Chapter 3: “Happy Days”
Jessica’s POV
Maaga akong nagising ngayon. Siguro mga 7:30 gising na ko, mamaya pa namang 9:00 yung klase namin. Ano kayang pwedeng gawin? Ayun!
Pumunta ako sa mini bookshelf sa tabi ng study table ng kwarto ko. Madaming akong pagpipilian na books kaso lang nabasa ko na lahat eh. As I scanned my bookshelf may nakita akong kulay blue na book. Hindi ko pa pala nababasa ‘to. Kinuha ko yung book at umupo sa kama ko.
“Lost Time Will Never found Again” I read the title of the book.. Hmmm. Interesting.
Bubuklatin ko na sana yung book nang biglang tumunog ang cellphone ko.
“Baka sina mama na yun.” Tinignan ko kung sino ang tumatawag…
/Kevin calling../Bakit naman kaya napatawag ‘to?
I answered the phone.
“Oh?” ‘yan yung way ko ng pag”hello” minsan.
/Oy!/‘yan siguro way nya ng pag “hi” =_=
“Bakit ka napatawag?” . Minsan lang kasi ‘to tumawag sakin, marami daw kasi syang katawagan. Tss. Playboy.
Minutes passed pero hindi pa rin sya sumasagot.
“Kevin? Nandyan ka pa ba?” Ang tagal naman sumagot nun sayang yung load.
“Kevin? Yoohoo~ Kev—“
*toot*toot*toot*
Anong trip nun? Bigla baga naman akong binabaan. Baliw talaga yun.
Bumalik na ulit ako sa kinauupuan ko kanina at kinuha ulit yung book. Bubuklatin ko na sana ng biglang may tumawag ulit. Ugh. Ang lakas naman mantrip ni Kevin eh.
Dali- dali kong sinagot yung phone without looking kung sino ang tumatawag.
“Oy!Mokong ka! Stop calling kung wala ka naman sasabihin, sayang ang load dude! I know may—“ I stopped talking ‘cause I heard someone chuckled. Hindi ganun tawa ni Kevin. Tinignan ko kung sino ang tumatawag.
/Tyler/ O.O Shocks nakakahiya =_=
“Hello?” pa-cool kong sabi hindi ako nagpahalata na nahiya ako sa pinagsasabi ko kanina.
/Musta na Jess? Mukhang higblood ha./ He said while laughing
“Sorry naman. May tumawag lang sakin kanina.” Bakit naman kaya napatawag ‘to?
/Kevin?/
“Yeah. By the way Bakit hindi ka pumasok kahapon? Daya mo ah.” Tanong ko sa kanya na obvious naman ang sagot. Bussiness o kaya naman boring.
/Mamaya ko na sasagutin yan. Babyahe pa ko./
“Baliw! Ang lapit kaya ng bahay niyo sa school.” Sagot ko sa kanya. Talaga naman eh. Walking distance lang kaya.
/Oo nga. Dadaan pa ako sa inyo/
“Sa amin? Aano ka naman dito? Tanga ka ba?” Tuloy tuloy kong tanong sa kanya.
BINABASA MO ANG
Just In Time
Novela JuvenilI found a Book and the title is... "Lost Time will Never Found Again" Memories rushed back in my mind as I read those words "Will never found again" I whispered A small weak smile escaped from my lips and whispered an unbelievable line. . . . . . . ...