Chapter 5

822 27 10
                                    

           

Kimmon's POV

Anong gagawin ko? Nakaalis na si Bas at Tae pero hanggang ngayon di pa din kumikibo yung kasama ko.

Umorder na ako ng kakainin namin kahit na di ako nakakaramdam ng gutom.

"Gusto mo pa bang kumain?" Nagsalita siya softly. Sa wakas! Akala ko talaga uuwi kami na di naguusap.

Nawala lahat ng gutom ko pero ayoko naman maging bastos sa harap ng pagkain. Di ko na lang sinagot yung tanong niya tapos sumubo ako ng pagkain. Kaso napatigil ako nung pangatlong subo ko na.

"Okay ka lang ba?" I asked him instead kasi namumutla siya ngayon at para siyang nanghihina.

"Okay lang ako." Ngumiti siya pero tipid na tipid at nawala lahat ng kasungitan niya. Ganun ba kalakas epekto sayo ni Darvid? Pati ba naman ikaw? Ano ba meron sa kumag na yun?!

Napakuyom na lang ako ng kamay. Nakakasira lalo ng appetite. To think na kasama pa niya ngayon yung baby ko. Lalo ako nawalan ng gana kumain.

I just let out a long sigh.

"Eh Ikaw? Okay ka lang ba? Gusto mo silang sundan? Okay lang ako, puntahan mo na sila." Nagulat ako sa sinabi niya kasi yun na yata pinaka mahaba niyang sinabi sa akin.

Tumawa ako kasi nakanguso siya. Grabe napaka sincere ng pagpapalayas mo sa akin. I laughed harder.

He just glared at me. Ooohh nakakatakot kitty. Ngumisi ako.

"Sasamahan na kita tutal mukhang ayaw ako makita ni Bas." Napaka walang kwentang excuse kasi kung sasabihin ko lahat ng nangyari kay Bas ngayon tsaka isa pa caught in the act ako! Bat ko kasi hinawakan yung nitong si Copter! Nalulungkot ako pero siguro kailangan hayaan ko muna si Bas ngayon.

Wag lang talagang pagsamantalahan nung bakulaw na yun yung baby Bas ko. Kasi sasamain na talaga siya saakin, sabagay ready naman na libingan niya. Mula kabaong hanggang sa pakape at pabutong pakwan handang handa na.

"Para kang baliw ano po? Pabago bago yung expressions saka mood mo po." Ay huwaw naman! Galing talaga sayo yan? Teka tumatawa ba siya? Hoy wag kang magpacute! Di gagana I swear.

Kailagan ko na ibahin yung topic baka saan pa mapunta to.

"Kilala mo pala si Darvid?" Nabilaukan siya sa tanong ko. Inabutan ko siya ng tubig kasi naluluha na siya nasaktan ata siya sa pagkakasamid niya.

"Oo na hindi?" Ang weird mong pusa ka! Sagutin mo naman ng maayos tanong kahit minsan lang.

"Paanong oo na hindi? Tanong ko ulit na curious kasi talaga ako.

"Alam mo ang tsismoso mo po!" Naiirita na naman siya. Tinawanan ko lang siya kaya lalo siyang nainis sa akin.

"Sasapakin na kita! Kahit matangkad ka sakin kaya kitang bugbugin!" Tinutusok niya ng tinidor yung kamay ko. Di naman madiin kaya di ganun kasakit.

"Grabe! Sabihan mo naman ako kung gusto mo akong kainin! Di ako ready dun ah." Hinaplos ko yung kamay ko kasi medyo namula. He just clicked his tongue.

"Narealize mo ba na you just said a very suggestive statement? Ano na lang sasabihin ni Bas? Napaka cute niyang nilalang tas ikaw yung bestfriend niya?! Layuan mo siya dudumihan mo lang utak niya!" He gave me a dirty look.

"Huy FYI di niya ako bestfriend! Boyfriend niya ko! I mean future boyfriend? Ay ewan basta sa akin siya! Wag mo siyang tawaging cute kukurutin ko pisngi mo!"

He just laughed sarcastically.

"As if mangyayari pa yun. Maagaw na siya ng iba oh! Wag kang pakampante. Yung ilang taon nga na relationship na ilang beses na pinaglalaban kayang kaya sirain ng isang statement. Yan pa bang feelings na yan? Lalo na di naman kayo." Aray naman! Bakit ang bitter mo bes? San mo hinugot yan?

My Baby Is All I WantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon