" WHEN YOU SAY YOU LOVE ME "
WRITTEN BY : SHERYL FEECHAPTER SEVEN
As we always says " the truth will prevail ". Dahil hindi nagtagal ay lumabas din ang katutuhanang inosente ang binatang si Braxton sa paratang ng Colonel. Bilang mga mambabatas ay hindi tumigil ang pamilya nito hangga't hindi nakakamit ang hustisiya.
And.....
Kagaya ng kasabihang " walang lihim na hindi nabubunyag " dahil sa pagpapabalik-balik ng mag-asawang Jamellah at Jameston sa Aurura Province para tulungan si Braxton sa kinakaharap na problema hanggang sa natapos ito'y siya namang pagkaungkat kung ano ang tunay na trabaho mayroon ang binata.
"Paano iyan bayaw wala ka ng kawala, you need to tell them the truth na lalo kay grandpa nagtatanong na kung ano ang dahilan." Ani Jameston ng nasa harapan na sila ng malaking bahay ng mag-asawang Bryan at Donna. Like others do, sa tuwing may mga mahahalagang okasyon ay nasa malaking bahay ang lahat.
"Ikaw ba naman kasi insan alam mo namang walang problema sa angkan natin kahit maging alagad lahat tayo ng batas ayan tuloy ang napala mo huh!" Nakailing na wika ng tagapagmana ni kaskasera.
"Eh wala na tayong magagawa diyan insan kaysa naman lagi akong nasa interrogation," nakangiwi namang tugon ng binata dahil sa totoo lang ay hindi niya alam kung paano magtatapat sa mga ito.
Magsasalita pa sana si Janellah pero siya namang paglabas ng guard.
"Naku sir Braxton, sir Jameston, ma'am Janellah kanina pa kayo hinihintay ni sir Bryan. Kayo na lang ang wala." Wika nito.
"Ikaw mang Kanor ha puweding batiin mo muna kami bago mo balitaan?" Kahit kailan ang sutil na si Janellah ay hindi nagbago.
Tuloy ay napahagikhik ang magbayaw na sina Jameston at Braxton na naging dahilan para napakamot ang guwardiya.
"Ikaw na ang bahalang magpasensiya sa asawa ko mang Kanor kilala mo naman na siya." Sabi na lang ng una sa guwardiya dahil ayaw niyang nakakasakit ng kapwa.
"Huwag kang mag-alala sir Jameston, dalaga pa lang si ma'am Janellah nandito na ako kaya't sanay na ako sa kanyang pagkasutil. Pasok na kayo sir lalo na kay sir Braxton kanina tawag ng tawag si sir Bryan dito kung dumating na daw ba kayo." Sagot nito.
"Yes Mang Kanor papasok na kami, pinauna ko lang si misis alam mo namang sutil baka mamaya eh dagdagan na naman ang panunutil sa iyo." Sagot ni Jameston.
Pero si Braxton ay nanatiling tahimik, iniisip pa rin niya kung paano ipagtatapat sa mga magulang and ninuno ang tungkol sa lihim niya. Lihim na kung tutuusin ay wala siyang dapat ikabahala dahil trabaho naman ito.
"Mukhang seryoso ka bayaw? Ako na ang nagsasabi sa iyo wala kang dapat ipag-alala dahil kahit ilang taon pa lang ako sa pamilya ninyo masasabi ko ng kilala ko na silang lahat, magtatampo sila oo pero I'm so much sure na walang magagalit sa iyo." Pukaw nito sa binata.
"I hope so bayaw," tipid na sagot nito pero talagang hindi siya mapakali dahil sa mix emotion including his thoughts of his twin brother.
But as they step in to the living room where everyone's sitting, he stood still.
"Do not worry Braxton because I did not come here to harass you. I'm here to apologize for all my mess. I know I do not have the right to appeal because I like it and now I know the truth that the person I'm pursuing is your identical twin and no other than Clarence, and I hope that we can still be friends." Seryosong ani Thea, banaag din sa mukha nito ang katapatan sa sinasabi.
BINABASA MO ANG
WHEN YOU SAY YOU LOVE ME WRITTEN B : SHERYL FEE(COMPLETED)
General FictionLOVE MOVES IN MYSTERIOUS WAY. IKA NGA NILA ANG PAG-IBIG AY HINDI HINAHANAP BAGKUS AY KUSANG DUMARATING.