Chapter 10

640 22 14
                                    




           

Bas's POV




May pasok ngayon kaya sigurado ako na isasabay ako ni P'Kim sa pag pasok.

Ayan na oh speaking of, nag text na siya na susunduin na daw niya ako.

Nagreply ako na wag na muna kasi ayokong makita niya yung itsura ko ngayon. Sabi nga ni P'Tae medyo nabawasan kagandahan ko dahil sa pagiinarte ko. Ang lalim ng mata ko tapos ang dry ng skin ko ngayon. Di kasi talaga ako nakakatulog ng maayos.

Kainis ka din kasi P'Kim eh! May pa date date ka pang nalalaman! Napapagod na yung puso ko. Ayoko na ata pero syempre di parin ako susuko. Palaban ako eh medyo maarte nga lang. Nababaliw na ata ako. Trinatrashtalk ko na sarili ko.

Sumabay ako papasok kay P'Arthit para iwasan si P'Kim. Buti na lang talaga magkapitbahay lang kami ng pinsan ko.

Tinanong ako ni P'Arthit kung anong nangyari kahapon pero di ko sinagot directly yung tanong niya, nagpalusot ako tapos di ko sinabi yung details baka kasi saktan na talaga niya si P'Kim kapag nalaman niya na nagkita kami kahapon kasama yung kabit niya.

Teka. Yung totoo? Bakit ba sobrang affected siya sa love life ko?!

Lalo pa akong na-insecure nung nakita ko yung ka-date ni P'Kim. He's way cuter than me at mukha siyang sophisticated and well-mannered na lalaki. Shy type din naman ako P'Kim ah balasubas man ako kumain maingat naman ako sa kilos ko huhu. Tapos isa pa yung fact na ex niya si P'Tae tapos na echepwera na talaga ako mga bes. Nakakainis naman! Konting pahid pa ng beauty regimes pa Bas. I slumped in the passenger seat. Di na din ako kinukulit ni P'Arthit, nahalata niyang wala ako sa mood.

Pagkarating namin sa school nag thank you sa pinsan ko bago bumaba sa harap ng faculty namin habang siya naman magpapark muna ng sasakyan. He just nodded kahit na alam kong gusto niya pa akong kausapin he just choose to let me be alone this time. Nagpapasalamat naman ako na naiintindihan niya na ayaw ko munang magkwento. Buti na lang talaga siya yung pinsan ko hindi si P'Bright.

Nagulat ako nung nakita ko si P'Kim sa harap ng faculty namin. Shit! Why so gwapo po?! Ang aga aga naman magpafall nitong lalaking to! Ay teka diba dapat galit ako sakanya?!

Nag Hi na lang ako sakanya ng parang walang nangyari and he was taken aback. Ano naman kasing effect kung magiinarte ako tas snobin ko siya ngayon diba? He was about to speak pero may nag interrupt sa amin.

Kairita sino na naman ba? Di ba pwedeng mamaya na lang kasi nakikita mo naman na nag-uusap kami diba?! Sabay kaming humarap dun sa tumawag sakanya.

Ay kaya naman pala P'Kim was frozen on the spot. Ano sakanya ka na natatameme ngayon? Yung ex pala ni P'Tae yung dumating. Nakakainis ka po nasasaktan ako! I'm close to crying pero pigil na pigil talaga ako.

Nagsasalita ulit si P'Kim kaso di ko na ma-take yung heartache kaya I dismissed him again. Nag smile ako sakanilang dalawa. Nakatingin lang si P'Kim sa akin na parang nagmamakaawa pero pinigilan ko sarili ko. I head straight to my class. Hindi ko kayang makita na may kasama kang iba kaya please hayaan mo muna ako.

I patted my chest I patted my chest as I walk in the hallway. Okay lang yan. Makuntento ka na at least di ka niya inabanduna nung nakahanap siya ng magugustuhan niya. Pampalubag loob ko na lang yung sapat na nakikita ko siya pero di gumagana eh.

-----


Natapos yung umaga ko na wala akong napala. Sobrnag lutang ko ngayon. Wala akong ibang iniisip kundi yung scene na masaya si P'Kim sa iba.

Dumiretso ako sa cafeteria kasi doon kami usually nagkikita ni P'Kim pag lunch break. Hinintay ko siya dun pero di muna ako bumibili ng pagkain. Wala akong gana.

My Baby Is All I WantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon