Chapter 11

641 19 9
                                    

Kimmon's POV


Simula nung landian na naganap sa restaurant, low key na din akong hinaharot ng baby ko ngayon.


Yung sagot pa lang na gusto niya akong tikman that day grabe talagang pressure yung naramdaman ko. Ang una kasing pumasok sa utak ko ay kung masasarapan ba siya sa akin?

Tangina ang dirty pero gusto ko talaga mangyari. Medyo joke lang yun guys kasi gusto kong hintayin na lang yung honeymoon namin. Na-eexcite tuloy ako. I mean sa kasal namin, hindi sa honeymoon ah. Mga utak niyo talaga!

Pero grabe hindi ko alam kung paano pa huminga ng maayos kasi kinikilig talaga ako ng sobra tuwing magkasama na kami ngayon. Iba na kasi talaga yung moments with him after ng misunderstandings na naganap.

Moreover, he stopped talking about Darvid and he became more open with expressing his feelings physically than before. No complaints though. Sige lang baby di naman ako aangal. Papalag pa ba ako?

If this will make you happier sapat na muna siguro 'to.

Dati lagi ko naman kinukulit at inaasar na gusto ko siya pero lagi lang din niya akong tinatawanan tapos binibiro na sasaktan pero ngayon iba na. Hindi na din nagpapatalo si baby at may baon na din siyang comeback na kaharutan. God sign na ba to?

Chance ko na ata talaga to eh! Lord kung right time na talaga para sa amin sana maging kami na ngayon. Joke syempre kailangan ko muna siyang ligawan officially.

Kailangan ko pa rin mag effort kahit na may 80% ng chance na sasagutin niya ako. Alam ko naman kasi na hindi easy yung baby ko eh. We both don't want some easy love.

Dalawang araw na nga pala yung nakalipas simula nung pumasok kami sa ganitong stage ni Bas. Di ko alam kung paano ko tatanungin sakanya kung ano yung meron kami ngayon? Natatakot kasi ako sa sasabihin niya sa akin.

Di na kasi ito normal friendship or brotherhood. It doesn't feel ordinary anymore. Sa akin siguro. Ang kinakatakot ko kasi baka isagot niya na normal lang tong ginagawa namin.

Hindi naman sa nagmamadali ako, it's just that I want us to be official hindi yung ganito. Ayokong isipin niya na hindi ko gusto ng commitment. Ayokong ma-insecure ulit siya dahil sa kaduwagan ko.

Yung lingering touches and meaningful smiles niya yung nagpapatunaw lalo sa akin ngayon. Di naman siya ganito dati. I mean sweet na siya noon pero parang double effort na siya ngayon.

Para niyang indirectly sinasabi na gusto din niya ako.

Shit wait kinikilig buong organ system ko!

Willing akong gawin yung lahat para di lang matapos itong sitwasyon namin. Kulang na lang kasi sabihin namin yung 3 magic words sa isat isa.

Gustong gusto ko na siyang ma-claim as mine kaso gusto kong maging special yung lahat. Tagal ko din to hinintay. Ang tagal ko din nakulong sa takot na baka ma-bestfriendzone ako. Time na to para mag man up ako lalo na nakikita ko na yung tunay na nararamdaman niya para sa akin.

Di naman kaya masyadong assuming lang ako? Hindi naman siguro. Kasi kung normal lang ito sobrang abnormal ko naman?

It's safe to say na he likes me too diba?

Tinatawanan nga ako ni Sky kasi para daw akong baliw na nagdadalaga na kinakabahan magkaroon ng first boyfriend nung nagkwento ako sakanya.

Sarap talang saktan netong babaeng to. Di talaga dapat ako nakipag kaibigan sakanya. Basta Darvid talaga walang magandang naidudulot sa buhay eh.

My Baby Is All I WantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon