BAKIT AKO KINAKABAHAN?Pagkababa namin sa kotse nina Tito Kento ay naglakad kami papunta sa bahay nila Keith.
Nakasunod lang saamin ang mag asawa, kanina ko pa napapansin ang pag igting ng panga ni Tito Kento. Kaya siguro ako kinakabahan ng ganito dahil sa itsura niya.
"Keith!" Napalingon kami sa tumawag sa kanyang pangalan.
"Oh, Gordon. Problema?" Sagot naman ni Keith.
Mabilis na nakalapit ang may kalakihan na lalaki na nagngangalang Gordon kay Keith. May itsura naman ang lalaki subalit mukha siyang bouncer sa paningin ko.
Isa siguro ito sa mga kaibigan niya.
"Pre, pwede ba tayong mag usap?" Tanong niya kay Keith sabay tingin saamin. "Iyong tayo lang sana." Dugtong ni Gordon.
Napatingin saakin si Keith. "Nans, ikaw na maghatid sa kanila kay Mommy. Mag uusap lang kami ni Gordon."
"Huh? S-sige..." Mas mabuti na sigurong wala siya doon pag nagkabukingan.
"Uh. Sir, si Nancy nalang po maghahatid sainyo sa Mommy ko." Paalam niya kay Tito Kento bago nila kami tinalikuran ni Gordon na dalawa.
"Hali na po kayo." Nauna na akong naglakad at sumunod naman ang mag asawa.
Makailang segundo lang ay narating na namin ang bahay nila Keith. Kumatok ako upang siguraduhing nakauwi na ba si Tita Christie, balita ko kasi ay nagtatrabaho sa fishport ang ginang.
"Tita Christie?" Tawag ko.
Sa hindi katagalan ay bumukas naman iyon. Dumungaw ang ulo ni Tita Christie bago niya nilakihan ang pagbukas ng pinto.
"Nancy, mabuti naman at dumalaw ka." Nakangiting sabi niya.
Napatingin naman agad siya sa tao na nasa likuran ko. Sa isang iglap lang ay biglang namutla si Tita Christie, para siyang nakakita ng multo sa kanyang mukha.
Hindi rin nakaligtas sa mata ko ang panginginig ng kamay niya habang nakahawak sa gilid ng pinto. Para siyang na estatwa pagkakita sa mag asawa.
"T-tita Christie, may kasama po pala ako..." Kinakabahang salita ko.
Sa hindi malamang dahilan ay bigla nalang akong kinabahan, para akong nakagawa ng kasalanan sa nararamdaman ko ngayon. Kulang nalang ay mag collapse ako sa sobrang kaba.
"Christie..." Usal ni Tito Kento.
Napalunok ang ginang bago inayos ang tindig. Para niyang pinapahinahon ang sarili.
"K-kento, ano at napadalaw ka? Kay tagal na ng panahon..." Kalmadong salita ni Tita Christie.
Mas lumapit pa ang mag asawa sa amin. "Pwede ba tayong mag usap?" Tanong ni Tito Kento.
Napatingin ako sa asawa niyang si Tita Felexis, bakit parang nababalot ng puot ang mga titig niya kay Tita Christie? Ano ba talaga ang nangyari sa kanila?
Matapang na tingin ang binigay sa kanila ni Tita Christie bago siya tumagilid para papasukin kaming tatlo.
"Pasok." Maikling usal niya.
Magkatabi kami ni Tita Christie sa bangko habang ang mag asawa naman ay nasa sofa.
"Anong pag uusapan natin?" Panimula ni Tita Christie.
Nadako naman kay Tito Kento ang paningin ko, sa mukha niya ngayon ay para siyang kikitil ng buhay. Ngayon ay hindi na nga maipagkakaila na anak niya si Keith, dahil kamukhang kamukha niya ito lalo na pag seryoso.
Kuhang kuha ni Keith sa kanyang tatay ang kanyang matatapang na mga mata. Ang matatalim na titig, parehong pareho.
"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa, Christie. May kinalaman ka ba sa pagkawala ng anak ko?" Determinadong salita ni Tito Kento.
