NAKAMASID lang ako sa dalawang mag asawa.Sila pala ang tunay na mga magulang ni Keith. Nadako ang tingin ko sa magandang babae, ang tunay na ina ni Keith.
Kaya pala ang lungkot ng mukha niya sa kabila ng lahat. Siguradong nangungulila siya sa kanyang anak.
Nilingon ko si Keith habang kumakain, kanina pa siya walang salita. Hindi ko rin alam kung bakit.
"Salamat at sinamahan niyo kaming mag Lunch ng asawa ko." Salita ni Tito Kento.
Pilit lang akong napangiti. Nadako na naman uli sa asawa niyang si Felexis ang mga mata ko. Pansin ko kasing kanina pa niya tinititigan si Keith, nararamdaman niya sigurong anak niya ang lalaki.
Lukso ng dugo, iyon siguro ang nararamdaman niya.
Paano kaya kung sabihin ko na sa kanila na anak nila si Keith? Maniniwala kaya sila?
Pero kailangan ko munang kausapin si Tita Christie, kailangan niyang malaman ito.
"Iho, Kumusta ka naman? Ano bang nangyari sayo nung gabing iyon?" Tanong ni Tito Kento kay Keith.
Natigil sa pagsubo ang lalaki at napaisip. "Ah, wala. Hinabol lang ng aso."
Nangunot ang noo ko, hindi ko kasi sila maintindihan.
"Kailan ka hinabol ng aso?" Singit ko, gusto ko kasing malaman. Mukhang nakakatawa kasi.
Matalim na titig ang sinagot niya saakin kaya agad akong tumahimik at uminom ng tubig. Hindi ko kasi gusto ang tingin niyang iyon, ayoko ng bumalik ang dating marahas na Keith. Mas gusto ko ang asal niya ngayon, mukhang nagka-puso na ang dating tuso.
"May gusto ka pa bang kainin, anak?" Naibuga ko ang tubig na nainom pagkarinig sa babae.
Alam ba niyang anak niya si Keith?
"Okay, ka lang?" Tanong ni Keith.
Tumango lang ako habang nakatingin parin kay Tita Felexis. Kanina pa talaga niya tinititigan si Keith, parang alam niyang anak niya ang lalaki.
"Felexis, ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi siya ang anak natin." Salita naman ng asawa sa kanya.
Hindi pinansin ni Tita Felexis ang asawa, nanatili lang ang kanyang mata kay Keith.
"Nasaan ba kasi ang anak niyo? Kamukha ko ba?" Tanong ni Keith.
Napalunok ako. Seryoso ba itong si Keith? Hindi ba niya pansin na magkamukha sila ni Tito Kento?
"Kasing edad mo na sana ang anak namin ngayon." Malungkot na usal ni Tito Kento.
Gusto ko na talagang sabihin sa kanila ang totoo, pero kailangan ko munang kausapin si Tita Christie ukol dito. Nangako kasi ako na wala akong ibang pagsasabihan. Kailangan ko muna siyang makausap bago ko sabihin kay Keith ang totoo.
"Ah..." Sagot ni Keith.
"Gusto mo bang bumisita sa bahay namin?" Aya ni Tita Felexis bago niya binigyan ng matamis na ngiti ang anak.
Umiling si Keith. "Hindi. Uuwi na kami pagkatapos rito, hinihintay na rin kasi ako ng mommy ko."
Nalungkot ang mukha ng ginang, para siyang binagsakan ng langit sa kanyang itsura. Kahit na natatakpan ng kagandahan ang kanyang mukha ay hindi naman nito maitatago ang panlulumo.
Napayuko si Tita Felexis, kumirot ang puso ko sa nakikita. Sabihin ko nalang kaya?
Naguguluhan ako.
Gusto ko sabihin kay Keith pero iniisip ko rin si Tita Christie. May karapatan rin kasi siyang malaman ito, dahil siya ang nagpalaki kay Keith.
Hinimas ni Tito Kento ang likod ng asawa. "Love, hindi siya ang anak natin. Hahanapin natin siya, pangako."
Nadako sa kay Keith ang kanyang mata. "Pasensya kana, iho. Nangugulila lang ang asawa ko sa anak namin."
"W-wala na po ba kayong ibang anak?" Hindi ko napigilang hindi sila tanungin.
Kung nangugulila sila sa anak ay dapat nag anak uli sila, mukhang ang babata pa naman nila at pwede pang mag anak ng tatlo.
"Ayaw na ng asawa ko, dahil baka mawala na naman raw ulit." Malungkot na sabi ni Tito Kento.
Hinawakan ko ang braso ni Keith. "Keith, umuwi na tayo."
Nagsalubong ang kanyang kilay. "Bakit?"
"Kakausapin ko si Tita Christie."
"Christie?!" Gulat na sambit ni Tito Kento.
Nilingon ko siya. "O-opo, bakit po?"
"Keith, anong buo mong pangalan?" Tanong niya kay Keith.
"Keith Montero." Sagot naman niya.
"Kilala niyo si Christie Montero?" Tanong niya ulit.
"Mommy ko, bakit?" Sagot ni Keith.
"Matagal ko na siyang hinahanap. Pwede mo ba kaming dalhin sa Mommy mo?"
"Bakit naman?"
"May itatanong lang sana ako. Ang tagal ko na siyang hinahanap, bigla nalang kasi siyang nawala at hindi na nagpakita."
"Bakit may kasalanan ba ang mommy ko sainyo?"
Napalunok ako sa narinig, naalala ko ang sinabi ni Tita Christie. Na, ninakaw niya lang daw si Keith nuon.
Bigla tuloy akong kinabahan, bakit kasi nabanggit ko pa ang pangalan niya. Paano kung ipakulong nila si Tita Christie pag nalaman nilang si Keith ang nawawalang anak nila?
Ang tanga ko talaga! Ipapahamak ko pa si Tita Christie. Kung pwede lang bawiin ang sinabi ko kanina ginawa ko na. Ang tanga tanga ko!
"Wala naman. Gusto ko lang siyang makita uli." Usal ni Tito Kento.
"Ah.. So, magkaibigan kayo ng mommy ko?" Hirit pa ni Keith.
"O-oo, parang ganun na nga." Sagot naman ni Tito Kento.
Paano na ito ngayon? Ano kayang magiging reaksyon ni Tita Christie pag nakita niya ang mga magulang ni Keith. Mukhang hindi naman alam ng mag asawa na si Tita Christie ang kumuha ng anak nila. Ayon nga ni Tito Kento ay magkaibigan sila ng ginang.
Wala naman sigurong masamang mangyayari kung tatahimik lang ako. Hahayaan kong si Tita Christie na mismo ang magsabi kay Keith na itong nasa harap namin ang totoong mga magulang niya.
Dahil mali naman pag pinangunahan ko si Tita Christie, dapat siya ang magsabi ng totoo dahil siya ang kumupkop kay Keith. Hindi dapat ako mangialam sa kanila, para narin sa ikabubuti ko.
"Tayo na." Unang tumayo si Keith. "Dadalhin ko kayo sa Mommy ko at ng mag reunion kayo."
Una siyang naglakad at sumunod kami. Napamulsa lang ang lalaki habang papalabas ng mall.
Pasimple kong sinulyapan uli ang mag asawa. Kung kanina ay ang bait ng mukha ni Tito Kento, ngayon ay nagiba.
Mukha siyang papatay ng tao sa talim ng mga mata niya, katulad na katulad ng kay Keith pag nagagalit.
Bakit nagkaganoon siya? Akala ko ba ay magkaibigan sila ni Tita Christie?
O baka ganoon lang siya pag seryoso, pareho talaga silang dalawa ng anak niya.
Mag ama nga talaga!
![](https://img.wattpad.com/cover/136753175-288-k847489.jpg)
BINABASA MO ANG
The Ruler Has Returned (R18)
Ficção GeralBarumbado at walang puso ang lalaking si Keith Raven Delgado, lumaki syang kulang sa pagkalinga ng magulang. Paano kaya kung malaman nyang hindi niya pala tunay na ina ang akala niyang ang babaeng nagbigay sa kanya ng buhay? Ano kaya ang magiging b...