MARAHAS niya akong itinapon sa sofa, hindi ako makalaban sapagkat napakalakas niya.Madilim ang kanyang mukha habang nakatitig saakin, kinakabahan na rin ako sa susunod niyang gagawin.
Gusto ko ng manakbo ng mas lumapit pa ito sabay hila sa buhok ko. "Sino ang lalaking 'yun, huh?"
"Keith! Ano ba! Masakit!" Tinanggal ko ang kanyang kamay.
"Anak, iyon ng boss ko!" Sigaw ko.
Labis na galit ang nakikita ko ngayon sa mga mata niya, at saka ano bang ikinagagalit niya?
Matalim niya akong tinitigan bago nya ako tinulak sanhi para mahiga ako sa sofa namin. Kumaibabaw naman agad ang lalaki.
Pinigilan ko siya bago nya ako mahalikan. "Keith! Nababaliw ka na ba? Nasa kwarto lang si nanay!"
Hinubad niya ang kanyang pang itaas na suot. "Wala akong pakialam!" Sagot niya.
Napasinghap ako ng mabilis niyang sinakop ang labi ko.
Humugot ako ng maraming lakas para maitulak siya. "Keith! Wala ka na bang delikadesa?! Mahuhuli tayo ni nanay!"
Inayos ko ang sarili. "At ano bang ikinagagalit mo?"
Natahimik ang lalaki, nakatitig lang siya saakin. "High ka ba?" Tanong ko, para kasi siyang natulala sa mukha ko.
"Keith!" Sigaw ko.
Nanumbalik naman siya sa sarili. Iniling niya ang ulo na para bang namamalikmata. "Nagdadamo ka ba o shabu?" Tanong ko.
"What are you talking about?!" Salubong ang kanyang kilay.
"Bakit bigla ka nalang natulala kakatitig sa mukha ko?"
Tumayo siya dahilan para mapabalikwas ako, bumalik na naman ang pagiging asal hayup niya.
"Anak? Nakauwi ka na pala?" Rinig kong salita sa likuran.
Nilingon ko agad si nanay. "N-nay..."
"O, iho. Nakabayad na ba si Nancy?" Salita ni nanay.
Walang emosyon niya akong tinitigan, biglang nawala ang mala-demonyo niyang awra.
"Nancy, anak. Kanina pa naghihintay iyan si Keith sayo. Maniningil raw siya."
"Ah... O-opo, alam ko po." Sagot ko, dinampot ko ang bag ko at kinuha ang aking pitaka.
Kumuha ako ng dalawang libo at iniabot sa kanya. "Heto, oh... P-pasensya kana at naghintay ka ng matagal."
Hindi dapat malaman ni nanay na may nangyayari saamin ni Keith. Hindi niya pwedeng malaman na ginagahasa niya ako, dahil nangako ako kay Tita Christie.
Kinuha naman niya iyon at agad na binulsa. "May utang ka pa." Salita niya bago sya tumalikod at lumabas ng bahay.
Sa tono niyang iyon ay parang ipinahihiwatig nya na hindi pa kami tapos. Na, hindi pa siya tapos saakin. Sa katawan ko.
Lumapit si nanay, "Anak, bakit ka na-late ng uwi?" Tanong niya.
"Nag OT kasi ako, nay. Pambawi sa mga binale ko."
"Ganoon ba. Sge na, at madaling araw na. Matulog na tayo." Sabi niya bago siya pumasok sa kwarto niya.
"Goodnight, nay..." Sambit ko.
Napabuntong hininga nalang ako at napasandal sa sofa. Kakausapin ko pa si Lazarus mamaya, Kailangan kong mag sorry sa kabastusang inasal ni Keith.
Inagahan ko talaga ang pagpasok sa trabaho para abangan si Lazarus, dito ako naghihintay sa labas ng opisina ng tatay niya.
Mga isang oras din bago sila dumating kasama ang tatay niya. Umayos ako sa pagkakatayo at hinarap sila.
"Good morning, boss..." Bati ko kay Mr. Yuchengco.
"Aba! Aga mo, ah. Ikaw una dito factory." Ani ng matandang insik.
Pilit akong napangiti. "Ah—O, nga po e..." Ang mga mata ko ay na kay Lazarus nakatingin.
Seryoso ang kanyang mukha habang nakatingin din saakin, may band aid pa ang gilid ng labi niya.
Para akong kinain ng konsensya ng makita ko ang pasa niya. "P-pwede ba tayong mag usap?" Usal ko.
Matagal tagal din bago siya tumango. "Dad, usap lang kami." Paalam niya sa ama.
"Bakit? Ano pag usapan niyo?" Kunot noong tanong ng matanda.
"Tungkol po doon sa binale ko." Palusot ko, ang chismoso naman ng matandang ito.
"Ah... Ok." Sagot niya tapos ay pumasok na sya sa loob ng opisina niya.
"Sorry nga pala sa nangyari kagabi." Panimula ko.
Nauna siyang maglakad kaya sumunod ako. "G-galit ka ba?" Tanong ko.
Nasa gilid nya lang ako kaya kitang kita ko ang pagkairita sa mukha niya. "Hindi." Maiksing sagot niya.
"T-talaga?" Nilingon ko siya, ang pogi talaga niya at ang bango pa.
Matipid na ngumiti ang lalaki, bakit kaya gustong gusto ko kapag ngumingiti siya? Dahil ba ang gwapo niya pag nawawala ang mga mata niya?
"Sino ba ang lalaking iyon?" Tanong niya.
"Uhm. May ari nung bahay na inuupahan namin." Sagot ko.
"Ah, akala ko asawa mo eh. Kung makaasta kasi parang inagaw kita sa kanya."
Natawa ako sa tinuran niya. "Hindi, nuh. Maniningil lang 'yun." Natatawang sabi ko.
Nahinto sya kaya napahinto din ako. "Nancy..."
Napatingin ako sa mukha niya. "Hmm?"
Humarap siya dahilan para mapalunok ako, "A-ano?" Ani ko.
"Obvious, naman diba?" Seryosong salita niya.
''Ha?" Hindi ko kasi siya maintindihan.
"Halata naman na interesado ako sayo, diba?" Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko, bakit ako kinakabahan?
Hindi ako makapagsalita dahil hindi ko alam ang sasabihin, kinakabahan kasi ako dahil first time na may nag confess na lalaki saakin.
Nilunok ko ang namumuong laway sa bibig ko. "H-ha? A-anong ibig mong sabihin?"
Ano ba itong nangyayari saakin, ang liwanag na nga ng sinabi niya gusto ko pang ipaulit. Huminahon ka nga, Nancy!
Nakatitig lang siya saakin, para kaming nagsusukatan ng titig na dalawa.
"Nancy, I like you..." Usal niya.
Bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko, bakit ganito ang epekto niya saakin?
"B-bakit?"
"Hindi ko rin alam." Humakbang siya palapit saakin. "Gusto sana kitang ligawan."
Napanganga ako. "A-ang bilis mo yata?"
"Mabilis ba?" Nailing siya. "Ayaw ko na kasing patagalin."
Mas lumapit pa siya kaya napasandal na ako, wala na akong maatrasan.
Naamoy ko na ang hininga niya, at ang bango. "L-lazarus?"
"Please... Be mine, Nancy..." Nagulat nalang ako ng mabilis niyang sinakop ang aking labi.
BINABASA MO ANG
The Ruler Has Returned (R18)
Fiction généraleBarumbado at walang puso ang lalaking si Keith Raven Delgado, lumaki syang kulang sa pagkalinga ng magulang. Paano kaya kung malaman nyang hindi niya pala tunay na ina ang akala niyang ang babaeng nagbigay sa kanya ng buhay? Ano kaya ang magiging b...