" WHEN YOU SAY YOU LOVE ME "
WRITTEN BY : SHERYL FEECHAPTER FOUR
"Lahat kayo ay madedestino sa Manila, and that's an order!" Tinig na nagpalingon sa kanilang tatlo.
Then...
Sabay-sabay silang nagpalingon as they uttered one word.
"What!?" Sambit nilang tatlo na nangingibabaw ang tinig ni Sam.
"Yes that's true and I know that the three of you heard me loud and clear. You may now start packing all your things because tomorrow you'll be travelling to the city where your new work place." Pangungumpirma pa ng hepe.
Kaya naman muling uminit ang ulo ni Sam lalo at may iniimbistigahan pa siya, ang latest na kasong kinasangkutan ng hepe. Lingid sa kaalaman ng lahat ay lihim niya itong iniimbistigahan dahil mayat-maya'y nadadawit ang ama ng pulisya sa San Vicente PNP.
"I love my job as I love to serve my countrymen but let me tell you something that you maybe don't know or your just ignoring or you just simply spying on us. Una at alam nating lahat iyan na may memorandum muna bago magkakaroon ng shuffle, pangalawa you're very unprofessional why? Alamin mo iyan at hindi iyan kabastusan, pero para wala pang maidadagdag sa mga isipin mo na nagpapakalbo sa iyo'y ipapaliwanag ko sa iyo. Huwag kang mamersonal pagdating sa trabaho dahil lahat tayo'y naninilbihan lamang sa gobyerno at daw biglaang pagapalipat sa amin sa Manila'y maari ka naming ireklamo with administrative case, and last but not the least, nanggaling ako sa angkan ng mga mambabatas at hindi na bago ang bagay na nangyayari. Hindi ko ugaling ipagkalat at ipamalita sa mundo kung ano mayroon ako at mas lalong hindi ko ugali ang gamitin ang koneksyon ko pero para sa ikakaalam mo chief sa ginawa mong ito'y maari kitang idemanda." Halos hingaling sabi ni Sam saka binalingan ang natamemeng kasamahan.
Akala nila'y tapos na ito pero hindi pa man sila nakakapagsalita'y muli itong humarap sa speechless na hepe.
"And in additional chief, para sa ikakaalam mo sorry to tell you SIR hindi kawalan ang trabahong ito para sa aming apat pero kayo malaki kaming kawalan sa inyo. Well, we've gone so far but don't worry right now, right here we're accepting the shuffle once again." Dagdag pang pahayag nito saka nakilinya sa mga barakong sasama sa kanya.
In one, in two, three...
In unison, they gave their final salute to their chief of police.
"Hand salute! " sabay-sabay nilang sambit.
Marahil nga ay nabigla ang hepe dahil may naglakas-loob na sagutin ito, patunay lamang ang delayed nitong pagtugon sa nakasaludong tauhan.
"Carry on men." Tugon nito.
Hindi na nagtagal ang apat, agad silang nagsibalik sa kani-kanilang puwesto na hindi na inalam kung ano ang reaksyon ng hepe. Well, wala na daw silang pakialam doon dahil itinapon na sila sa Manila.
"So anong balak ninyo guys? Dahil ako uuwi muna ako ng Nueva Ecija. Bahala ang kalbong panot na iyun kung ano ang gagawin niya." Pukaw ni Sam sa tatlo na natahimik na.
"Ah inspector baka mas mapasama tayo nito. Hindi naman siguro kaila sa iyo ang mga napapabalita kay he---kalbong panot kami. Kahit wala pa tayong napapatunayan sa lahat ng alegasyun ukol sa kanya eh hindi ko pa rin ang matakot na baka kung ano ang gawin niya alam mo na boss pa rin natin siya kahit nagkaroon na naman ng shuffle." Lakas-loob na wika ni Rafanan.
"Naku hindi niya iyun gagawin PO1 Rafanan alam mo kung bakit? Alam niyang ikakasira ng pangalan niya. Okey sabihin na nating baka ipagawa niya sa ibang tao pero ang tandaan ninyo guys na mga alagad tayo ng batas at hindi na lingid sa ating lahat ang bagay na iyan o ang hindi maiiwasang may mga nakakabangga , nasasagasaan ng wala sa oras but the point here is siya ang prime suspect. Kaya kung ako sa inyo huwag kayong magpadala sa takot o pangamba ninyo dahil wala kayong mapapala diyan. Just go on with the flow of life as long as ginagawa ninyo ang tama." Mahabang paliwanag ni Sam.
BINABASA MO ANG
WHEN YOU SAY YOU LOVE ME WRITTEN B : SHERYL FEE(COMPLETED)
Aktuelle LiteraturLOVE MOVES IN MYSTERIOUS WAY. IKA NGA NILA ANG PAG-IBIG AY HINDI HINAHANAP BAGKUS AY KUSANG DUMARATING.