Chapter 14 : "Day 4: The Calls"

65 9 1
                                    

Chapter 14 “ Day 4: The Calls”

Jessica’s POV

~krrring~kriiiiing~kriiiiing~krrriiiing~

“Uuuuh.”

Krriiing~Krrrriiing~

“Ito na, Ito na. Papatayin na kita.”

~Krrring~Krriiiing~

*kapa*kapa* asan ba yung alarm clock na yun? Bwisit ang ingay~

~Krrriing~Krrrriiing~Krrri—

3:30 am

Ang aga pa pala.

“Jessica! Gising ka na ba?” dinig kong sigaw ni mama galing sa labas ng kwarto ko.

“Opo.” Mahina kong tugon

“ Mag-gayak ka na anak. Para maaga tayong makarating sa Tagaytay.”

“ Yes Mama”

Tumayo na ako na parang zombie. Maglalakad na sana ako ng makita ko ang blue box sa gilid ng kama ko.

“Saan galing t—“ Ah! Oo nga pala. Ito yung nakita ko sa gate kagabi pagkatapos namin mag-gala ni Justin.

Kinuha ko ang medium blue box sa gilid ng kama ko. Ano kayang laman nito? Sino kayang nagbigay?

Humiga ulit ako sa kama ko at nagpagulong – gulong

“Waaaaaah!! Kanino ka ba galliiiiiiinngg!”

Krrriiing~Kriiing~kriiiiing~

(=_=) Sino naman kaya itong tumatawag na to.  Kinapa-kapa ko ulit yun table sa side ng kama ko. Teka bakit wala. Umusog ako ng konti at inextend ang kamay ko.

Krrrrriing~Krriiing~Krrriiing~

Ang ingaaay! Putek. Nasan na ba yun?!

Umurong ulit ako habang kinakapa pa rin yung table.

“Gotcha! “ sabay taas ko sa cellphone ko “Aaaah!” bigla akong napakapit sa table at yung kanang paa ko ay nasa kama. Wew. Muntik na ko malaglag dun ah. Thanks to my arms and le—

“Pinapasok na ako ng—“

(O.O)

“Aaaaahh!”

*Boogsh*

 

Aray yung pwet ko. Hinimashimas ko ito. Ang liit lang pala ng kama ko?

“ mama mo.” Pagpatuloy niya sa sinasabi niya

 “J-justin?!” bigla akong tumayo mula sa pagkabagsak ko.

(O.O) Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.

“Ppfft—“ bigla syang yumuko at nagpipigil ng tawa. Anong nakakatawa?

Tinignan ko ang damit ko at Waaaah. Bigla akong tumakbo sa loob ng cr.

Sa dinamidami ng panahon bakit sa ganoong kalagayan niya pa ako nakita?

Tumingin ako sa salamin at.. m-mukha akong bruha. Gulo gulo ang buhok ko as in magulo talaga. Nagpagulong gulong baganaman ako eh. Yung mukha ko may panis na laway pa. Eeeeww~ Yung d-damit ko naka panjama ako na little mermaid yung design. Yung sando ko may ruffles ruffles pa at nakalabas pa yung strap ng bra ko.. Waaaaah! Pumadyak padyak na lang ako at padabog na naghilamos.

Just In TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon