"NANAY, Nasaan po si lola?"Kakatapos ko lang lagyan ng pagkain ang favorite lunch box na parating ginagamit niya. "Chandelle! Apo ko..." Biglang sumulpot kung saan si nanay, ang ina ko.
"Lola! Kanina pa kita hinahanap, e..." Lumabi ang napaka-cute 'kong anak.
"Nag banyo lang si Lola apo, ready ka na ba?"
Tumango-tango naman siya. "Opo, lola. Ikaw rin ba magsusundo saakin pagkatapos ng school?"
"Ako, anak..." Singit ko.
"Pasensya na at palaging busy ang nanay, nag-iipon kasi ako para sa birthday mo next month."
Sumigla ang kanyang magandang mukha, "Talaga, nanay? May birthday party ako?"
"Yup, at pwede mong imbitahin ang mga classmates mo."
Nanakbo papalapit saakin ang batang paslit saka ako niyakap, yumukod ako para magpantay kami.
"Yehey! Thank you, nanay. I love you..." Sabay halik niya sa pisngi ko.
"Ang sarap naman nun, bigyan mo rin ng matamis na halik si Lola."
"Opo!" Kumalas siya saakin at nanakbo pabalik sa lola niya.
"Mwah! I love you, lola..."
Wala sa sarili akong napangiti habang pinagmamasdan ang anak ko, ang bilis ng panahon.
Mag s-six years old na siya next month. Parang kahapon lang noong sinilang ko siya.
Naging mabuti naman ang pagpapalaki ko sa kanya, kahit ako lang mag isa. Laking pasasalamat ko rin kay nanay dahil inalagaan niya kami ng anak ko, kahit labag sa kalooban niya.
Noong nalaman ng nanay na nabuntis ako ay nagalit siya, sino ba namang hindi? Wala akong boyfriend na pinakilala sa kanya kahit ni isa. Kaya laking pagtataka niya kung bakit ako nabuntis, at sa sobrang galit niya saakin noon ay nasabunutan niya ako, tinanong niya rin kung sino ang ama ng bata.
Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba sa kanya ang totoo na si Keith ang ama ng dinadala ko noon, pero natakot ako. Ayokong sabihin sa kanya na may namagitan saamin ni Keith, kaya nagsinungaling ako. Sinabi ko sa kanya na may naka one night stand ako, at hindi ko kilala kung sino.
Habang tumatagal ay natatanggap na ng nanay ang pagbubuntis ko, hanggang sa maisilang ko si Chandelle. Tuwang-tuwa siya pagkakita niya sa kanyang apo, ang ganda ganda raw kasi ng bata. Inakala pa nga niyang baka anak raw ng foreigner ang apo niya.
Nakuha ni Chan-chan ang makapal na kilay sa kanyang ama, pati na rin ang mahahabang pilik-mata niya. Ang mata niya at labi ay saakin naman nagmana, may manipis kasi akong labi at bilugang mga mata na kuhang kuha niya. Pati ang maputi at makinis niyang kutis, namana rin niya saakin.
Chandelle Kate, ang ibinigay ko sa kanyang pangalan, hindi ko alam kung saan ko nakuha ang pangalan na iyon. Basta bigla ko nalang naisip pagkatapos kong manganak, tapos ay nagustuhan rin naman ni nanay kaya ayun na ang bininyag na pangalan namin sa kanya.
Minsan umuuwi ang anak ko na umiiyak, dahil binubully raw siya ng schoolmates niya na wala siyang daddy.
Sinasabi ko nalang sa kanya na nasa heaven na ang tatay niya, para hindi na maguluhan pa ang bata.
Hindi rin naging madali saakin ang paniwalain siyang wala na talaga ang tatay niya. Na, hindi na iyon babalik pa.
Laking pasasalamat ko at lumaking matalinong bata ang anak ko, mabilis siyang makaitindi sa murang edad niya. Minsan nga nagtataka na ako kung saan niya nakukuha ang mga sinasabi niya minsan, kung magsalita kasi siya ay para ng siyang teenager. Sa murang isip niya ay alam niya na ang salitang boyfriend, may crush na nga raw sya sa school niya.
Pero imbes na pagalitan ay sinusuportahan ko nalang siya, sinasabi kong 'okay lang naman magkacrush basta wag lang muna magboyfriend'. Naiintindihan naman niya iyon, sumasagot pa nga minsan ng 'saka na ako mag boyfriend pag dalaga na ako'. Natatawa nalang ako sa mga sinasabi niya, nawawala ang lahat ng pagod ko sa trabaho pag nakakausap ko ang anak ko.
Ang anak ko ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko.
"Nanay, punta na po akong school." Paalam niya saakin, habang abala sa pagsusuot ng kanyang back-pack.
"Sige... susunduin kita mamaya, ah." Tugon ko.
"Opo, nanay. Babay po! I love you, nanay..."
"I love you too, anak."
Pagkaalis nila ay dumiretso na akong trabaho, doon parin ako pagtatrabaho sa factory ni Mr. Yuchengco. Nagtataka nga rin ako kung bakit ako nakatagal doon, siguro dahil sa tumaas na rin ang posisyon ko, ako na kasi ang Director of Services sa factory niya.
Mas lumaki na rin ang sahod ko kumpara noon, mas marami na rin akong naiipon.
"Hi, beautiful..." Bati niya saakin sabay halik niya sa pisngi ko.
"Hello, handsome." Kinindatan ko siya.
Napangiti siya kaya nawala na ang kanyang mata. "How's your sleep?"
"Not bad."
Naupo ako sa swivel chair ko, tumabi naman agad siya.
"Hey, kailan mo ako ipapakilala sa anak mo?" Usal niya, pagkaupo sa katabing silya.
Napatingin ako sa kanyang mata. "Soon." Tanging sagot ko.
"Babe... we've been in a relationship for 2 years now, pero hindi mo pa ako napapakilala sa anak mo. I told you many times, tanggap kita. Tanggap ko kayo..." mahinahong salita niya.
Napahawak ako sa noo. "Humahanap pa ako ng tyempo, ipapakilala kita sa anak ko at kay nanay. I promise."
"I really wanna be part of your family, babe. Ayokong maging boyfriend mo lang habang buhay, gusto ko ng mag settle down." Seryosong turan niya.
Mariin akong napapikit, bahagyang nagpipigil. Ayaw ko ng mag away kami, sakit lang sa ulo. Kaya kailangan kong huminahon.
"Lazarus, wag na muna tayong magmadali. Give me time, hindi rin kasi madaling sabihin sa kanila lalong lalo na sa anak ko."
Ilang beses na naming pinagtatalunan ito, dahil gusto niya na ipakilala ko siya sa anak ko. Gusto na niya kaming magsama at bumuo ng pamilya.
"Babe, time is running. We're not getting any younger, your already 25 at may anak na, hindi pa ba oras para bumuo ng pamilya?"
There he goes again...
Napabuntong hininga ako bago nagsalita. "Babe... hindi oras ang batayan sa pagbuo ng pamilya. There's always a right time for everything, don't rush. Because rushing always ends at nothing. Kaya sana maintindihan mo ako, bigyan mo lang ako ng oras para maayos ang buhay ko ang pamilya ko. Pagkatapos niyon, pakakasal na ako sayo."
BINABASA MO ANG
The Ruler Has Returned (R18)
Fiction généraleBarumbado at walang puso ang lalaking si Keith Raven Delgado, lumaki syang kulang sa pagkalinga ng magulang. Paano kaya kung malaman nyang hindi niya pala tunay na ina ang akala niyang ang babaeng nagbigay sa kanya ng buhay? Ano kaya ang magiging b...