman yung nag-iisip ng mga pwede naming gawin eh.
“ Pede ba stop messing with your hair baka mamaya may lumilipad na dandruff at pumunta sa iniinom ko”
Idagdag mo pa itong baliw na babae na kasama ko ngayon. Kanina lang ang cool niya tapos ngayon naiinis? Bipolar. I don’t even know why I care for her.
Ginulo ko na lang lalo yung buhok ko at lumapit pa sa kanya. Bwahahaha. Wala naman akong dandruff trip ko lang talaga syang inisin. Ang ano niya kasi pag naiinis. Ano.. hhmmm. Basta! Yun yun.
“Ano ba! Kung ayaw mong tayong dalawa lang then fine! Aalis na ako.” Sabi niya at akmang aalis na.
Uh-Oh.
Bigla kong hinigit yung kamay niya para hindi sya makaalis.
“Ang sensitive mo.” I said with a smirk.
Hinatak ko yung kamay niya para ma-upo na sya. Sumunod naman sya at padabog na umupo. Natatawa ako sa itsura niya. Pero syempre baka tuluyang umalis tong bipolar na babaeng to kaya pinigilan ko na lang.
“Ano nanaman?! Bakit ka natatawa?”
Kinagat ko na lang yung labi ko kahit medyo nangingiti pa rin ako. Ang cute niya kasi mainis HAHAHA.
“Eeeew. Lip bite. Di bagay sayo!” sabi niya at hinilamos ang palad niya sa mukha ko.
Nahuli ko naman yung expression ng mukha niya. She’s smiling now while shaking his head disapprovingly.
Nababaliw ako kapag kasama to eh.
Napangiti ako nung nabasa ko yung nasa isip niya.
“Syempre. Nakakabaliw ang kagwapuhan ko eh.” Nawala ang ngiti niya at nanlaki ang mga mata. Shocked.
“Paano mo nal—“
“ How many times do I need to tell you that I can read minds?” nakapoker face kong sagot
Ininom niya lang ulit ang kape niya. Hindi ‘to naniniwala sa akin for sure.
Tss. Bipolar
“Ikaw din naman Bipolar.” Nabilaukan sya pagkasabi ko nun.
Talagang nababasa mo yung nasa isip ko?!
I nod. At mas lalong lumaki ang mata niya.
“Waaaaaah! Nakakabaliw ka talaga kasama!” Pagsisigaw niya with matching padyak na parang bata.
“I know. Gwapo eh. Sorry naman.”
Nanahimik sya at nahuli ko syang amaze na nakatitig sa akin.
BINABASA MO ANG
Just In Time
Teen FictionI found a Book and the title is... "Lost Time will Never Found Again" Memories rushed back in my mind as I read those words "Will never found again" I whispered A small weak smile escaped from my lips and whispered an unbelievable line. . . . . . . ...