Chapter 17

1.3K 36 25
                                    

Kimmon's POV




I'm currently sitting in front of my parents while eating our supper.

Pagkatapos ko maihatid sakanila si Bas, umuwi ako agad sa amin para sabihin na sa family ko yung relationship naming dalawa.

"Anong kasalanan na naman ba ang nagawa mo?" Nagulat ako nung nagsalita bigla si Dad to break the silence. I cleared my throat kasi feeling ko pipiyok ako once na nagsalita na ako.

"Wala naman Dad. I just miss Ma's food. Haha" I laughed awkwardly. Nagpalusot na lang muna ako tapos I resumed eating like everything is fine pero malapit na akong masakal sa sobrang kaba.

"Kimmon kilala kita so spill it already. Di ka naman nakabuntis? Okaya nakapatay?" I almost choke on my food when I heard him. My Dad always insists na may kasalanan akong nagawa kapag umuuwi ako.

Halata naman kasi talaga. Di naman ako madalas umuwi dito tapos if ever I come back here, siguradong laging may dahilan. And almost all of the reasons are my faults.

I just glared at my food. Syempre papalagan ko ba yung tatay ko?

"Stop bullying our bunso! Kumain ka lang diyan anak hayaan mo na 'tong matandang 'to." Sinuway ni Mama si Dad sa panggigisa sa akin. Nawalan na ako ng gana kasi mas lalo akong kinabahan pero hindi ko pinahalata sakanila.

"Sinong matanda? Kagabi lang iba yung naririnig ko sayo." Bumulong yung tatay ko pero narinig ko pa din. Nanlaki yung mata ko. My God! Ano guys? May tao po dito sa tabi niyo, too much information po kayo. Ayokong malaman yang aspeto na yan lalo na sa buhay niyong dalawa.

Namula yung buong mukha ni Mama tapos kinurot niya yung tagiliran ni Dad. He just chuckled and winked at her. Oh my God I didn't just witnessed that.

I faked coughed and my Dad just glared at me. Huy wala na kong balak na tumanggap ng bagong kapatid. Yung kumag kong kuya sapat na. So parents please stop.

"Bakit ka nga ba umuwi ngayon Kimmon? Akala ko ba gusto mo maging independent?" Aba bakit Dad kailangan ba uuwi lang ba ako tuwing may kasalanan ako?

"May sasabihin po kasi ako sainyong dalawa ni Ma." I said out loud. Wala ng atrasan to.

"Na ano? Na kayo na ni Bas? Maliit na bagay anak. Bring him here kung may time kayong dalawa. I miss that ball of sunshine. Ang tagal na namin siyang di nakikita. Kahit di ka na sumama papunta dito kahit siya na lang mas okay pa yun." My dad said casually and continued eating the food on his plate.

Teka!? Wait?! Huh?! My jaw dropped. Paano niya nalaman?!

"Mukha kang ewan Kimmon isara mo yang bibig mo. Sabi pa man din nila kamukha kita kaya di ako papayag na ganyan kapangit yung itsura mo. Umayos ka." He also added and my mom just chuckled softly.

"Bunso naman you know your Dad, kahit lagi kayong binubully niyan sobra siya kung mag alala for his sons' safety. Lahat ng nangyayari sa buhay mo at ng kuya mo alam namin kahit malayo kami sainyo." My mother explained at lalo lang akong napanganga.

"Paano ka nagustuhan ni Bas? Mas gwapo naman yung Tae Darvid sayo besides mas mainpluwensya yung pamilya nila sa atin. Tapos ang torpe torpe mo pa." He just nonchalantly dissed me! His own flesh and blood! How could you?! Akala ko ba makamukha tayo?! Para mo na rin nilait yung sarili mo Dad!

Napakuyom na lang ako ng kamay. Pinalo ni Ma yung braso ni Dad ng malakas. My Dad just gasped tapos hinaplos niya yung braso niya.

"Wag mong pakinggan itong tatay mo. Mas gwapo ka dun bunso ko at higit sa ikaw yung gusto ng baby bunny natin" My mom squealed at her own statement. Ang weird ng pamilya ko. Help please.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 02, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Baby Is All I WantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon