" WHEN YOU SAY YOU LOVE ME "
WRITTEN BY : SHERYL FEECHAPTER FIVE
"Lintik talaga ang Mondragon na ito. Kahit kailanman tinik na talaga siya sa buhay ko. Noon, ngayon siya pa rin ang kabangga ko sa mga bagay-bagay pati ba naman si Maylene? Shit siya! He's such a pest!" Ngitngit na wika ni Byron Coronadal.
Yes!
Byron Coronadal is the superior of Sergeant Maylene Braullio who happened to be the girlfriend of the colonel.
Hindi niya nakilala ang doctor na sinasabi ng nobya niya noong nakaplano ang gagawing medical mission kaya nanahimik siya pero ng napag-alaman niyang isa rin itong mang-aawit ay nagkaroon siya ng idea kaya kinausap niya ang isa sa mga tauhan ng nobya. Dito niya napag- alaman na ang mortal niyan kaaway na matagal at niyang hindi nakita ay walang iba kundi ang kinahuhumalingan ngayon ng nobya niya bagay na labis niyang ikinakainis.
"Kung ano man ang binabalak mo'y hindi ka magtatagumpay hayop ka. Kailangan mong mawala sa mundo namin ni Maylene." Kuyom pa rin ang kamao na bulong ni Col Coronadal.
Sa lahat ng taong puweding mapadpad at makasama ng nobya niya'y ang tao pang mortal ng kaaway niya, huli naman na kasi ng nalaman niya ang tungkol sa katauhan nito.
In his mind, by hook or by crook he need to do something to eliminate the debris.
Sa kabilang banda, ang plano ng mag-asawang Joanna at Tristan na magpatulong sa mag-asawang ninuno ng huli ay hindi na natuloy dahil naisugod ito sa pagamutan kaya naman napagdesisyunan nilang sa kambal na lang ng mommy ni Tristan magpatulong.
"Huwag ni'yo ng ituloy ang balak ni'yong pagsasabi kay daddy tungkol sa problema ni Braxton. I'm not saying wala na siyang pakialam doon dahil apo niya ang sangkot pero just understand son na nasa pagamutan siya." Wika nga ng papa MJ ni Tristan ng idinulog nila dito ang problema.
"Itong si Braxton kasi papa ewan kung ano ang pinaggagawa sa buhay ayan tuloy una sina daddy at mommy ang ginulo ng babaing iyon ngayon naman kami ni Joanna. Hindi naman puweding ipa-TRO na hindi namin alam ang dahilan kung bakit nanggugulo ang tao eh." Kung nakikita lang siguro ng kausap si Tristan malamang kantiyaw na ang inabot dahil sa pananalita nito'y napakamot din sa ulo.
"Just take care son you're in a foreign country and we don't know what she's thinking of you there. Kung kinakailangang magtalaga kayo ng security do it son. Don't worry I'll talk to Braxton when he'll come home here in Baguio." Wika ni MJ sa pamangkin.
"Okey papa we will. Regards to all of you there." Ani Tristan Keith saka tuluyang pinatay ang long distance call sa tiyuhin.
Ito na kasi ang sumagot sa tawag ng pamangkin dahil ang mag-asawang Bryan at Donna ay nasa pagamutan kasama ng kambal nito na si Meljhorie at ang may-bahay nito na si Tristan. Ito ang nagkataong nasa tahanan ng mga magulang kaya ito na rin ang sumagot sa tawag.
Sa kabilang banda, pauwi na galing trabaho sina Samantha at ang tatlo nitong kasamahan galing Ilocos ng tumunog ang tawagan nito.
"Inspector cellphone mo ayaw tumigil baka emergency iyan." Pukaw dito ni PO1 Rafanan.
"Sagutin mo na inspector mamaya na tayo gagayak pauwi naman tayo eh." Segunda naman ni PO1 Rubio.
Kaya kahit ayaw man sana itong sagutin ni Sam dahil ayaw na ayaw niyang nadidisturbo kapag nasa biyahe siya pero dahil sa pang-eenganyo ng mga tauhan ay itinabi niya sa gilid ng kalsada ang sasakyan saka kinuha ang cellphone sa bulsa ng jacket niya.
BINABASA MO ANG
WHEN YOU SAY YOU LOVE ME WRITTEN B : SHERYL FEE(COMPLETED)
General FictionLOVE MOVES IN MYSTERIOUS WAY. IKA NGA NILA ANG PAG-IBIG AY HINDI HINAHANAP BAGKUS AY KUSANG DUMARATING.