Napapigil ako sa paghinga sa narinig, ngayon ay nakatingin na ako ay Tita Christie. Hinihintay ko kasi ang sagot niya.
Humugot ng malalim na paghinga ang ginang. "Wala, Umalis na kayo."
Napaawang ang labi ko sa sagot niya, iba kasi ang ini-expect ko.
Bakit hindi niya sinabi ang totoo? kung ganoon ay hindi pala alam ng mag asawa na ito na si Tita Christie ang kumuha ng anak nila. Pero bakit ayaw sabihin ni Tita Christie ang totoo? Natatakot ba syang ipakulong siya ng mga ito, o may iba pang dahilan.
Nanatili akong tahimik habang nakikinig lang sa kanila.
"Christie, parang awa mo na. Kung may alam ka man, pwede bang sabihin mo saamin? Ang tagal na naming hinahanap si Raven. Malapit na kaming sumuko." Nangilid ang luha ni Tito Kento.
Hindi ko akalaing marunong palang umiyak ang mga lalaking tulad niya.
Humagulhol na si Tita Felexis habang ang dalawang palad ay nasa magandang mukha. Naiiyak na rin ako, hindi ko talaga ini-expect na ganito ang mangyayari.
Raven.
Iyon pala ang totoong pangalan niya, ang pangalan na binigay sa kanya ng totoong mga magulang niya.
Hindi ko na napigilan ang pagluha. Gusto ko na talagang magsalita pero pinipigilan ko lang dahil ayaw kong makiapid. Ayaw kong sumalungat sa mga sinabi ni Tita Christie, ayaw ko siyang siraan.
"Wala kayong mapapala saakin. Kaya umalis na kayo." Pagkasabi niyon ni Tita Christie ay agad siyang tumayo at tumalikod.
Walang lingon lingon siyang pumasok sa kwarto niya, habang kami ay nanatili pa rito sa inuupuan.
Rinig na rinig ko parin ang hagulhol ni Tita Felexis, iyong hagulhol na sumusuko.
Iyong pagod na pagod na, kulang nalang sabihin niya ang salitang 'ayoko na, pagod na pagod na ako.'
Napahikbi nalang ako habang hawak ang dibdib. Parang sinasabi kasi ng puso ko na tulungan sila dahil sobrang naaawa na ako sa kanila, lalong lalo na kay Tita Felexis.
Ilang minuto din silang nagyakapan bago tumayo at lumabas ng bahay.
Inaalalayan ni Tito Kento ang asawa dahil nanghihina ito. Nakamasid lang ako sa dalawa habang papalayo.
Nagpakawala ako ng malalim na hininga bago humugot ng lakas para tumakbo papalapit sa mag asawa.
Hindi ko na kaya, sasabihin ko na sa kanila. Saka ko nalang iisipin ang mararamdaman ni Tita Christie. May karapatan silang malaman ang totoo dahil sila ang tunay na magulang ni Keith, ang tagal na rin nilang hinahanap ang nawawalang anak.
Kaya nararapat lang na makamit nila ang katotohanang sila talaga ang tunay na ama't ina ni Keith. Napakalapit lang nila sa anak ngunit hindi man lang nila mahawakan dahil sa kasinungalingan.
Kaya tatapusin ko na ang kasinungalingan na iyon ngayon. Batid kong maging masaya si Keith sa tunay na pamilya. Dahil hindi siya nararapat rito, kailangan na niyang bumalik sa angkan na pinagmulan niya.
Kung saan marangya ang kanyang buhay.
"Tito Kento!" Tawag ko.
Napahinto naman sila at humarap saakin. "Bakit, iha?"
"M-may sasabihin ako." Kinakabahang usal ko. "Dapat niyo lang malaman ito."
"Tungkol saan, iha?"
Napalunok ako. "Tungkol... Kay Keith..."

BINABASA MO ANG
The Ruler Has Returned (R18)
Genel KurguBarumbado at walang puso ang lalaking si Keith Raven Delgado, lumaki syang kulang sa pagkalinga ng magulang. Paano kaya kung malaman nyang hindi niya pala tunay na ina ang akala niyang ang babaeng nagbigay sa kanya ng buhay? Ano kaya ang magiging b...