Chapter 7

668 24 9
                                    




Kimmon's POV


Iniwan ko si Copter sa field para puntahan si Bas. Parang life and death yung situation ko ngayon.

Kahit na medyo naghehesitate ako na iwan siya nung una mukhang okay lang naman kasi madami naman na siyang kasama.

Tsaka tama siya sa sinabi niya sa akin. Kailan pa nga ba ako gagawa ng paraan para mapansin ni Bas yung feelings ko kung hindi ngayon? I can't afford losing him dahil lang napaka duwag ko.

Tinignan ko yung oras and 10 minutes na lang before matapos lunch break. Tumakbo na ako papunta sa cafeteria.

Nakita ko na konti na lang yung tao. Iniscan ko buong lugar tapos nakita ko si Bas na nakaupo lang sa usual spot namin.

Bigla akong na guilty lalo kasi mukhang di pa nga talaga siya kumakain. Tinignan niys yung relo niya bago tumayo at kinuha na niya bag niya.

Teka baby! Bumilis yung tibok ng puso ko. Kinakabahan ako at ang sakit sa dibdib.

"Wait Bas!" Sumigaw ako at dali daling pumunta sakanya. Tumingin siya sa akin tapos ngumiti lang siya ng tipid.

He smiled weakly. Kasalanan ko na talaga to. Ang sakit sa puso.

"Hi P'Kim. Kumain ka na ba? Mag lunch ka na baka mag sara na mga stalls." He stated calmly.

"Ako pa talaga inintindi mo eh mukhang di ka pa din kumakain?!" Nagalit ako sakanya kasi nag aalala na talaga ako. Nagulat naman siya kasi napagtaasan ko siya ng boses.

I calm myself down kasi mukhang natakot si Bas sa akin. Bobo ka ba Kimmon? Kasalanan mo diba? Tapos ikaw pa yung nagagalit?

"Sorry P'Kim. Nawalan kasi ako ng gana kumain kanina pero hinintay kita kasi baka di ka pa kumakain." Nagpaliwanag siya pero di siya nakatingin sa akin.

Nagalit na ko sayo nakuha mo pang mag alala para sa akin?

Ang tanga tanga mo Kimmon. You made him feel bad. Nagsinungaling ka na nga tapos ganito ginagawa mo sakanya.

Pero di ko itatanggi na parang may sumasabog na masarap na feeling sa puso ko ngayon sa sinabi niya. I feel special. Ang gago ko nakuha ko pa talagang kiligin ngayon diba.

Okay lang na ako yung masaktan kasi di naman niya alam na gusto ko siya kaya di siya aware sa mga ginagawa niya sa akin.

Ako nga dapat gumagawa ng paraan para di siya masaktan and yet I'm unconsciously pushing him away.

I mean di ko naman siya pinagpapalit kahit kanino sadyang magaan lang yung loob ko kay Copter. Yes, I'll admit he may attract me at some point of time pero yung feelings ko kay Bas sobrang lalim talaga para itapon ko ng ganun ganun lang.

Kahit subukan ko hindi ko magawa.

Pinilit ko din naman na na gawin yun at kalimutan yung feelings ko sakanya kasi parang wala talaga akong pag asa kaso di ko mapigilan sarili ko. Siya lang talaga. Siya lang yung gusto ko.

Clearly, nakikita ko na malungkot siya ngayon dahil sa akin. Gusto ko ng parusahan sarili ko kasi nangako nga ako na hinding hindi na ako yung magiging dahilan ng kalungkutan niya pero nagawa ko pa din.

Pabibo ka kasi masyado self! Ayan gumawa ka ng ikakasira mo sa taong mahal mo.

Hinila ko palabas ng cafeteria ung baby ko and eventually palabas ng university. Di naman siya pumiglas sa pagkakahawak ko sa kamay niya kaya medyo gumaan yung pakiramdam ko.

Dinala ko siya sa isa sa malapit na restaurant sa University namin.

Alam kong may klase kaming dalawa pero di ko hahayaan na magutom yung mahal ko. I mean di ko hahayaan na matapos tong araw na to na di kami nagkakaayos or di ako nakakapagpaliwanag sakanya.

My Baby Is All I WantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon