Chapter 6: "Meeting Him"

107 7 2
                                    

Chapter 6: “Meeting Him

2 Years later..

Jessica’s POV

        January 2014 na pero ganun pa rin.Nasira ang friendship namin dahil dun sa nangyaring yun. Sa isang iglap bigla na lang silang nawala sa akin. Hindi na naming nagawang magpaliwanag sa isa’t isa dahil alam naman namin na wala namang makikinig at hindi na rin sapat ang oras dahil malapit na kami mag-graduate nun. Tss. Because of our childish minds and childish acts nawala lahat.. Bukod sa nangyari nung gabing yun may nadagdag pa na problema. Walang hiyang Alexandria yun! UGH. Mahabang kwento kung bakit sya nadamay dito.. basta malaki yung binahagi niya para magkawatak watak kami.

“Jess. Gising ka na ba?” dinig kong sabi ni mama sa akin sa labas habang kumakatok.

“Opo. Bababa na din po ako maya-maya” –ako

                Tama yung dinig (nabasa) niyo. Si Mama yung kumatok sa kwarto ko. Nung nalaman niyang nagkawatak-watak kaming magkakaibigan nagresign sya sa Laxer hospital, hindi ko pa alam kung bakit sya nagresign. Kapag tinatanong ko sa kanya sinasabi niya lang sakin na namiss niya daw ako kaya sya umuwi. Si Papa naman nasa Korea ngayon para sa company namin. Pero kahit ganun madalas pa rin niya kaming kimakamusta ni mama. Lagi sya tumatawag o kaya naman nagvi-video chat. Hindi pa rin naman nawala ang partnership namin kila Mr. Gray(Daddy ni Tyler) kaya maayos pa naman daw yung company namin sabi ni Papa.

                Nag-ayos muna ako sandal at bumaba na. Naabutan kong nagvi-videochat sina Mama at Papa. Wala si Nanay Setti ngayong Bagong Taon dito sa bahay kasi bumalik muna sya sa kanila para doon magcelebrate.

Lumapit ako sa kanila ng nakangiti. (Kailangan kong maging masaya kahit wala sila. Nandito naman sina Mama and Papa kaya ok lang yan Jess) pagkausap ko sa sarili ko.

“Happy New Year, anak!” sabay na bati sa akin nina Mama at Papa

“Happy New Year din Mama, Papa” bati ko sa kanila.

“Mukhang napuyat yata kagabi ha?” natatawang sabi sakin ni Papa.

“Opo. Si mama po kasi ayaw ako patulugin, nagkalampag na lang po ako ng napakaraming kawali at siyanse para mawala antok ko.” Pabiro kong sagot kay Papa

Natawa naman si papa at mama sa sinabi ko. Ang babaw talaga ng kaligayahan nila XD. Ganun pa rin naman ako, may nabago nga lang ng konti. Hindi naman pwedeng pigilan ang sarili na may magbago diba?

“Kumain ka muna ng breakfast mo. Nandun sa may kusina.” Sabi sa kin ni mama.

                Pumunta agad ako sa kusina at nakita ko ang napakadaming pagkain. Si mama lang ba talaga nagluto nito? Grabe ang galing talaga magluto ni mama. Kumuha na ko ng plato at sumandok na ng napakaraming pagkain. Pumunta muna ako sa kwarto ko at doon na kumain.

                Kasalukuyan akong kumakain ng biglang tumunog ang phone ko. Nagtataka kong kinuha ang cellphone ko. Simula kasi noong nagkawatak watak kaming apat, hindi na ako nakipagkaibigan kahit kanino (Well, except for one).

From: Elle

                Hi Jeca! Haha. Happy New Year! Don’t forget na lagi lang ako nandito for you. Di kita tatantanan kahit ipagtulakan mo ako. Kahit sabihin mong bitch ka. Well, I love bitches. Hahaha. At pag sinabi mong joke lang yun. Well, I love jokers XD. In short, I love you friend and I know that you feel the same. So wag na pakipot. Bagong buhay na girl! XD

Just In TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon