Chapter 8: “Small World”
Jessica’s POV
“Mama, kahit wag na tayong magpa-party sa 18th birthday ko. Basta kumpleto tayo nila Papa ayos na yun.” Sabi ko kay mama habang nanonood ng tv.
“Pero anak, mas magiging memorable at masaya yung birthday mo pag ganun.” Pagpupumilit ni mama.
Anong kaguluhan nga ba ang nagyayari ngayon? Well, nandito kami ngayon sa living room. Nanonood kami ng tv ng bigla akong tinanong ni mama about sa preparations for my 18th birthday on January 7. Ayokong magpa-party kasi sino naman ang pupunta? Mga kamag-anak ko,syempre. Pero mga friends? Sila Elle pa lang at Justin ang masasabi kong ka-close ko ng kaunti. Atsaka magastos at matrabaho ang mga ganoong party. Ok na sakin na buo kaming pamilya na magce-celebrate nun. Hangga’t maari nga gusto ko pati sila France, Tyler and Kevin kasama eh, kaso lang that’s impossible.
“Ma, para sa akin memorable na at masaya na ang isang birthday pag ni-celebrate ko yun kasama kayo nila Papa. Kaya pauwiin niyo na si Papa!” Alam ko namang imposibleng makarating si Papa sa birthday ko kasi marami pa raw syang aasikasuhin sa company namin. We just talked a while ago na hindi sya makakarating and babawi na lang daw sya next time.
“Sige kung iyan yung gusto mo” nakangiting sabi sa akin ni mama. Hala tama ba narinig ko? Does it mean na uuwi si Papa sa January 7?
“Thank you Mama! So makakauwi si papa?”
“Hala! Iha, wala akong sinasabing ganyan.” She said while laughing.
“Ma naman eh! Bak—“ naputol ang sasabihin ko ng may biglang nag-ring ang phone ko.
Krrringg~Kriing~
Elle calling…
I answered my phone ang nagpaalam na muna ako kay mama at pumunta na sa kwarto ko.
/Jeca! Malapit na birthday mo! Anong gusto mong gift?/ pambungad na sabi niya sa akin
/Jeca? Who’s that?/ My name is Jessica Mae A.K.A. Jess and not Jeca.
/Jeca naman eh. 2 years na kitang tinatawag na Jeca hindi ka pa nasanay. Ano? What do you like?/ medyo may pagtatampong sabi niya.
/OK. Fine. Punta na lang tayong café. / mahina kong sabi sa kanya. First time kasi na ako ang nag-ayang lumabas with her. Nakakahiya sana hindi niya narinig.
/ Really?! Naks Jeca nagbagong buhay ka nga. HAHAHA. OK, I’ll be there in 20 minutes or 10 minutes/ Takte! Narinig niya T.T Pero ok lang, mabait naman si Elle and gusto ko rin naman syang maka-bonding. Its been 2 years since we first met and all those times na pinapaalis, sinusungitan at pinapalayo ko sya sa akin ay hindi sya sumuko. She’s the one who’s always there whenever I became bitch. She’s one of the reasons why I’m trying to move on with my past.( But until now I can’t) May good things din ang pagiging makulit ng babaeng to.
Café
Elle’s POV
Anong nakain ng babaeng to ngayon? Grabe lang. Ngayon lang sya nag-aya na lumabas kami,lagi kasing ako yung nag-aaya dati. Does it mean na naka-move on na sya about sa past niya? Actually, I don’t really know the whole story about that “past”. Ang sabi niya lang sa akin ay may kaibigan daw sya dati and ngayon wala na dahil daw sa isang away about “love”.
BINABASA MO ANG
Just In Time
Teen FictionI found a Book and the title is... "Lost Time will Never Found Again" Memories rushed back in my mind as I read those words "Will never found again" I whispered A small weak smile escaped from my lips and whispered an unbelievable line. . . . . . . ...