Chapter 1: “Strange Dream”
Jessica’s POV
As usual nandito ako sa tambayan ko sa bar. Hindi ko alam kung bakit dito ko naisipang tumambay tuwing dumarating ang araw na ito. Siguro para malimutan ko kahit isang araw lang ang hindi ko malimut-limutang pangyayari sa buhay ko. Ang araw na maraming nawala sa buhay ko. Umupo ako sa tapat ng counter at nag order ng isang bote ng alak hanggang sa naging 7 bote na ng alak ang naoorder at naiinom ko. Alam kong tipsy na ko dahil nakakaramdam na ko ng konting pagkahilo. O-order pa sana ako ng isa pang bote ng alak ng biglang may nahagip ang mga mata ko. Isang mysterious guy at nasa tabi ko na sya ngayon. Tinignan ko sya at pilit na kinilala ang mukha. Lalaki sya o kaya naman gay(?) kaso lang hindi ko makita masyado ang mukha niya.Blurred na kasi ang paningin ko at madilim pa sa bar.Inalis ko na lang ang tingin ko sa kanya at nag order pa ng isang bote ng alak. Habang nilalagok ko ito ay bigla niya itong kinuha sa kin. Bastusan lang?!
“Hoy! Bastos ka ding lalaki ka eh no? Kitang umiinom ako dito!” pilit kong inabot ang bote pero di ko makuha-kuha.
“Concerned lang miss. Wala kang kasama dito” Sagot niya. Tss. Concerned your face!
“Akin na sabi!!” Bwisit na lalaki ‘to (yeah lalaki sya ang laki ng boses niya eh)
Mas lalo niya pang tinaas ang bote para di ko maabot. Ayaw mong ibigay ha.
“AAAAHH!” sigaw niya. At binaba niya ang kamay niyang may hawak ng beer ko at hinawakan ang kanang paa niya na inapakan ko gamit ang paa ko. (Take note: I’m wearing heels)
Habang hinihimas niya ang paa niya bigla kong hinablot ang bote at ininom na ito. Tss. Weak!
“May problema ka ba miss?” Medyo irita niyang tanong.
“Duh~ kaya nga nasa bar diba?!” Tss. Bwisit ang FC (feeling close) niya ah.
“Miss, hindi porket nasa bar may problema na. Pwedeng nagpaparty ka dahil nanalo sa lotto, Birthday, natanggap sa tra-“
“Ugh! SHUT UP!” sigaw ko.
“Tss. Bahala ka nga dyan” sabi niya at nag order na rin sya ng isang boteng beer.
Buti naman at tumahimik na sya. ..
Minutes of silence...
“Nandun na eh. Maayos na ang lahat pero bakit…”
-------------------------
Krriiing~ Kriiing~ Kriing~
--_-- ... O.O
Bigla akong napabangon sa pagkakahiga at pinatay na ang alarm clock. Naguguluhan ako sa mg napanaginipan ko. Bakit ako nasa bar? Since birth hindi pa ko nakakapasok sa mga ganun. Bakit ako umiinom at infairness nakapitong bote pa ko ng alak?! Ni hindi nga ko umiinom ng alak as in NEVER~ Atsaka..araw na maraming nawala sa buhay ko? Ano yung nawala? Bag? Shoes? Wallet? Cellphone? Hindi, hindi yun. Kung iyon lang yung nawala bakit ako mag lalasing? May kaya naman kami sa buhay at kaya kong ulit mamili ng mga ganun. Aiish ewan! Panaginip lang naman yun, hindi yun mangyayari.
Tatayo na sana ko para maggayak papuntang school nang..
“Nandun na eh. Maayos na ang lahat pero bakit…” bigla kong naalala ang last line na sinabi ko. Bakit… bakit ano? May karugtong pa yun eh kaso lang itong buwisit na alarm clock tumunog.
BINABASA MO ANG
Just In Time
Novela JuvenilI found a Book and the title is... "Lost Time will Never Found Again" Memories rushed back in my mind as I read those words "Will never found again" I whispered A small weak smile escaped from my lips and whispered an unbelievable line. . . . . . . ...