"WHEN YOU SAY YOU LOVE ME"
WRITTEN BY: SHERYL FEECHAPTER TEN
"Kahit kailan! Kahit saan ikaw talaga ang sagabal sa kilos ko!" Ngitngit na aniya ni Celine ng mapagsino ang nakabanggaan.
But as she said those words, biglang may sumolpot na hindi nila alam kung saan galing kaya naman imbes na ang lampang namana pa yata sa grandma clumsy queen niya ay mas minabuti niyang sa isang tauhan ng kalbong panot iputok.
"Move! Tumayo ka diyan gago ka may raid na ang mga pulis pero kung gusto mong ikaw ang mahuli diyan ka na kaysa naman muling maulit ang nangyari dati sa mall! Here take your gun!" Inis na sigaw ng dalaga, na kung nasa likuran lang niya ang mga kalaban ay pareho na silang tigok.
Sa magaslaw na galaw o pag-abot ng dalaga sa kamay kay Braxton ay dito pa lamang natauhan ang binata.
"Alam kong may itinatago ka miss kaya mas mabuti pang sumama ka na sa akin kaysa mapahamak ka." Saad ng binata ng sa wakas ay nakabawi sa kabiglaan. Hindi niya akalain na ang babaing sumampal sa kanya ay siya rin ang main suspect nila sa kanilang misyon.
"Take them all!" Hindi nakaligtas sa pandinig ng dalaga kaya naman agad niyang pinasadahan ang paligid at siya namang paglabas ng tatlo niyang kasama.
"Huwag ka ng tumakas miss kung ayaw mong mapahamak---"
"Gago! Hindi ko isasangkalan ang buhay ko sa walang katuturang bagay at higit sa lahat huwag mo akong husgaan dahil baka ikaw ang ipakulong ko!" Agad na sabi ni Celine.
Para saan ba at isa siyang alagad ng batas kung basta lang siya magpapatalo sa ewan niya kung anong klaseng lalaki ang nasa harapan niya. Naging mabilisan ang naging kilos niya kaya in just a blink of her eyes naging bihag niya ito, na kung tutuusin ay kayang-kaya naman siya nito pero hindi siya papayag na mapunta lamang sa wala ang paglayo niya sa pamilya niya.
"Chief palayain mo na iyan nandiyan na sa labas sila hepe baka makahalata pa sila! Now na chief." Malakas ng sigaw ni PO2 Retoria.
Yes!
It's true, that Celine and her colleagues are no other than the group of Chief Inspector Samantha Aguillar.
"Umayos ka nga Retoria siya ang magiging susi para makalabas na tayo dito. Cover us now and let's go." Hindi pinansin ng dalaga ang pagpipigil ng tauhan, ang rason niya ay bakit pa siya magsasayang ng oras samantalang hawak na niya ang ebidensiya para mahuli ang tunay na saralin.
Hindi na sumagot ang tatlo bagkus ay patalihis na lang silang umalis at iniwan ang club na walang kahirap-hirap.
In his mind, "She moves so quick, para siyang sanay na sanay sa mga ganitong uri ng trabaho ah. Ano kaya ang itinatago ng....shit! Pero chief siya kung tawagin." Ang dami-dami niyang naiisip ng oras na iyun kahit pa nasa pilegro sila pero agad ding nagising ang diwa niya ng makipagpalitan ito ng putok.
"Rafanan dali na habang hindi pa tayo nakikita ni hepe dito. Subukan lang ng gagong iyan na tatakas tingnan lang natin kung masisilayan pa niya ang liwanag." Muli ay saad ni Samantha.
Kaya naman hindi na sila nagsayang ng oras, they move as quick as they are and left the place without a trace.
The Dragon?
Well kung tutuusin naman ay kayang-kaya niyang labanan ang mga ito pero parang may nag-uudyok sa kanya na huwag dahil may maganda siyang malalaman dito.
Samantala...
"Oh nasaan ang main target natin? Aba'y huwag ni'yong sabihin na isang pokpok lang tatalo sa inyo?" Galit na sambit ng hepe.
BINABASA MO ANG
WHEN YOU SAY YOU LOVE ME WRITTEN B : SHERYL FEE(COMPLETED)
Fiksi UmumLOVE MOVES IN MYSTERIOUS WAY. IKA NGA NILA ANG PAG-IBIG AY HINDI HINAHANAP BAGKUS AY KUSANG DUMARATING.