Chapter 8

667 25 12
                                    

           

Bas's POV



Kimmon Varodom, the name that is embedded in my heart and in my soul.

My kababata slash bestfriend and most of all my secret love. Oo secret lang yun kasi di ko maamin na sobrang crush na crush ko siya simula pa pagkabata namin.

I feel so loved whenever he is around. Sobra niya akong inispoil. Sobra pa sa pagiging doting nga parents ko sa akin.

Ginawa niya akong reyna sa imaginary kingdom namin at siya yung hari.

He became my King.

Kahit na lagi akong dumedepende sakanya, I also tried my best to be a good support for him.

Nung una ko pa lang nakita si P'Kim magaan na talaga yung pakiramdam ko sakanya. He was 6 and I was 5 that time.

He is a year older than me kaya akala ko noon curious lang ako sa pakiramdam na may nakakatandang kapatid. Simula nun lagi na akong nakadikit at nakabuntot sakanya.

He always tease me and napapaiyak niya ako minsan pero okay lang kasi mas lalo akong napalapit sakanya.

He became my protector.

Hanggang sa naging teenager na kami, narealize ko na meron naman akong P'Arthit para sa botherly love na hinahanap ko and hindi naman ganito yung nararamdaman ko pag kasama ko siya. Given na pinsan ko pa si P'Arthit.

Nag sink in sa akin na lalaki pala yung una kong ipapakilala kina Mom and Dad when he kissed my cheeks on my 15th birthday. At that moment I know I'm doomed kasi nadisappoint ako na hindi sa lips yung kiss na binigay niya sa akin.

Ang aga kong lumandi pero yung kabog ng dibdib ko nung moment na iyon talo pa tunog ng alarm clock ko kasi nagising talaga natutulog kong damdamin.

Yung mga prince charming and knight in shining armor na kwento ko sakanya kalokohan ko lang talaga lahat yun kasi gusto ko siyang i-test kung pipigilan ba niya ako. At least malalaman ko kung may pag-asa ba na maging totoo yung fairy tale na inaasam ko kasama siya.

Sino ba naman tatalo sa King diba? And besides, the Queen only belongs to the King.

Kaso nganga lagi yung beauty ko kasi sobra yung support na binibgay niya pag sinasabi ko na may crush ako.

Ano ba P'Kim di mo man lang ba ako pipigilan? Di ka man lang ba nagseselos? Bahala ka makukuha na talaga nila ako.

Minsan feeling ko nga sobrang sweet mo sa akin to the point na akala ko boyfriend na talaga kita. Tapos lagi mo pa akong pinapakilig pag magkasama tayo.

Nakakainis ka din eh sobrang payummy ka kasi masyado tapos sobrang assuming ko naman! Kiss na lang ata kita para magkaalaman na!

Sobrang nasa limit ko na ako kasi feeling ko naman gusto din niya ako kaso di siya umaamin. Nakakabwisit na talaga siya! Ayokong ngang ako yung aamin! Gusto ko siya yung mauna!

Kahit di mo na ako ligawan P'Kim, oo na agad tas I do na din tapos it's a boy. Hehe enebe landi ko.

Naaasar na talaga ako sa katorpehan niya kaya nung pagpasok namin sa college naghanap talaga ako ng lalaki na perfect sa ideal type ko na alam niya tapos sasabihin ko na crush ko yun para ma-threaten siya.

Alam ko childish pero wala kayong pakelam. Inaayon sa ganda ang pagiinarte!

Akala ko talaga magwowork na yung kalandian ko kasi iba yung aura ni P'Kim nung si P'Tae yung sinabi ko na gusto ko.

Hala baka naman itaboy na niya ako! Kinakabahan ako pero tinuloy pa din pagpapanggap ko.

Actually ideal type ko naman talaga si P'Tae sadyang si P'Kim lang talaga yung mahal ko.

My Baby Is All I WantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon