CHAPTER EIGHTEEN

725 29 0
                                    

" WHEN YOU SAY YOU LOVE ME "
WRITTEN BY SHERYL FEE

CHAPTER EIGHTEEN

Dahil napagkasunduan ng mag-asawang Weng at Cyrus na sila na mismo ang dadalaw sa Ilocos Sur kina Braxton Keith at Samantha, naisipan nilang nagsabi sa may-ari ng bahay ang isa sa mga matalik na kaibigan ng huli.

"Sure AC I love that idea pare. Kailan ba tayo pupunta doon?" May ngiti  sa labing aniya ni Terrence ng ipinahayag  ng kaibigan ang pakay.

"Tomorrow morning pare , dapat bago pa puputok   si inang araw nakagayak na tayo upang makaiwas sa traffic at init ng panahon." Sagot naman ni Cyrus.

"Abah mukhang may binabalak kayong dalawa ah, what's happening guys?" Panghuhuli ni Yana, kaya naman napatawa si Rowena. Kahit kailan palabiro ang may bahay ng kanilang kaibigan.

"Nandoon ang mga bata mare, hindi naman siguro kaila sa inyo ang tungkol kay Samantha and your nephew Braxton Keith ang personal doctor  niya. Kaya naman kami nagsabi sa inyo total pupunta kami doon eh di niyakag na lang namin kayo para sabay-sabay  na tayong  mamasyal doon." Nakatawang paliwanag nito.

Sa narinig ay napangiti si Yana, ang lugar na napaka-memorable para sa kanilang  pamilya.

"I love that too mare, oo nga pala nabanggit sa akin dati ni Niel ang tungkol dito mukhang nakakalimot ako ah." Biro nito.

"Hindi naman siguro hon aba'y  ilan na ang apo  natin saka ka pa makakalimutin? Ang sabihin mo gusto mo lang makapunta doon." Tukso pa ni Terrence.

Magkakaibigan, mula noon hanggang sa kasalukuyang henerasyon pero hindi pa rin nagbabago ang turingan.

Kinabukasan....

"Mas gumanda yata  dito mare, it's been  while since we've  been here for vacation." May paghangang sabi ni Weng.

"Same here mare aba'y  kung hindi ni'yo kami sinabihan baka hindi pa kami napunta dito but I love it." Masayang aniya  ni Yana.

"Pero teka lang guys mukhang napaaga yata ang  taga-linis dito ah o baka naman napasok ng  ibang tao?" May pagdududang saad ni Terrence.

"Hindi naman siguro pare, pasok na lang tayo para alamin kung ano ang nangyayari." Pampalubag-loob naman ni Cyrus dahil sa loob ay naisip na baka ang anak at binatang doctor ang nasa loob lalo at alam nilang lahat na may katiwala ang bahay iyun nga lang ay sa harapan  ng malaking  bahay ito nakatira o nandoon ang pamamahay nito.

Then...

They all entered the house!

But...

Magkayakap na naghahalikan ang bumungad sa kanila!

"You should marry her Braxton Keith Mondragon!"

"What's  the meaning  of this?"

Sabayan pang tanong  at sabi ng dalawang Ginang. Mrs Aguillar at Mrs Harden. Samantalang   hindi nakaimik ang kani-kanilang asawa.

Pakasalan agad?

Kaya naman ang dalawa ay nagulat din, hindi naman sila naghahalikan kundi inagapan lang ng binata ang nobya para hindi mauntog o lumagapak sa de-tiles na semento.

"Hey guys tinatanong namin kayo, anong ibig sabihin nito Brax anak?" Ilang sandali ng pananahimik ng dalawa ay si Terrence  naman ang nagsalita.

Saka pa lamang natauhan ang binata.

"Ah pasensiya na po kayo papa, tita it's not what you think po." Namumulang sabi nito.

"Then what Braxton? Aba'y  kahit pamangkin kita'y  hindi kita kukunsintihin kapag may kalokohan ka." Hindi pa rin  kumbinsadong tanong ni Yana.

WHEN YOU SAY YOU LOVE ME WRITTEN B : SHERYL FEE(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon