Chapter 16: " It's him...”
Jessica’s POV
“Bilisan mo Jeca!” sigaw ni Elle galing sa labas ng kwarto.
Ugh. Pang-ilang sigaw na niya yan. Masyadong excited eh. O sobrang bagal ko lang talaga? Ah basta! Sya yung excited.
“Oo! Wait lang!”
Napagdesisyunan ni Elle—Yeah. Sya lang, nadamay lang kami ni Justin— na pumunta sa bayan bago magcelebrate ng birthday ko.
“Nasan na ba yung phone ko?”
Kung kailan kailangan ko yun,ngayon pa nawala. Napakawrong timing naman.
Kinuha ko yung bag ko at dun naghalungkat until something caught my attention.
“ Nadala ko pala to?” Kinuha ko yung blue box gift at umupo sa kama.
Don’t open this now. Wait for the right time. Nakasulat yan sa labas ng box kaya hanggang ngayon hindi ko pa nabubuksan. Masunurin ako eh. XD
“ Ang kurni naman. Kailan naman kaya yung right time na to?”
Kailan kaya to? Right time. Right time. Right time. 18th birthday? Woah. Oo nga 18th birthday!
Dali-dali kong sinira ang balot at binuksan ang kahon.
“ Clock Necklace?” Kinuka ko yung vintage style na clock necklace at yung card na nasa loob
There are two great days in our life: the day we are born and the day we discover why. Be aware. Get ready. Sacrifice. Time will make you stronger.
P.S. You can never make the same mistake because the second time you make it, it’s not a mistake, it’s a choice. So choose carefully.
C.T.
Is this a threat?
Tinignan ko ulit yung clock necklace. May weird aura akong nararamdaman sa clock na ito. I don’t know why. Itatabi ko na sana yung gift nang biglang hanginin yung card.
“ Aish. Nagpapahabol pa eh.” Tumayo ako at pumunta kung saan nalaglag ang card.
Kinuha ko to at may nabasang isang sentence sa likod na nagpakaba at nagpaapaw pa lalo ng curiosity ko.
“Sometimes a devil turns into an angel and an angel turns into devil.”
S-sino ka C.T.? Anong ibig mong sabihin?
Sino kayang pwedeng magkaroon ng gantong initials? Pabalik-balik lang ako ng lakad sa kwarto ko. C.T. C.T C.T. Christian? Chriscele? Christine? Ugh! Wala naman akong kakilalang ganun.
Isip.Isip.
"Ugh! Bakit ayaw mo gumana?" I said habang hinahampas ang noo ko. Nagbakasyon lang pumurol na utak ko.
Huminto na ako sa paglalakad nang makaramdam ako ng hilo at nung narealize ko na mukha akong tanga sa pinag-gagawa ko.
O.o
Gosh. Baka katulad sya ni Jacket guy na nagmamanman ngayon?! I scanned my room. Wala naman.
I stopped scanning ng dumapo yung tingin ko sa basket ng maruming mga damit.
(O.O)
Iyun!
Pumunta ako sa pantalon na suot ko kahapon. Kinapa kapa ko ang mga bulsa. Alam ko dito ko lang nilagay yung envelope na binigay sa akin ni Mama.
BINABASA MO ANG
Just In Time
Teen FictionI found a Book and the title is... "Lost Time will Never Found Again" Memories rushed back in my mind as I read those words "Will never found again" I whispered A small weak smile escaped from my lips and whispered an unbelievable line. . . . . . . ...