Chapter 15

896 30 15
                                    

Warning: NSFW 🙈 yaw ko na po.

Kimmon's POV

Kinakabahan ako ngayon pero excited at the same time. Di ko alam kung tama ba 'tong ginagawa ko ngayon.

Kasama ko na si Bas sa apartment ko at dalawa lang kami dito. Syempre with clothes on pa. I mean ako nakadamit pa kasi siya nasa banyo siya ngayon.

I actually wanted to talk to his parents tungkol sa relationship namin pero sabi niya siya na lang daw magpapaalam kasi gusto niya next time na magkikita kami ng Mom and Dad niya ipapakilala na niya ako as his Boyfriend.

Noong sinabi niya sa akin yun ang sarap sarap sa feeling kasi finally after namin maging official magiging legal na din ako sa pamilya nila. Gusto ko na din i-announce sa family ko pero kinakabahan ako sa magiging reaction nila.

Sana maging okay yung lahat. Medyo kampante naman ako kasi ramdam ko na tatanggapin ako ng parents niya. Matagal na din kasi akong tinatanong ng Mommy niya ng pabiro kung kelan ko daw ba hihingin yung kamay ng anak nila. Ganun din naman si Ma sa akin. Tumatawa lang sila noon kasi di talaga ako sumasagot tapos ngumingiti lang ako kaya feeling ko alam nila na gusto ko talaga si Bas.

Si Bas lang naman kasi wagas maka-react noon eh. Sobrang defensive ng baby ko tapos ang ending magiging akin din pala talaga siya.

Natatawa ako sa mga flashbacks kasi sobrang asar na asar talaga siya pag pinagkakasundo kami ni Ma at ng Mommy niya. Sobrang cute niya kahit na medyo nasasaktan ako noon. Akala ko kasi ayaw niya talaga sa akin.

Tapos isa pa itong kuya ko, kung makipag agawan kay Bas kala mo kung sinong gwapo pero buti na lang talaga mas paborito ako ni baby. Besides, nasa ibang bansa naman na yung kapatid ko at dun na siya lumalandi.

Kahit na alam ko na tatanggapin ng both sides yung relasyon namin gusto ko pa din formally magpakilala as his boyfriend. Ayoko naman sabihin sa akin ng Mommy at Daddy niya na hindi man lang ako nag effort para sa anak nila.

Tsaka ano na lang din sasabihin sa akin ni Ma at Dad? Alam ko na mageexpect si Dad ng apo niya sa akin kaya madidisappoint siya pero kung si Bas lang din yung magiging boyfriend ko alam ko papayag yun kasi mas favorite pa niya si Bas kesa sa amin ng kuya ko. Anong silbi ng kapatid ko? Adyan siya at siya yung panganay. Kaya na niya yun.

Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko kasi it's been an hour since pumasok sa banyo yung baby ko.

I'm currently sitting in my bed waiting for my food. Haha i mean my baby pala. Ang tagal naman kasi niya libog na libog na ko! Joke guys, ligong ligo na kasi ako ang init init na kasi dito kahit naka aircon yung kwarto ko.

Naprapraning na nga ako bawat minuto na lumilipas. Hindi naman ako ganito dati kaya medyo nastress din ako sa sarili ko. Oo napakabilis ng progress ng relationship namin. Inaamin ko din na excited ako sa idea na magsesex kami, I mean make love pala pero baka kasi isipin niya katawan lang niya yung habol ko sakanya at after this magbago yung lahat kaya medyo anxious ako sa kakahinatnan ng lahat.

He is more than that. I know he knew that he is more than just a play thing to me. Pero bakit kinakabahan ako na baka yun yung isipin niya?

Hindi ko gusto yung dahil sa physical appearance niya. Bonus na lang talaga yung ganda at kasexyhan niya para sa akin.

Mahal ko si Bas kasi siya si Bas Suradej. Hindi ko kailangan ng iba pang rason para mahalin siya.

Siguro it's just that sa sobrang gustong gusto ko si Bas hindi ko mapigilan yung sarili ko na akinin siya ng buo.

Kaya din siguro sabik na sabik ako sakanya kasi ang tagal kong hinintay yung oras na ito.

Yung pagkakataon na patunayan ko kung gaano ko siya ka mahal emotionally and physically.

My Baby Is All I WantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon