Chapter 3

1K 28 6
                                    







Kimmon's POV

'2 weeks before homecoming.'

Busy silang lahat sa preparations for the homecoming party para sa football team.

Well, magaling naman talaga sila kaya nga sila yung nag champion. Ang ayaw ko lang kasi talaga sa kanila ay yung fact na team captain nila si Tae Darvid. Eh sakto I hate everything about him kaya wala akong pakealam sa pa-homecoming party na yan.

Isa pa nakakapagod na din! Sila na lang lagi topic every part ng school. Di na napagod mga fangirls nila.

Di ko naman sila masisisi yung team kasi isa din naman ako sa hot stuffs sa school namin... Yes guys 'ehem' isa daw ako sa mga gwapo sa school. Search niyo pa sa facebook page na ginawa nila, andun pangalan ko sa listahan. Di sa nagyayabang ako pero andun talaga pangalan ko.

Thank God it's Saturday! Moreover, kasama ko ngayon si Bas. Date namin kasi finally nagconfess na ako sakanya. Boyfriend ko na siya.

Joke. Hindi ko pa nasasabi sakanya ano ba! Wag kayong excited. Kailangan ko kasi paghandaan mabuti confession ko. Dapat kasi special. Hehe mailusot lang Kimmon?

Natigil ako sa mga kahibangan ko nung napansin kong parang may mali. Tumigil ako sa paglalakad at tinignan si Bas na katabi kong naglalakad.

1...2...3...

Nawawala si Bas! Ang likot likot naman ng baby ko! Asan na ba yun? Nagpanic ako ng konti.

Lumakad ako pabalik sa last na shop na kasama ko siya baka naiwan siya dun.

Kailangan ba parati kong hawakan yung kamay mo para lang di ka mawala? Shit kinikilig ako sa naisip kong idea. I mean natuwa ako hindi kinilig. Ene-anuba. I cleared my thoughts.

Nagpapasama kasi siya lagi sa akin kapag lumalabas siya. Rich kid kasi kaya di pinapayagan ng magulang na walang kasama lumabas yung unico iho nila. Wala naman akong angal haha syempre way din ito to spend a daw with him magiinarte pa ba ako.

Ayoko sana pumunta this time kasi ang dahilan niya sa akin hahanap daw siya ng dress niya. I mean ng isusuot niya pala sa homecoming.

Sorry babe, I can really imagine how you'll look in a dress. Grabe napaka appetizing siguro.

Ang bastos ng utak ko ngayon! Erase erase. Hanapin mo muna si Bas bago mo isipin yan para mas ma-visualize mong mabuti! Tama tama! Ay teka mali pa rin pala. Asan ka na ba kasi Bas? Yung inner beast ko di ko na naman mapigilan.

Pero syempre malungkot ako nung una kasi sobrang saya niya na textmates and chatmates na daw sila ng prince charming niya.

Too much for my heart to handle.

Di ko kasi alam kung ano uunahin ko. Kung maasar ba ako kasi nageeffort siya para kay Darvid at close na sila or kung kikiligin ako sa mga ngiti niya ngayon?

Hirap naman neto.

I stop my track when someone bump onto my chest.

We both groaned. Napaatras lang ako pero napaupo yung nakabangga ko kaya tinulungan ko siyang tumayo.

Medyo nag stumble din siya kaya I supported him by pulling him towards me kasi baka mahulog ulit siya kaya lang naapakan ko tuloy yung paa niya.

"Aray! next time naman tumingin ka sa dinadaanan mo." Wow naman?! Eh ikaw kaya yung nagmamadali tapos bumangga sa akin.

I stayed rooted on the spot and flabbergasted with his words. Di ako nakapag retort agad.

Pinagpag niya yung damit niya kaso napasigaw siya nung nakita niya yung sapatos niya.

My Baby Is All I WantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon