CHAPTER NINE

875 38 4
                                    

" WHEN YOU SAY YOU LOVE ME "
WRITTEN SHERYL FEE

CHAPTER NINE

"Oh Celine  bakit  hindi ka pa bumabangon  diyan? O  wala  kang  pasok?" Tanong  ni Maxi sa bunso nilang kapatid.

"Huwag kang maingay diyan kuya inaantok pa ako eh," nakapikit  na sagot ni Celine.

"Tsk!  Bumangon ka na diyan Celine  mamaya aabot  na naman ang nguso mo sa sahig  kapag  maunahan ka ng iba  sa mga costumer ninyo," wika naman ni George na ang plano'y asarin  ito.

Sa narinig ay agad  napabalikwas ang dalagang si Celine pero  dahil  kulang  sa tulog ay  agad ding napahiga.

"Kita mo na Celine? I'm  sure late ka na  namang nakauwi  kagabi, baka  naman  puweding makabalato  tayo diyan," pabirong wika Sadam.

Kung kanina'y  napabalikwas  ang  dalaga dahil sa tinuran ng kuya George niya, this time naman ay  napasimangot siya  ng to-do saka binahiran  ng higa sabay talukbong kaya naman napahalakhak na ng tatlo. Alam na alam nila kung paano ito patawanin gano'n  din kapag  nais nila  itong  asarin.

"Nagbibiro lang ako bunso ikaw naman, pero bangun na dahil totoong  tanghali at kaninang umaga pa kami tapos  nag-almusal at ngayon pananghalian na naman pero wala kapa yatang  balak  bumangon," nakailing na sambit ni Sadam sabay hila sa kumot ng dalaga.

Pero hindi  pa man  nakakagalaw ang dalaga'y may kumalampag naman sa kanilang pintuan na para bang  magigiba ito at bago pa napigilan  ng tatlo ang bunso nila'y nasa  harapan  na ito  ng pintuan.

"Dahan-dahan naman Aling Miyang mamaya nama'y magiba na iyan. Ano ba ang kailangan  mo at  halos gibain  mo na ang  pinto?" Nakakunot-noong tanong ni Celine.

"Ano naman kung magiba eh bahay  ko ito. Money  down." Taas kilay naman nitong sagot dahilan  para mamaywang ang dalaga.

"Natural mag-aalala ako dahil kami ng mga kuya ko ang  nakatira dito at kapag magiba ito aba'y  kami ang  malalagot kapag nagkataon paano kami makaka-money down sa'yo?" Nakapamaywang na ani Celine.

"Aba abah kong  sino pa ang hindi nakakabayad siya pa ang mataray. Gusto mo yatang palayasin  ko kayong  lahat  dito  ah," taas-noong sagot nito.

Sasagot pa sana ang dalaga pero siya namang paglapit ng mga barako.

"Heto  na po ang bayad namin  Aling Miyang pang dalawang  buwan na  po iyan. Sana  naman po kumatok ka ng maayos dahil hindi naman namin  tatakasan ang obligasyon buwan-buwan at isa pa simula  nandito  kami hindi pa naman kami pumalyang nagbayad," malumanay na saad  ni  George.

Tuwang-tuwa naman ang ginang dahil sa perang  napasakamay.

"Kung  ganito  lang ba lahat ng mga boarders ko baka lagi akong  may pang majong  doon sa bagong  pasugalan.  Huwag kayong mag-alala  dahil marunong  din naman akong tumupad sa usapan. Hindi ko na kayo kakalabugin hanggang sa susunod na buwan. Diyan  na kayo't  late na ako  sa session namin," animo'y wala sa sarili na wika nito.

Nagkatinginan naman ang apat  dahil sa reaksyun nito, they have one thing  common in their minds pero sila  na lang daw  ang nakakaalam kung ano iyun.

Samantala, sa pagamutan kung saan  nila itinakbo si Weng.

"Sorry daddy pero iyun ang  totoo hindi namin alam kung nasaan si Sam," hinging paumanhin ni Ethan sa amang  kapwa palakad-lakad sa harap ng emergency room.

"Kung tutuusin  anak wala ka namang dapat ihingi ng paumanhin  dahil  hindi mo kasalanan ang lahat. Ni  isa sa atin ay  walang nakakaalam kung  nasaan siya ngayon." Tugon  ni Cyrus sa anak.

WHEN YOU SAY YOU LOVE ME WRITTEN B : SHERYL FEE(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon