Chapter 9: “The 5-day-mission”
Jessica’s POV
Trio? Huhuhu. Ayoko munang magkaroon ulit ng circle of friends. Pero wala na, huli na ang lahat dahil magkakilala pala itong dalawang ‘to and grabe lang, childhood friends pa sila. Paano k-kung..kung mangayri ulit yung dati? Ugh. Ito na nga ba sinasabi ko eh! Kaya ayokong makipagkaibigan kahit kanino.
“Oy! Jeca! Ano? Tititigan mo lang kami?” sabi ni Elle sa’kin na parang batang naghihintay ng isang story.
“Elle. Don’t shout.” Pagbawal ni Justin kay Elle
Nasa bahay kami ngayon nila Justin. Nung nagkita-kita kami kanina sa harap ng bahay namin ay nag-aya si Elle na pumunta raw ‘saglit’ (Take Note: Saglit daw pero sa tingin ko eh hanggang ngayo’y walang balak umuwi si Elle.) sa bahay ng kanyang childhood friend (Justin), gusto raw niya kasi makita ulit ang mga magulang ni Justin. Siguro close na close talaga sila. Kaso lang pagdating namin ay tulog na ang parents niya. Uuwi na sana ako kaya lang itong si Elle pinigilan ako at magkwento raw muna ako tungkol sa pag-meet namin ni Justin. Ayoko nga! Ayokong ikwento sa kanya. Pagtatawanan lang ako nito kapag nalaman niya ang kabaliwan na ginawa ko noong una kaming nagkita ni Justin.
“Hindi naman ako sumisigaw ha?! Oy~ Bilisan mo na Jeca!” pangungulit ni Elle sa akin
“Tss. “ –Justin
“Wag nga kayong mag-away. Justin, parang di ka naman nasanay kay Elle. That’s the normal volume of her voice.” Pag awat ko sa kanilang dalawa. Napangiti naman si Justin at napasimagot si Elle sa sinabi ko.
“Grabe ka naman! Ayos lang naman boses ko ha?” pagtatanggol niya sa sarili.
“Don’t worry sanay na kami sa ganyang boses mo” pang iinis ko kay Elle
“Paano ba dapat? Ganto? *Ehem*” Huminga muna sya ng malalim at umubo-ubo bago nagsalita ulit
“Bilisan mo na Jeca my loves. Kwento mo na. I’m really curious. Pretty pretty please.” Sabi niya with her sweetest voice. (I think?) HAHAHA. Sinabayan niya pa ng pag act na parang isang napakahinhin na babae. Nag puppy eyes pa sya dun sa part ng “pretty pretty please”
I burst out laughing and si Justin naman ay nagpipigil ng tawa. Lalaking ‘to nahiya pang tumawa. Pero hindi niya rin napigilan at natawa na rin ng pagkalakas-lakas, hawak hawak pa nga niya yung tiyan niya habang tumatawa eh.
“Hindi bagay sayo. Don’t do that again.” He said between his laughs.
“Yes. Never. Ang weird pakinggan.” Pagsang-ayon ko kay Justin
“Gra—A-ano y-yun?” Her eyes grew bigger and slow-mo pa niyang tinuro ang hagdanan.
Nasa living room kami ngayon and lampshade lang ang tanging ilaw na nagpapaliwanag dito.
“Grabe ka naman para kang nakakita ng—“ sabi ko habang dahan dahang tumitingin sa tinuturo niya
(O.O)
“MULTO!!!!” sabay na sigaw namin ni Elle
May dalawang paa na bumababa ng hagdanan. Naka-white syang dress and yung paglalakad niya nakakatakot parang zombie. Waaah! Ayoko na tignan. Lumapit kaming dalawa ni Elle kay Justin and kumapit sa magkabilang braso niya. Tatayo pa sana si Justin ng biglang nagsisigaw si Elle.
BINABASA MO ANG
Just In Time
Ficção AdolescenteI found a Book and the title is... "Lost Time will Never Found Again" Memories rushed back in my mind as I read those words "Will never found again" I whispered A small weak smile escaped from my lips and whispered an unbelievable line. . . . . . . ...