" WHEN YOU SAY YOU LOVE ME "
WRITTEN BY : SHERYL FEECHAPTER ONE
"Hey Sam baby where are you going?" Pang-aasar ni Ethan sa bunsong kapatid.
"Ikaw ethanol manahimik ka't may lakad ako," Nakasimangot na tugon ni Samantha.
"Aba'y sinong kausap mo baby? Wala naman akong kilalang ethanol dito ah. Ikaw ha baka may secret lover ka na," Patuloy na pang-iinis ni Ethan sa kapatid.
Gano'n naman silang magkakapatid, kung gaano katahimik ang magulang nila ay kabaliktaran sa kanilang magkakapatid. Pero ang pinakamalala ay ang kanilang bunso, si Samantha dahil unlike their ate Rochelle Ann na napakapasensiyosa, si Samantha ay mainitin ang ulo. Sabi nga nila trademark ng mga Aguillar ladies "temper ladies", dahil kung sino pa ang mga babae sila pa ang mainitin ang ulo.
"Ikaw? Aba'y sinabi mo na ring ethanol ka na pangit ako at magkakalover ng pangit ding tulad mo. Kilabutan ka nga diyan." Ismid pang sagot ng dalaga.
Although alam naman nilang hindi nagkakapikunan ang mga anak nila, kahit gaano pa sila kasutil mas minabuti ni Cyrus na pumagitna sa mga ito.
"Tama na iyan mga anak. Para kayong mga bata." Aniya nito.
"Ikaw Ethan may asawa't anak ka na kaya bawas-bawasan mo na ang panunutil sa mga kapatid mo," Pangaral nito kay Ethan saka bumaling kay Samantha.
"At ikaw naman Sam anak kuya mo pa rin ang kausap mo kaya iwasan mo na rin ang pagkamainitin ng ulo mo. Kita mo ang ate CM mo na mainitin ang ulo takot na yata mga lalaking manligaw sa kanya. Wala siyang ibang kalapit na lalaki bukod sa mga pinsan ninyo kundi si Daylan, pero maganda din iyun dahil silang dalawa din ang nagkatuluyan," Sabi naman nito sa bunsong anak.
As usual, naupo sabay de-kuwatro ang dalagang si Sam. Pero ang kilay ay nakataas pa rin.
"Huwag kang mag-alala daddy dahil love na love ko naman ang ethanol na iyan at kailanman ay hinding-hindi kami magkakapikunan." Sabi ng dalaga na bigla ding tumayo.
"I know that iha ang sa akin lang bawas-bawasan mo ang pagkamainitin ng ulo mo lalo at dalaga ka," Patuloy na pangaral ni Cyrus.
"Bati na tayo baby Sam alam mo namang love na love ka ni kuya eh kaya sige na lumakad ka na baka mahuli ka pa," Sabi na lang ni Ethan dahil kilalang-kilala nila ang bunso nilang kapatid, hinding-hindi mananahimik lalo na kapag alam nitong may tama kaya siya na ang nagkusang nagsalita para ss kanilang dalawa.
" Oo na kuya ethanol bati na tayo baka hindi mo ako isama sa Germany eh. By the way high way of Nueva Ecija, mauna na ako sa inyong dalawa." Sabi nito na hindi man lang sinabi kung saan pupunta.
Napailing na lamang ang mag-ama dahil sa inasta ng dalaga. Wala ang ilaw ng tahanan dahil ito ang sumama sa manugang nilang si Whitney.
"Si Sam talaga oo. Ewan ko ba kung saan-saan iyan nagpupunta ang kapatid ni'yo. Minsan nag-aalala na kami ng mommy ninyo." Sabi ni Cyrus sabay pakawala ng malalim na paghinga.
" Gusto ni'yo bang kausapin ko siya ng maayos daddy? Kilala naman natin si Sam kahit napakasutil niya kapag seryusuhan ay nakakausap naman siya ng maayos." Tugon ni Ethan.
"Sure anak kung ikaw ang papakinggan niya ay why not iho go ahead. By the way nasaan ang mag-ina mo bakit mag-isa ka lang na sumugod dito?" Tanong ng Ginoo.
" Papasyalan daw muna nila si lola saka sila susunod dito. Alam mo naman ang batang iyun namana pa yata ang pagkasutil ni lola." Nakangiwing sagot ni Ethan.
BINABASA MO ANG
WHEN YOU SAY YOU LOVE ME WRITTEN B : SHERYL FEE(COMPLETED)
General FictionLOVE MOVES IN MYSTERIOUS WAY. IKA NGA NILA ANG PAG-IBIG AY HINDI HINAHANAP BAGKUS AY KUSANG DUMARATING.