Chapter 10

13.6K 195 4
                                    


Napagkasunduan namin ni Lazarus na pagkatapos nalang ng shift ko kami mag date. Gusto nga niya na wag ko nalang daw tapusin siya nalang daw bahala magsabi sa tatay niya. Pero tinanggihan ko dahil masyado ng nakakahiya, kailangan kong bumawi dahil sa dami ng binale ko dun' sa matandang insik.

Ano kayang magiging reaksyon ni Mr. Yuchengco pag nalaman niyang nag d-date kami ng anak niya? Magagalit kaya siya? Wag lang sana akong ma-fired, dahil kailangan na kailangan ko ang trabahong ito.

"Uhm. Hindi ba magagalit ang daddy mo pag nalaman nyang nililigawan mo ako?" Hindi ko maiwasang hindi magtanong habang nagmamaneho siya papunta sa restaurant kung saan kami mag d-dinner date.

Kanina pa kasi bumabagabag sa isip ko kung anong magiging reaksyon ng tatay niya, hindi nga ako makapag concentrate kanina sa trabaho ko sa pag iisip. Baka kasi isipin ng matanda na kaya ko pinatulan ang anak niya dahil sa pera. Alam kasi ng insik na kapos ako at nangangailangan.

Ayoko kasi pagsabihang mukha akong pera at pagsabihang gagatasan ko lang ang anak niya. Hindi naman ako ganoong babae, kaya lang naman ako pumayag na ligawan ako ni Lazarus dahil mabait siya at maalaga, at sa maiksing panahon na nagkakilala kami ay agad kong nalaman ang mga katangian niya.

"Bakit siya magagalit?" Hindi nakatinging balik tanong niya saakin, nakatutok kasi siya sa daan.

"Alam mo naman, trabahante niyo lang ako doon sa factory."

"So?"

Napaismid ako. "Ayokong ma-fired doon."

"Listen. Una pa lang alam na niya na interesado ako sayo."

"Ha?"

"Basta! Hindi magagalit yun."

"O-okay..." Tanging sagot ko, mukhang wala kasi siyang balak mag explain kaya tatahimik nalang ako.







Wala akong imik habang kumakain kami na dalawa, wala rin naman akong sasabihin sa kanya at kanina pa din siya walang salita. Parang nagsisisi na tuloy ako kung bakit ako pumayag na magpaligaw, ganito ba talaga? Nakakailang ba talaga pag unang beses kang nililigawan? O baka naman hindi lang ako kumportable dahil kanina pa kami pinagkakatitigan ng mga tao dito sa restaurant na pinuntahan namin.

Pasimple kong nilingon lingon ang ulo para sulyapan ang mga tao sa paligid.

Bakit ba nila kami tinitingnan?

Napapunas muna sa labi si Lazarus bago siya tumingin saakin. "May problema ba?" Kaswal niyang tanong.

Natingin ako sa kanyang mukha, hindi ko ipagkakailang gwapo talaga siya. Kaya siguro kami tinitingnan ng mga tao dahil mukha niya lang akong maid. Sa itsura at sa damit ko ngayon para akong galing sa palengke na nagtitinda ng isda. Wala kasi akong kolorete sa mukha at kupas na maong na pantalon na pinaresan ko ng t-shirt ang tanging suot ko lang ngayon.

At mukhang mamahalin pa itong restaurant na pinuntahan namin. Pinagpapawisan na rin ang aking noo dahil sa kahihiyan.

"L-lazarus..." Mahinang sambit ko.

"Hm?"

"Gusto ko ng umuwi..." Hindi ko na kaya pang manatili dito, ang sasama kasi ng mga tingin ng mga tao.

"Bakit?" Medyo kumunot ang kanyang noo.

"B-baka hinahanap na ako ni nanay." Pagdadahilan ko, gusto ko mang sabihin sa kanya ang totoo na hindi ako kumportable dito pero—baka sumama lang ang loob niya.

Pilit na lang na napangiti si Lazarus, halatang halata ko na napipilitan lang siya dahil sa itsura niya. Hindi kasi ngumingiti ang mga singkit niyang mata, ibang iba kumpara sa mga ngiti niya saakin nitong mga nakaraang araw.

Hindi na pumalag si Lazarus ng sabihin kong gusto ko ng umuwi, pero hindi na siya ngumingiti habang tahimik na nagmamaneho. Paniguradong nanggagalaiti na siya sa galit ngunit nagpipigil lang.

"L-lazarus?" Nagdadalawang isip kong tawag.

"Hm?"

"Are you upset?"

Matagal siya bago nakasagot. "Medyo..."

Hindi ko agad naibuka ang aking labi, tama ako masama talaga loob niya saakin.

Pero mukhang nahulaan niya ang nasa isip ko. "First date kasi natin ito." Walang ganang usal niya.

Hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa mga mata niyang nalulungkot, ang magaganda niyang mata na nabahiran ng kalungkutan. Medyo tinamaan tuloy ako ng konsensya pagkakita sa kanya.

"I'm sorry..." Malungkot kong anas.

"B-bakit ako?" Tanong ko, hindi ko na talaga kayang hindi magtanong. Gusto kong malaman sa kanya mismo kung bakit ako ang gusto niyang babae gayong isa naman akong dukha.

Baka sakaling malaman ko ang dahilan ma-boost naman ng konti itong confidence ko.

"What do you mean?"

"Bakit ako ang gusto mo? Marami naman dyang iba, mas maganda at mayayaman."

Hindi nakaligtas sa mata ko ang paggalaw ng kanyang Adam's apple, ang sexy niyang tingnan.

"I... I don't know." Napakamot siya sa ulo habang ang isang kamay ay nasa manibela.

"I just like you, I wonder why? Unang kita ko palang sayo bigla nalang tumibok ng mabilis itong puso ko."

Napaawang ang aking labi sa kanyang sinabi. Shit! Kinikilig ako.

"At naramdaman ko agad na tayo talaga ang itinadhana, na ikaw ang babaeng matagal ko ng hina-hanap."

Natigagal na ako.

Napasulyap siya ng mabilis saakin bago tumingin uli sa kalsada. "Ayos ka lang?"

Iniling ko ang ulo para magising ang diwa. "H-hah?"

"Hindi ka na kasi nagsasalita." Salita niya.

Napahawak ako sa dibdib, ang lakas ng tibok niya. Para na siyang lalabas sa dibdib ko, grabe ang epekto ng mga salita ni Lazarus saakin.

"Okay, lang ako." Tugon ko, napasandal nalang ako sa upuan ko. Para kasi akong nawalan ng lakas sa matinding kilig na ipinadama saakin ng lalaking ito.

Makailang minuto akong tigagal bago ako uli nabalik sa sarili, laking gulat ko nalang ng nasa tapat na kami ng baryo namin.

Ang talas naman ng utak ng lalaking ito, hindi man lang nagtanong kung anong address ng bahay namin. Sa pagkakaalam ko isang beses pa siyang nakakapunta dito, iyong gabing sinuntok siya ni Keith.

Una siyang bumaba bago niya ako pinagbuksan ng pinto ng kotse. Feeling ko tuloy para akong prinsesa kapag siya ang kasama.

Habang naglalakad kami patungo sa mismong bahay namin ay hindi ko maiwasang hindi mangamba. Dahil nuong unang beses na pumunta si Lazarus dito ay gulpi ang inabot niya kay Keith, sana lang talaga walang Keith na nag-aabang saamin.

Sa awa ng diyos ay wala ngang Keith sa harap bahay namin, nakahinga ako ng maluwag ng makitang walang tao roon.

"Gusto mo bang pumasok sa loob?" Aya ko kay Lazarus ng nasa harap na kami ng bahay.

Napatingin muna siya sa suot na relo bago umiling. "Wag na, late na masyado. Hindi naman tama iyon, bukas nalang iyong may araw para hindi pangit tignan."

Napaisip ako. "Sabagay..."

Malapit na talaga niyang makuha ang puso ko, konting konti nalang bibigay na ako. Lahat kasi ng katangian ng lalaki na gusto ko ay nasa kanya na, kasama na doon ang kanyang itsura.

"P-pasok na 'ko ah." Ngumiti muna ako bago ko siya tinalikuran.

Ngunit bago ko pa man mapihit ang seradura ay hinuli niya ang aking braso.

Nagulantang nalang ako sa sunod na nangyari, kinabig niya ako paharap sa kanya at hinuli ang aking batok bago ako siniil ng halik.

Napapikit na lang ako habang ginagalaw niya ang kanyang labi. Hindi ko na rin namalayan na sinasabayan ko na rin pala siya, wala sa sarili kong inilagay ang dalawang kamay sa kanyang batok.

Nagugustuhan ko na ang kanyang halik.





The Ruler Has Returned (R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon