CHAPTER THIRTEEN

734 34 2
                                    

" WHEN YOU SAY YOU LOVE ME "
WRITTEN BY SHERYL FEE

CHAPTER THIRTEEN

"Ngayon magsalita ka anak kung ano ang ibig  sabihin ng balitang kinasangkutan mo."  Agad na sabi ni Mheljorie kay Braxton.

May sarili silang bahay pero kapag nasa bansa sila ay mas napepirmi sila sa tahanan  ng mga magulang. Umuuwi lang sila kapag oras na ng tulugan, tiwala naman sila kahit hindi madalaw ang bahay nila dahil nandoon ang mga magulang ng manugang nilang  si Joanna.

"Ang sabi ko anong ibig sabihin ng kinasangkutan mong gulo, hindi ko sinabing manahimik ka na lang  diyan ipaliwanag mo nga Braxton Keith Mondragon!" Ayun tumaas na ang boses ni tigresa.

"Relax lang anak hayaan mong magpaliwanag ang anak mo." Saway ni grandpa B. ( hindi pa siya patay  dito)

Pero dahil alam niyang  nagkasala siya hindi na umimik ang  binata bagkus ay inilabas ang wallet niya saka kinuha ang  international I.D saka inilapag.

"Ano iyan apo?" Tanong ng matandang  Mckevin.

"I.D ko po grandpa, at iyan  po ang sagot sa mga tanong ninyo." Nakatungong sagot ng binata, mas minabuti niyang ang kanyang international I.D ang ipinakita dahil nahihiya siya sa kanyang paglilihim sa mga ito. Sa lahat ng bagay ay nakasuporta ang pamilya niya pero hindi man lang niya nagawang ipinagtapat ang totoo niyang trabaho bukod sa banda nilang magpipinsan.

Ang inaakala niyang reaksyun mula abuelo ay hindi nangyari bagkos napahalakhak ito.

"Bravo apo ko, don't worry hindi ako galit sa'yo  dahil alam kong ito ang nais mo kaya mo ito inilihim sa amin. Bilang isang retiradong abogado at FBI officer ay masaya ako  na may tagapagmana na ako sa pagka-opisyal ko although opisyal din ang pinsan mong si Janellah at gano'n din ang papa MJ ninyo apo apo ko." May ngiti sa labing aniya ng matanda na labis namang ikinapagtaka ng mga kasama niya.

Kaya naman dinampot din ni Tristan ang I.D na inilapag ng biyanan.

"Kung ipinagtapat mo sana ang bagay na ito di hindi ka sana humantong sa ganyang pagkakataon anak. Pero I'm happy to know that you're a doctor of  military." Hindi na maikubli ng haligi ng tahanan ang tuwa sa  kabila ng paglilihim nito sa kanila.

"See? I told you may iba kang  pinagkakaabalahan bukod sa banda ninyong magpipinsan, ang sa amin lang naman anak ay hindi mo na kailangan pang maglihim pa dahil hindi  naman  kami tututol kung  iyan ang  gusto mo. By the way anak I'm happy for you." Sabad na rin ni Mheljorie.

Kaya naman ang mga agam-agam na bumalot sa pagkatao ng binata dahil sa kanyang paglilihim ay napalitan ng tuwa, hindi niya akalain na gano'n siya kadaling mapatawad ng mga magulang. Pero halos masamid siya ng muling nagsalita ang grandma Donna nila.

"Si Clarence kaya mga anak? Baka naman kagaya lang din siya ni Braxton na may inililihim na trabaho? Si Whitney na naitago ang tunay niyang trabaho samantalang hindi pumapalyang umuwi kapag may mahahalagang okasyon tayo sa pamilya, si Clarence pa kayang halos hindi na mahagilap?" Out of the blue ay sambit nito.

Kaya naman napaubo ang binatang naka-hot seat  dahil sapol na naman ang kambal niya pero wala siya sa lugar para ibunyag ang sekreto nito.

"For me? I guess  mayroon din 'yung  lihim asawa ko. Sa edad kong ito, sa dami ng napagdaanan naming magkakaibigan and according to my instinct alam ko  at ramdam ko mayroon din tayong hindi nalalaman sa batang iyun lalo at tumawag ang  bangko halos masaid na ang laman ng trust fund nito galing sa akin samantalang hindi  biro ang laman  nito but still mas mainam na siya mismo ang magsalita sa atin." Wika ni  grandpa B.

"As the bank does to us daddy ganyan din pero saan natin hahahilapin ang taong iyun? Wala na yatang matinong numero?" Sang-ayun ni Tristan sa biyanang lalaki.

WHEN YOU SAY YOU LOVE ME WRITTEN B : SHERYL FEE(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon