Chapter 12

641 27 4
                                    


Kimmon's POV

Di nakatiis si Tae kaya hinablot niya si Copter paalis dito. Di din naman nakapalag si Copter tapos si Tee, he just looked blank and confused na nagpipigil ng galit at the same time. Sa sobrang bilis ng pangayayari na shock na lang talaga ako sakanila.

Ang weird ng mga taong to! Yung totoo po? Di naman kayo kasali sa kwento namin ni baby ah? Inaagaw niyo pa airtime namin eh! Pabibo masyado yung love story niyo. Shoo hanap kayo sarili niyong author!

Nagpaalam sa akin si Tee bago umalis. Wow marespeto kahit di kami pinakilala sa isat isa. I vote for Tee. Wag na dapat balikan ni Copter yung gago niyang ex. Kay Tee na lang siya! Tutal pareho silang mukhang pusa!

I smirked at my thoughts.

Lumakad si Tee sa opposite way kung saan kinaladkad ni Tae si Copter. Wala ata siyang balak makigulo dun sa dalawa kahit na medyo halatang nagaalala siya para kay Copter. Grabe good luck sayo Kitty. Ngayon ko lang nakita na ganun si Darvid.

Sana lang talaga makapag isip ng maayos yung gagong yun bago pa man tuluyan mawala sakanya si Copter. Malakas din kasi pagramdam ko na natatakot lang si Kitty na mag usap sila pero sa totoo lang gustong gusto pa rin niya si Tae.

Ay Bahala kayo dyan! Kahit worried ako kay Kitty wala naman ako magagawa. Love life niya yun eh. Bahala siya kung paano niya kokontrolin yung dakilang liyon na yun.

I snap back to reality nung nagreply na si Bas sa akin ng angry emoji. Nireplyan ko naman siya ng heart eyes na emoji.

Ang saya saya ko kahit na ganito lang messages na matanggap ko sakanya.

Sinusulyapan ko siya sa pinto nila kaya lang bigla siyang tumingin dito kaya nagtago ako kahit na nakita na niya akong nasa labas ng room nila.

Nag text siya sa akin "P'Kim pumasok ka nga sa klase mo! Paano mo ko bubuhayin sa future kung hindi mo gagalingan pag aaral mo?" With winking emoji.

Hala di ko kinaya yung message niya! Kulang na lang talaga pumasok ako sa klase niya tas halikan siya dun on the spot.

Guys I can die happy now. Para akong lumulutang sa ulap tapos muntik ko pa mabato sa tuwa yung phone ko.

I composed myself and replied to his message immediately.

"Kahit anong mangyari secured na future mo sa akin baby." I hit the send button without fear.

Wait di ako makahinga, kinikilig masyado lungs ko. Ang lakas ko na makatawag ng baby sakanya ngayon. He doesn't mind it na parang matagal ko na siyang tinatawag na ganun kasi di siya nagugulat pag naririnig niya na baby tawag ko sakanya.

Guys partida yan. Wala pang label relationship namin ganito na ang labanan!

Di ko napansin na nagdismiss pala ng maaga yung prof nila. Last subject na din niya 'to ngayong araw.

"Joke lang P'Kim alam ko naman na di mo ko hahayaan magutom." Nung narinig ko siyang bumulong sa kaliwang tenga ko. Dun lang naputol yung mga iniisip ko.

Tumatawa siya ngayon kasi na natameme ako sa ginawa niya. Napakapit tuloy ako sa dibdib ko. Wait heart wag kang tatalon! Ibibigay pa kita ng buo sakanya officially sa sabado.

I ruffled his hair and he gave me his sweetest smile. Napaka cute at ganda niya at the same time. Gusto ko na lang siya ibulsa tapos dalin kung saan man ako pupunta.

He is my sunshine. l can't imagine my life without him. He just makes everything better.

Siguro good five minutes ko muna siya tinitigan bago ako bumalik sa katinuan ko. Pinagtitinginan kami ng mga tao dito ngayon. Some are amuse or squealing. A few threw disgusted looks pero wala akong pakialam sakanila. Inggit lang sila sa ganda ng baby ko! Moreover, sobrang bagay na bagay pa kami!

My Baby Is All I WantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon