CHAPTER SIXTEEN

674 29 5
                                    

" WHEN YOU SAY YOU LOVE ME "
WRITTEN BY SHERYL FEE

CHAPTER SIXTEEN

"Miss puwedin pasakay?"  Nakangising tanong ng isa.

"Ha? Wala naman sasakyan dito ah paano ka sasakay?" Pagmamaang-maangan pa ng dalaga.

But deep inside of her ay kumukulo ang dugo, di yata't mapapalaban siya  ng wala sa oras.

"Himala yatang mahina ang kukuti mo ngayon Inspector Aguillar, baka naman talagang mahina ang utak mo't naging inspector ka lang  dahil sa general ang kapatid mo?" Pang-iinsulto pa ng isa sa mga lalaki.

Marahil nga ay nawala ang memorya niya pero hindi ibig sabihin na puwedi na siyang insultuhin.

"Alam ni'yo  ba mga kapatid imbes na buwesitin at disturbuhin ang lakad ko magsipaghanap-buhay nga kayo. Tingnan ni'yo  nga mga katawan ninyo para kayong  mga bouncer sa club." Ismid ng dalaga dahil totoo namang mga malalaking tao ang nakaharang sa kanya.

"Bossing naman para daw tayong mga bouncer, sa guwapo mong iyan bouncer ka?" Panggagatong pa ng isa kaya naman magawanan sila.

"Hep! Hep! Saan ka pupunta?" Muli ay harang ng tinawag na bossing ng nakakalbong panot.

"Alam ni'yo wala akong  balak makipag-away sa  inyo ha kaya kong ako sa  inyo let me go." Inis na ring saad ni Samantha.

They're pissing her off!

Ang hindi alam ng mga ito ay nasa paligid ang binatang si Braxton, dahil pagkatapos nilang nag-usap ng mga magulang ng dalaga ay sabay-sabay na silang nagtungo sa pamamahay  ng mag-asawang Lampa at Sablay Dulay. Doon niya napag-alaman na naglakad-lakad ang dalaga sa paligid. Lalapitan na sana niya ang mga ito pero napatigil ng narinig ang mula dito.

"Bumalik na ba ang ala-ala niya?" He whispered.

Pero agad ding nasagot ang tanong  niya sa kawalan ng nagsalita ang dalaga.

"Wala akong balak makipag-away sa inyo kaya padaanin ni'yo ako." Dinig niyang sambit nito.

Hindi! Wala pa ang ala-ala nito dahil ang kilala niyang Inspector Aguillar ay matapang, amasona nga kung tawagin niya at sa pagkakataong iyun lalo na at mukhang naka-droga pa ang mga ito.

"No this cannot  be." Naalarmang sambit ni Braxton ng ipinatong o dumantay ang palad ng matabang kalbo.

"Tanggalin mo iyang kamay mo diyan baka pagsisisihan mo ang gagawin ko  sa'yo." Nawawalan na ng pasensiya ang amasonang walang ala-ala.

Pero hindi nakinig ang lalaki kaya naman kahit nawalan  ng memory ang dalaga ay hindi nawalan ng kakayahan. Kusang gumalaw ang mga kamay at paa. Left and right ang pinakawalan, kumbaga sa isang ibon napaangat si Samantha mula sa lupa dahil binigyan ng nakakaliyong suntok at sipa ang mga alipores ni satanas.

Sa maikling salita, sa isang iglap napatumba ni Samantha ang mga ito.

"Anong plano mo ngayon Sam? Wow you did a great job." May paghangang sabi ni Braxton ng sa wakas ay nakalapit sa dalaga.

But.....

Imbes na sumagot ang  dalaga ay napaupo ito sabay sapo sa ulo.

"Sam, hey what's happening to you baby." Aguy baby agad.

"Ang ulo ko. Ang sakit! Ahhhh help! Help!" Daing ng dalaga na nakasalampak sa lupa.

Ni hindi na pinansin ang mga lalaking nagkamalay, kahit  pa sabihing  nagsitakbuhan na sa kanilang tabi.

Samantalang hindi na nagsayang ng oras ang binata, bago pa tuluyang nawalan  ng malay ang binata ay nailapit na niya ito sa main gate ng tahanan ng mag-asawang Lampa at Sablay Dulay. Hindi ito tumigil sa pagpindot ng door bell hanggat walang nagbukas.

WHEN YOU SAY YOU LOVE ME WRITTEN B : SHERYL FEE(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon