CHAPTER THREE

947 35 3
                                    

" WHEN YOU SAY YOU LOVE ME "
WRITTEN BY : SHERYL FEE

CHAPTER THREE

"Inspector Aguillar pinapatawag  ka  ni  hepe." Pukaw  ng kapwa police ni Sam sa kanya.

Without looking and knowing  who's  the person  calling her, lalo at busy siya sa ginagawa sa laptop niya'y sumagot.

"Bakit daw?" Tipid  niyang tugon  na patuloy ang pagtipa  sa keyboard ng laptop niya.

"Inspector  naman, alam  mo  namang  bawal magtanong kung ano ang dahilan." Napakamot sa ulo na tugon nito.

Hindi  man siya nakatingin  sa lalaki  pero  kitang-kita niya ang anino  nito sa screen  ng  laptop kung paano ito napakamot  kaya naman muli ay  napaisip siya ng kalokohan.

"PO1 Rubio may kuto ka ba? Aba'y  kanina  mo pa iyan kinakamot ah." Nakangiting tanong na dito.

Presto!

Agad tinanggal ng police ang kamay  sa ulo  at saka  iniayos na para bang nasa battle field.

"Don't be offended PO1 Rubio binibiro  lang kita. By the way I'm  coming I'll  just close my computer, maraming salamat," wika na lamang ni Sam lalo at  kitang-kita niya ang pamumula ng kausap.

"Okey lang po inspector hindi  ko lang naman kasi inaasahan na mapagbiro  ka." Ayun  at napapakamot  na naman ito sa ulo pero agad ring  tinanggal ng naalala  ang biro ng dalagang nasa  harapan  niya.

"Masanay  ka na sa akin PO1 Rubio dahil mapapakamot  ka  lagi sa  ulo  kapag ako ang kasama mo. By the way, let's  go baka mainip si hepe." Tugon  ng dalaga  sabay sara ng tuluyan  sa computer.

Ilang sandali pa ay sabay na ang dalawa na tinungo ang opisina  ng kanilang superior o ang hepe.

Sa kabilang banda, laking  tuwa ni Braxton dahil  sa wakas ay nakontak  niya ang mobile number ng kanyang kambal na si Clarence. Pero kung  gaano siya natuwa  ay  gano'n  din kabilis  naglaho dahil  sa tinuran  nito.

"Ikaw Clarence kailan ka ba  magbabago  ha? Aba'y  ako ang naiipit  sa kalokohan mo." Iritableng sabi niya dito.

"Huwag ka  ng mainis  twin brother alam mo namang sa'yo  lang ako may tiwala eh, ipagkakait  mo pa ba iyun?" Pangungunsensiya pa nito.

In his mind, nakikinita  na ni Braxton  ang paawa  effect ng kambal niya. Ito ang ginagamit na panlaban sa kanya sa tuwing  kinakastigo niya.

"Hindi ko maipapangakong kaya kitang pagtakpan  habang buhay Clarence dahil alam mo namang hindi ako naglalagi  sa bahay, kagaya mo kung saan-saan ako napapadpad kaya kong ako sa  iyo habang mas maaga pa magtapat  ka na kina  mommy at daddy lalo na at sinadya  na  sila ni Thea sa Nevada." Malumanay na pangaral  ni  Braxton sa  kambal. Pero mas umusok  ang bumbunan  dahil halos hindi pa siya tapos  nagsalita ay  nawala na ito sa linya.

Kaya naman bubulong-bulong siya habang ibinulsa  ang cellphone.

"Hanep ang taong 'to siya na nga ang pinagmamalasakitan siya pa  ang may ganang  patayan  ako  ng linya. Tsk! Makaalis na nga lang bago pa ako tuluyang mainis." Nakailing na sambit ng binata.

Sa katunayan paalis  na  naman siya para sa panibago  niyang destino na kung tutuusin  ay hindi na nila kailangang lumayo para magtrabaho dahil sa  pamilya na nga lang nila ay napapaligiran  na sila ng trabaho pero ang problema  ay ang kuya Tristan Keith  lang nila ang may  hilig sa  business. Dahil  siya at ang kambal niya ay  may kanya-kanyang hilig.

Sa katunayan paalis na siyang muli para sa  trabaho niya na lingid sa mga magulang niya.

Yes it is!

WHEN YOU SAY YOU LOVE ME WRITTEN B : SHERYL FEE(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon