Special Chapter: TaeCop Part 2

551 15 12
                                    


Tae's POV



Ang tanging tumatakbo na lang talaga sa isip ko ngayon ay yung mabawi si Copter.

Itatakwil ako ng tatay ko pero wala na akong pakialam.

Wala na akong pakialam sa sasabihin at gagawin niya.

I know masyado ng late to say this pero I'll leave everything for Copter.

I tried asking his friends kung na saan siya ngayon pero walang gustong magsabi sa akin

Naiintindihan ko naman kasi after what I've done to him wala na talaga akong karapatan pa na bumalik sa buhay niya.

Wala na pero hindi ako susuko. Kahit anong mangyari hindi na ulit ako susuko.

However, magsisimula na kasi ulit yung klase kaya naisipan ko na mag enroll ako sa university kung saan nag aaral yung pinsan ko. Bumukod na kasi ako sa pamilya ko.

Napatunayan ko naman na kaya kong mabuhay ng walang suporta ng tatay ko.

Pumasok ako sa soccer team para sa scholarship at naging captain ako agad. Lahat kasi ng senior naka graduate na at elimination ang naging way ng pagpili sa susunod na captain.

Sakto din kasi na second year na ako nung lumipat ako dito kaya isa na talaga ako sa seniors kahit bagong lipat lang ako.

Ginamit ko yung pera na naipon ko bago ako umalis sa puder ng tatay ko at yung pera na inaabot sa akin ng nanay ko galing sa sarili niyang business.

Alam ko may part pa din na nakadepende ako sa nanay ko pero sinabi ko sakanya na babayaran ko siya once na nakapagtapos na ako ng pag aaral.

My Mom is a great mother at wala akong hinanakit sakanya. It's just that hindi niya kayang suwayin yung tatay ko kasi natatakot siya sakanya. Naiintindihan ko naman pero hindi na tama. Hindi tama na diktahan ng ganito ng tatay ko yung buhay naming lahat.

I've been a good son to them. Siguro hindi lang talaga na appreciate nung tatay ko yung existence ko kaya nagkaganito ako.

Hindi kasi ako yung panganay kaya wala siyang pakialam sa kung ano gawin ko sa buhay ko.

Nung senior highschool na ako nagrebelde ako.

A funny and cliché way to annoy a douche father from a well off family. Mayaman daw kami pero di ko kailangan ng perang yun kung sasakalin lang din nila ako katulad ng kapatid ko.

Simula noon di ko pinagbuti yung pag aaral ko. Lahat ng bisyo ginawa ko mula alak, sigarilyo at babae.

Mahilig din ako makipag away at gumawa ng gulo noon.

I did everything just to tarnish the name Darvid. Para lang talaga maasar at magalit yung tatay ko sa akin pero dahil mas mahalaga sakanya yung kapatid ko wala pa din siyang pakialam sa akin.

Ang lagi lang niyang comment ay nasa phase lang daw ako sa puberty at magbabago din ako pag nagmature na ako.

Natatawa na naaasar ako pag naalala ko yung pagiging in denial niya na nagfail siya sa parenting.

Naramdaman ko yung sarap ng freedom nung time na yun pero sinira ko yung childhood ko dahil sa pagkre-crave ko ng attention mula sakanya.

Inaamin ko na sobrang inggit na inggit ako sa kaptid ko. My dad never prioritize my happiness. Yung atensyon lang niya laging na kay kuya, sa perfect niyang anak.

Nagbago lang yung lahat nung dumating sa buhay ko si Copter.

Una ko siyang nakilala nung naging lab partners kami. Napaka timid at aloof niya. There's something about him that day that made me curious.

My Baby Is All I WantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon