Special Chapter: TaeCop Part 3

467 13 11
                                    


Copter's POV



It's been a week since nagstart akong guluhin ulit ni Tae.

Yung effort niya para suyuin ako ngayon naging doble compared sa mga ginawa niya noon para sa akin pero I always tell myself na di dapat ako papaapekto kahit anong mangyari.

Gusto lang naman niya ako dahil ako lang yung nagtyaga at nagtagal sa ugali niya.

Ako lang kasi yung tumanggap ng buo sakanya.

Ito na lang yung lagi kong idinadahilan sa sarili ko. Ayoko kasing tanggapin na baka mali ako. Na baka kaya na niya akong ipaglaban at baka this time din totoo na yung pagmamahal na sinasabi niya.

Odiba ang hopeless ko? Paano ko ba pipigilan yung sarili ko kung laging may what ifs na tumatakbo sa utak ko?

Ilang buwan kong tiniis lahat para maging masaya ulit kahit wala siya sa tabi ko pero nung makita ko ulit siya biglang back to zero na naman ako.

Napapagod na ko kaka-deny at reject sakanya sa tuwing pinupuntahan niya ako sa faculty namin at wala na din safe na lugar para sa akin kasi lagi na lang niya akong nahahanap.

Itong taguan at habaluan namin is already taking a toll on my body. Magkakasakit na ata ako kakaisip dito plus samahan pa ng sobrang daming workloads sa school ngayon. Hirap na hirap na talaga ako.

Naiinis na din ako kasi pinaguusapan na sa buong campus yung ginagawa niya sa akin.

It's not that I mind the attention we're getting but the problem is habang tumatagal it's making me realize that I fucking miss him, that I'm craving for him even more.

Halos ipahiya ko na nga siya sa harap ng tao pero di pa din siya sumusuko. I pulled every strings na pwedeng makapagpagalit sakanya pero wala pa rin epekto.

Ang dami ko ng haters! Yung tipong I eat death glares every meal!

Aba naman fangirls bakit nung si Bas ang nilapitan wala lang sainyo?

I almost roll my eyes out of annoyance.

Kailangan ba may pangalan muna sa lipunan bago lapitan ni Tae?

Grabe sinasampal na naman ako ng realidad ng kalakaran sa lipunan.

Speaking of Bas, akala ko ba nililigawan siya ni Tae? At least that's what I've heard. Nung nalaman ko kasi na dito siya nag aaral dun ko lang din nalaman lahat ng rumors sakanya.

Why only now?! Kung alam ko lang umiwas na sana ako noon pa.

Tsaka bakit niya pa ginagawa sa akin to kung kaya naman pala niyang humanap ng iba?!

Nag drama pa siya nung kamakailan na kesyo he wants me back daw. Ano na naman bang kagaguhan to? Muntik na naman kasi akong bumigay. Ang tanga tanga ko din naman at may paiyak iyak pa akong nalalaman.

Pinipigilan ko yung sarili ko na mahulog na naman sa mga laro niya kasi madaming masisira pag tinanggap ko pa siya ulit.

Kaya hanggat maaari iniiwasan ko siyang makasalamuha.

Kapag malapit na akong bumigay lagi kong iniisip lahat ng ginawa niya sa akin noon. Lahat ng sakit na naranasan ko noon para mauntog ako sa katotohanan.

Ano pa ba kasing gusto niyang makuha sa akin?

He had everything! I have given him everything. Isa lang naman yung gusto ko sakanya... yung palayain niya ako kasi pagod na pagod na ko.

Kahit gustong gusto ko siya hindi na nakakabuti para saaming dalawa yung isat isa. Napaka toxic na. Di naman porke masaya ako sa piling niya di ko na iisipin mga consequences ng disisyon ko.

My Baby Is All I WantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon