Chapter 21

7.8K 132 10
                                    





Kasalukuyan akong nagmamaneho patungo sa paaralan ng anak ko ng biglang tumunog ang cellphone ko.

Hinanap ko ang cellphone sa loob ng bag. Hindi ko iyun makapa.

"Asan na ba yun."

Hindi ako makapagfocus sa pagmamaneho kaka-kapa ng aking cellphone.

"Nakakabwisit na ha!" Singhal ko sa sarili.

Nahulog pa ang bag ko sa ilalim ng upuan. "Anak naman ng pating uh-oh!"

Sinubukan ko iyong damputin. Pagbalik ng tingin ko sa daan ay may kasalubong na akong sasakyan.

Agad akong nag panic at agad kong inapakan ang preno.

"Diyos ko...." tanging bulong ko ng biglang huminto ang sasakyan ko at ng kasalubong ko.

Kaunti nalang at magbabangga na kami.

Salamat sa diyos at hindi niya ako pinabiyaan.

Nakita kong lumabas iyong driver nung sasakyan na malapit ko na sanang makabangga.

Isa iyong lalaki.

Kinatok niya ang bintana ng sasakyan ko. Since heavily tinted iyon ay hindi niya ako makikita mula sa loob.

"Diyos ko, wag naman sana niya akong kasuhan ng reckless driving."

Halos hindi na ako makahinga ng ibaba ko ang windshield ko. Isinuot ko muna ang sunglasses ko para hindi niya makita ang mga mata ko na nababahala.

Nang maibaba ko iyon agad siyang sumilip.

"Get out of there." Nagulat pa ito. "What.the.fuck? And your a woman?!" Sa tinig niya ay para siyang naiirita saakin.

Matangkad ang lalaki.

Nanginginig ang tuhod ko ng lumabas ako ng sasakyan ko. Gusto kong sapakin ang tuhod ko dahil ayaw nitong tumayo.

Nang makalabas ako ng sasakyan ay agad kong tinapunan ng tingin ang kanyang Jaguar. Oo, jaguar ang kanyang sasakyan. Kaya paniguradong lagot ako nito pag nagasgasan iyon.

Kulang pa pambayad itong chevrolet ko sa pagpapare-paint ng sasakyan niya.

"W-wala namang gasgas 'ah.." nanginginig ang boses ko matapos kong suriin ang sasakyan niya.

Tiningnan ko siya. Naka sunglasses ito at naka tuxedo. Parang galing ata sa meeting o kasal ang lalaking ito.

Prente lang siyang nakatingin saakin. Paniguradong kakasuhan ako nito. Bahala na.

Pilit akong nangiti. "Ah.. so, kakasuhan mo ba ako?"

Sana hindi...

Nakatingin parin siya saakin. Ewan ko ba kung ako ba tinitingnan niya o iyong sasakyan ko sa likod. Ang heavy kasi ng sunglasses niya hindi ko makita iyong mga mata niya.

"Ah, Mister?" Tawag ko sa kanya, hindi ko kasi alam ang pangalan niya.

Humakbang siya papalapit saakin.

Seryoso ang mukha niya. "What do you think I'm gonna do to you?"

"Kakasuhan?" Tanging sagot ko.

Ang gwapo pa naman sana. Suplado nga lang.

At infairness, ang bango-bango niya.

Mas lalo pa siyang lumapit saakin.

"Na—

Biglang tumunog ang cellphone niya. "H-huh?" Sagot ko.

Sinagot niya iyon.

"Yea, I'm on my way." Napakabaritono ng boses niya.

Tinapunan niya ulit ako ng tingin bago niya ako tinalikuran at pumasok uli sa kanyang sasakyan.

Doon na ako nakampante ng pinaharurot niya iyon.

"Salamat naman sa diyos at hindi niya ako kinasuhan." Sabay buntong hininga ko.

Malamya akong pumasok uli sa loob ng sasakyan ko at dinampot ang aking bag sabay kuha ng cellphone.

Si Lazarus pala iyong kanina pa tumatawag. Muntik pa akong madisgrasya ng dahil sa kanya.

Ni-replyan ko siya. "Susunduin ko si chan-chan."

Pinaandar ko ang makina ng tumunog uli ang cellphone ko.

"Itong si Lazarus talaga! Kailan niya kaya ako tatantanan."

"Hello?" Sagot ko.

"Bat ang tagal mong sumagot?! Kanina pa ako tumatawag." At siya pa itong galit.

Ako na nga itong muntik ng madali.

"Nagmamaneho ako! Ano ba kailangan mo?" Medyo tinaasan ko siya ng boses.

"Galit ka ba?" Tanong niya.

Nagtatanong ka pa?

"Hindi. Ano ba kasi kailangan mo?"

"Makinig ka. Nandito ako ngayon sa paaralan ni chan-chan."

Nagsalubong ang kilay ko. "Anong ginagawa mo dyan?!"

"Ako na sana magsusundo."

Bigla akong nanginig sa galit. "Ano ka ba?! Hindi ka ba makaintindi? Sabi ko sayo na maghintay diba? Ipapakilala kita sa kanya eventually. Bakit ba hindi ka makapaghintay Lazarus? Ayaw kong magtalo na naman tayo. Pero sana intindihin mo ako!"

Narinig kong napabuntong hininga siya. "Okay, I'm sorry... gusto ko lang naman tumulong sayo. Alam kong busy ka sa trabaho. Pero makinig ka..."

"Hindi ko mahanap dito si Chan-chan. Tinanong ko na rin ang principal at ang teacher niya dito. Sabi nila ay may kumuha daw sa kanya kanina na babae. Ikaw ba yun?"

"A-ano?! Papunta palang ako diyan. At sinong babae?"

"Hindi ko alam." Sagot niya.

Okay, I need to calm down. Hindi muna ako magpapanic. Uuwi muna ako sa bahay baka sakaling sinundo siya ng nanay ko.

Pinaharurot ko ang sasakyan ko.

"Diyos ko, sana nasa bahay ang anak ko..."


















A/N

Hello guys! Sorry for the long wait. Here's the update. Ima keep my word to give you more updates soon. I was so busy at work and can barely have time writing. So, I apologize. Hope you guys still supporting my stories. Thank you guys! Keep reading, xo

The Ruler Has Returned (R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon