Chapter 4

817 28 2
                                    




Kimmon's POV

Ang tanga tanga ko kasi gumawa ako ng ikakapahamak ko. Di ka talaga nagiisip Kimmon. Bakit?! I pulled my hair out of frustration.

Di naman date tong pupuntahan ko ngayon pero yun pa din sinabi ko kagabi kay Bas.

After niya makarecover sa pagkagulat he actually just smiled and nodded his head. Sinabi pa niya na good luck daw sa date ko.

Alam ko na wrong move ako sa ginawa ko pero baby di mo man lang ba ako pipigilan or tatanungin?

Di ka man lang ba threatened na baka ma fall ako sa iba?

Ay oo nga pala di mo nga pala alam na mahal kita. Tsaka wala naman ako maloloko dito kasi alam ko na kahit may dumating na iba si Bas pa din pipiliin ko.

Nalulungkot ako sa part na yun pero di ko rin naman pwede i-cancel meeting ko dun sa galit na pusang yun! Ano na kasi ulit pangalan niya? Ay ewan! Bahala na mamaya.

Kailangan ko din makuha card ko. Nako kawawa talaga bulsa ko, sigurado mahal yung sapatos na kukunin niya. Mukha kasi siyang Rich kid kaya di na ko magugulat kung ginto din yung presyo ng gamit niya.

Nagtext ako sakanya at sinabi ko kung saan kami magkikita. Nakaupo na ako ngayon sa isa sa mga seat sa labas ng isang coffee shop.

After 5 minutes dumating na siya at mukhang grumpy na naman siya.

Grabe mahirap bang ngumiti? Baka pati yun kailangan kong bayaran para lang gawin niya?! Ang aga agang nagbubugnot nitong taong to! Hindi siguro siya morning person... I immediately feel bad pero gusto ko na din kasing umuwi agad para maaya ko pa yung baby ko sa movie date na gusto niya.

"Hey." Binati ko siya pero he just snorted. Pinaglihi siguro 'to sa sama ng loob. Kasungit.

Tinitigan ko siyang mabuti kasi wala na kong time gawin yun nung una kami nagkita.

He's not that tall and probably 2-3 inches shorter than my angel. He's more of the cute guy type rather than having the typical manly physique. He has two deep dimples on both sides of his cheeks and a beauty mark under his right eye. Cutiepie ka naman pala eh kulang na lang ngumiti ka perfect na.

Huy teka self anong ginagawa mo?!

Why do I feel like I'm unconsciously checking him out? Tumigil ka dyan! Delikado.

"Tara na. San mo ba binili yun?" Tinanong ko siya kahit na alam ko na hindi niya ko sasagutin ng maayos.

"Bakit? kaya mo ba akong bilan?" He asked pero nakakunot pa din noo niya. Ay bastos na bata! Mukha bang di ko afford yung sapatos mo?!

"Dali mo bago pa magbago isip ko." Sinabi ko sakanya at mukha naman nag work kasi mukhang napaisip siya.

"Pag ikaw na short sa pera, ikaw ipambabayad ko sa sapatos na kukunin ko!" Nagbanta siya pero hindi nakakatakot. Kahit siguro bata di matatakot sayo eh. Konting pratice pa.

I just chuckled. "Tawa ka dyan! Seryoso ako!" Sumigaw siya pero yung sigaw na ako lang naman yung makakarinig kasi madami tao ngayon sa Mall.

Sinundan ko lang siya hanggang sa makarating kami sa isang store. Shit! Mukhang mauubos nga laman ng card ko. Dad sorry po gagamit na ata ako ng credit card. I gulped.

Nung pumasok kami sa store biglang nag iba mood niya. Para siyang bata na pinakawalan sa toy store. Nagsparkle yung mga mata niya. Lalo akong kinabahan para sa sarili ko. Kung normally mukha siya galit na pusa ngayon mukha siyang hyper na corgi.

Napanganga na lang ako sa sudden change ng mood niya. Bipolar ka ba?

Tumingin siya sa akin tapos ngumiti siya. Nagulat ako kasi medyo nag skip ng beat yung puso ko.

My Baby Is All I WantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon