Chapter 15

11.6K 182 11
                                    


NAGISING AKO SA MALAKAS NA KALABOG NG PINTO.

Napabalikwas ako ng bangon ng nasundan pa iyon. Napatingin ako sa orasan na nasa lamesita ko katabi ng aking kama—5am.

Sino ba iyun? Ang aga aga namang bisita.

Walang gana akong tumayo at lumabas ng kwarto, mabuti nalang at hindi nagising si nanay sa kalabog ng pinto. Kailangan na kailangan kasi ng nanay ang tulog, importante iyon sa kalusugan niya. Late na kasi natulog iyon kagabi kaka-facebook.

Matamlay kong binuksan ang pinto at hinarap kung sino man ito. Napakamot pa ako sa ulo dahil inaantok pa ako, gusto ko pang matulog.

"Nancy!" Nagising ako sa sigaw ni Tita Christie.

Kumurap ako ng maraming beses para luminaw ang paningin ko, tama ako si Tita Christie nga.

Namumutla at nanginginig ang ginang, magulo ang kanyang buhok at nakapajama pa ito. Mukhang bagong gising, napansin ko ring wala siyang suot na tsinelas.

"Tita Christie? Ano 'pong nangyari sainyo?" Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa.

"Bakit ka naka-paa?" Salubong ang kilay na tanong ko.

Humagulhol ang matandang ginang, tila piniga ang aking puso sa aking nakikita. Malalaking butil ng luha ang pumapatak sa kanyang mga mata, at balot ng takot ang kanyang itsura.

"A-ano pong p-problema ninyo?" Malungkot na tanong ko.

Tila gusto na 'ring umagos ang aking luha.

"Nancy..." Mahinang usal niya.

"Bakit po?"

"Si Keith..."

"B-bakit po? Ano 'pong nangyari kay Keith?" Bigla nalang akong kinabahan pagkarinig sa kanyang pangalan.

Napahawak siya sa magkabilang balikat ko. "Nancy, si Keith..."

Napasinghap siya. "Hinuli si Keith ng mga pulis kagabi."

"A-ano po?"

"Si Keith, ang anak ko hinuli siya ng mga pulis kagabi. Sinuplong siya ng kaibigan niya, magkasabwat raw sila sa pagbebenta ng droga."

Hindi agad ako nakapagsalita. Tila ba may bumara sa aking lalamunan.

''H-hindi magagawa ni Keith iyan, Tita." 

"Alam ko.. Hinding-hindi magagawa ng anak ko iyun, kilala ko siya."

"Nancy, tulungan mo ako. Samahan mo ako sa korte, hindi pwedeng makulong habang buhay ang anak ko." Daing niya.

Pinilit kong mag isip mabuti kahit hindi ko alam kung anong magagawa ko.

Sino naman ang hihingan ko ng tulong para matulungan kami sa kasong haharapin namin?

Wala akong ibang kilalang makakatulong saamin kung hindi si Lazarus, mayaman naman iyon at paniguradong tutulungan niya ako.

"T-tita, mag hunos-dili po kayo. Mag iisip po ako paraan para makatulong sainyo." Hinaplos ko ang kanyang braso.

Mukhang kanina pa siya umiiyak ng walang tigil. Naaawa na ako sa itsura niya.

"Pasok po muna kayo at sa loob na tayo mag usap."

"Hindi ko alam kung sino ang lalapitan ko para makahingi ng tulong bukod sayo, Nancy." Salita ni Tita Christie.

Bago ko siya nilapitan at naupo katabi niya ay kumuha muna ako ng isang basong tubig at ibinigay iyon sa kanya. "Uminom po muna kayo."

Habang umiinom siya ay biglang may sumagi sa isipan ko.

Kahit nahihirapan akong bigkasin sa harap ng ginang ang mga salitang sasabihin ko ay mukhang ito nalang ang natatanging paraan.

"T-tita..."

Napatingin siya sa mga mata ko.

"May alam po akong makakatulong sa atin."

"Sino?"

Natigilan ako.

Nagdadalawang isip pa ako kung sasabihin ko ba o ako nalang ang gagawa.

"May kaibigan po ako, sigurado akong tutulungan niya tayo."

"Talaga?" Lumiwanag ang kanyang mukha.

Tumango-tango ako. "Pero pwede bang puntahan muna natin si Keith? Gusto ko siyang makita."

"Sige, gusto ko 'rin siyang makita." Usal niya.













Nakaupo sa semento si Keith habang naninigarilyo. Nasa loob siya ng selda na maraming mukhang mamamatay tao.

Hindi nararapat si Keith sa kulungang ito, hindi siya drug dealer o kung ano man. Matinong lalaki siya, at sigurado ako roon.

"Keith..." Mahinang sambit ko pagkalapit sa seldang kinaroroonan niya.

Bahagya pang nanlaki ang kanyang mata. Hindi siguro niya naisip na dadalawin ko siya, parang kagabi lang din ay magkasama pa kami. Tapos ngayon nasa loob na siya ng tinatayang rehas.

"Nancy? Anong ginagawa mo dito?"

"Keith... Kasama ko ang mommy mo. Nagpaiwan siya sa labas, hindi raw niya kayang makita ka sa loob ng kulungang ito." Nanubig ang aking mata habang nakamasid sa kanya.

"Tss. Wag ka ngang umiyak, wag kang mag alala makakalaya rin ako dito. Dahil hindi naman ako nagbebenta ng droga." Mayabang niya.

"Keith, idadaan pa ito sa korte. Pag walang tumulong saatin paniguradong—"

"Nans."

Naputol ang sasabihin ko ng sumeryoso ang kanyang mukha.

"Sabi ko, wag kang mag alala diba? Makakalaya ako, magtiwala ka."

Unti-unting pumatak ang aking luha. "Tutulungan kita..."

"Ano?" Tumapang ang kanyang mukha.

"Hayaan mong tulungan kita, may alam akong makakatulong sa kasong haharapin mo."

"Sino?"

"Ang mga magula— basta!" Kinagat ko ang aking dila, kamuntik na akong madulas.

Saka ko nalang sasabihin kapag magkaharap na sila ng totoong mga magulang niya. Na, siya ang nawawalang anak nila.

Hinawakan ko ang kanyang kamay na nasa rehas. "Babalik ako, at pagbalik ko makakalaya kana sa kulungan na ito. Hindi ka nababagay rito, Keith."

"At pagbalik ko, pangakong malalaman mo na ang katotohanan."

Bumitiw ako sa kanyang mainit kamay. Agad akong tumalikod para hindi niya makita ang luhang umagos na aking pisngi.

Handa na akong mawalay ka saakin, makalaya ka lang at sumaya kasama ang tunay mong pamilya.

Pinahid ko ang luha bago tuluyang nanakbo.

"Nancy!" Rinig kong sigaw niya.

Hindi ko na siya nilingon pa. Patuloy lang ako sa pagtakbo.

Hahanapin ko pa sina Tito Kento at Tita Felexis, ngayon ay buo na ang loob ko.

Nakapagdesisyon na ako na sabihin sa mga magulang niya ang totoo. I think this is the right time to tell the truth they deserve.

The Ruler Has Returned (R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon