Chapter 9

624 22 11
                                    

           

Bas's POV

Di ako lumabas ng kwarto ko kahit na tanghali na. Alam ko nag aalala na sina Mom and Dad pero di ko talaga mapilit yung sarili ko na baliwalain yung nararamdaman ko ngayon.

Nagmukmok lang ako tuloy ako kasi may date ngayon si P'Kim! Tapos di din ako nakatulog ng maayos kagabi.

Ugghh! I grunted as I push my face on my pillow. I'm such a mess right now.

Kahit gusto ko siyang pigilan di ko naman pwedeng gawin yun. Napaka selfish ko kung pipigilan ko siya ngayon kasi wala namang kami. Wala akong karapatan sakanya.

I just clenched my hands. Ang arte mo kasi Bas! Lakas makababae! Wala ka namang boobs! Naiirita din ako sa sarili ko eh!

Sobrang insecure ko ngayon kasi alam ko na makikipaglandian siya sa iba. Ang sakit pala na malaman na may ibang gusto yung taong mahal mo. Sorry na sa mga tinawanan ko sa katangahan nila noon. Karma ko na ata talaga 'to.

A loud sound startled me. Napabalikwas ako sa kinahihigaan ko nung biglang tumunog phone ko. Uso kasi mag silent Bas. Nakakairita ka self.

Papatayin ko na sana phone ko kaso nakita ko na si P'Kim yung nagtext kaya binuksan ko pa din. Di ko naman matitiis yung Mister ko eh.

Binasa ko yung text pero natawa ako sa sinabi niya. Di ko alam kung gagaan ba loob ko or lalo akong maiinis.

Nag explain kasi siya na di daw talaga date yung lakad niya ngayon nagjojoke lang siya kagabi. May sasamahan lang talaga siya.

I heaved a sigh. P'Kim di mo kailangan magsinungaling for my sake tsaka bakit ka pa ba nagpapaliwanag? Lalo mo lang ako pinapaasa.

Nireplyan ko siya pero yung sunod na reply niya sineen ko na lang.

Nasasaktan lang ako lalo. Pinaganda lang naman niya yung sitwasyon eh! Sinamahan?! Mukha mo! I snorted and toss my phone besides me.

Biglang na naman nag ring yung phone ko! Bwisit! Ang aga aga naman mambulabog ng mga tao! I angrily picked up my phone to check the caller.

I choked when I saw the name flashing on my phone. Nagulat ako kasi tumatawag si P'Tae. Ay wow yayamanin! call pa ang gusto. Sinagot ko naman tawag niya, sayang effort niya eh.

Inaaya niya ako lumabas ngayon para pag usapan namin yung sa homecoming party. Bakit nga ba may partner siyang kailagan eh di naman required!? Pumayag na lang ako kasi wala din naman ako gagawin  ngayon. Besides, naiinis nga ako kay P'Kim. Bahala siya sa buhay niya makikipagdate na lang din ako sa iba!

Tumayo ako para mag ayos ng sarili ko. Syempre kahit na lalaki ako dapat presentable pa din.

Pagtingin ko sa salamin nanlaki yung mga mata ko kasi namumugto sila. Shit! ayoko na ata pumunta!  Kaso naka oo na ko kay P'Tae. What to do mga bes?!

Naligo na ako kasi wala din naman ako magagawa. I just hope na umimpis yung pamamaga ng mata ko as I take a bath.

Paglabas ko sa kwarto ko sinalubong ako ng nagaalala kong mga magulang. Nagpaalam ako na lalabas ako pero mukhang di ako papayagan kasi wala akong kasama kaya nagpasundo tapos nagpahatid ako kay P'Arthit.

Sorry. Nag iisang anak problems. Pagkadating ni P'Arthit umalis din kami agad.


---

"Anong gagawin mo sa Paragon? Bakit hindi si Kimmon yung kasama mo ngayon?" Ginigisa ako ngayon ng pinsan ko.

Napalunok na lang ako.

"Si P'Tae yung kasama ko ngayon." I muttered but he heard it clearly.

Napapreno siya bigla kaya tumama sa dash board yung ulo ko. Aray naman!

My Baby Is All I WantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon