Chapter 12: "Day 2 Part 2: The Reason II"

82 9 1
                                    

Chapter 12: “Day 2 Part 2: The Reason II”

Third Person’s  POV

“Alexandria?!” pasigaw na bulong ni Jessica. Napatingin naman sa kanya si Justin pagkasabi niya nun.

 “You know her?” tanong ni Justin sa kanya. Hindi niya mawari kung bakit naku-curious sya sa katauhan ng babaeng yun.

Hindi makasagot si Jessica. Nanatili lang syang nakatayo at gulat na gulat. Hindi malaman ni Justin ang dahilan kung bakit biglang nagkaganoon ang kanyang kaibigan.

“Jessica. Look at me.” Sabi ni Justin. Dahan dahan namang itinaas ni Jessica ang mukha niya at tinignan si Justin. Dahil doon ay nabasa ni Justin ang nasa isip niya. Tinignan niya ulit yung babaeng nagngangalang Alexandria. Nakita niyang palapit sa kanila ito kaya bigla niya hinawakan ang kamay ni Jessica at hinatak palayo doon.

“Wag ka munang iiyak.” Mahinahong sabi ni Justin kay Jessica habang hinahatak niya ito palayo. Mabilis syang naglakad para hindi sila maabutan ni Alexandria.

Justin’s POV

Pagkatapos kong ilayo si Jessica kay Alexandria ay dinala ko sya sa park kung saan kami unang nag-usap ng maayos. Hindi naman masyadong malayo ang park na ito sa mall.

“I already called Elle sabi ko dito na lang sya pumunta.” Pagkausap ko kay Jessica na ngayo’y katabi ko. She just nodded as a response. Her eyes are still closed.

Ang daming continents, countries, cities, malls, botiques sa mundo pero nagkita pa rin sila. Ang hilig talaga maglaro ng tadhana noh? Hindi ko pa alam ang buong nangyari kay Jessica at mga kaibigan niya. Basta ang alam ko at ang nabasa ko lang sa isip niya kanina ay malaki ang binahagi ng babaeng yun sa pagkasira ng friendship nila.

“Pwede na.” pagkasabi ko nun ay bigla syang napadilat. Curiosity plastered in her face

“Huh?” tanong niya. Tsk. Kahit kailan talaga slow.

“Umiyak ka na ngayon para mailabas yan. Wala naman na si Alexandria ngayon kaya.. go.”

“Sya? Iiyakan ko? Ha! Sino ba sya?” matigas na sabi niya halata mo sa mukha niyang pinipilit niya maging matatag.

“ Taong sumira lalo ng pagkakaibigan niyo?” bigla syang napatingin sa akin.

“P-paano mo na—“

“Ting ting! Jeca!” tawag ni Elle sa amin habang tumatakbo.

Hinihingal hingal syang huminto sa harap namin.

“ Grabe kayo! Ang la— “ bigla syang napahinto nang makita niya si Jessica.

“ Something’s weird. Anyare?” tanong niya sa amin habang palit palit sya ng tingin sa aming dalawa.

Kinuwento ko naman sa kanya yung nangyari.

“ Kaano-ano mo si Dria?” tanong ni Elle kay Jessica.

“Dria??” sabay na tanong namin ni Jessica.

“ Another nickname.” She said grinning widely with her eyebrows going up and down

“ oooh. Another WEIRD nickname.”

“Grabe ka naman sa weird! Maganda naman ah!By the way. Ano na?” tanong niya ulit.

Just In TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon