CHAPTER TWELVE

749 32 2
                                    

"WHEN YOU SAY YOU LOVE ME"
WRITTEN BY: SHERYL FEE

CHAPTER TWELVE

"What's  happening? Why all of sudden that all of you are here?" Ang mga katagang unang lumabas sa bibig ng dalaga sa pagmulat ng mata after they've rushed her to the hospital.

"Hanep ka naman bunso, tinatanong pa ba iyan? Ikaw nga sana ang tatanungin ko eh. Where have you been for all those months?" Balik tanong ni VE.

"Kuya naman ang ibig kong sabihin aba'y lahat na yata ng taga Camp Villamor ay dala-dala mo ah, saka bakit ako nandito sa kuwartong ito?" Kunot-noong sagot ng dalaga.

"Naku ikaw Chief Inspector Samantha Aguillar huwag mong ilihis ang usapan, sila (sabay turo sa mga tauhan) sila ang mga kasama mo na bigla ding nawala tapos ikaw pa ang may ganang kumunot noo? I told you since then Samantha hindi mo naman  kailangang lumayo para sa sa misyon mong iyan eh." Sermon ng batang  general.

Pero ang bunso na pinamatigas ang ulo ay napaismid lamang ito.

"Nagsalita naman ang hindi lumayo eh. Mabuti nga ako dito lang sa Manila eh ikaw nga sa Korea. Kausapin  ni'yo  ang doctor gusto ko ng umuwi." Sagot nito na nakasimangot at akmang babangon.

"Dahan-dahan Inspector Aguillar baka nakalimutan mong may tama ka ng baril sa baywang. Baka muling bumuka iyan." Hindi napigilang sabad ni Braxton.

Dahil dito, biglang napalingon ang dalaga sa nagsalita at kung kunot-noo kanina lang this time salubong na ang kilay.

"Ikaw na naman? Bakit ka ba laging nakabuntot sa akin? Alam mo bang ikaw na yata ang pinakamalas na taong nakilala ko?" Salubong ang kilay na aniya nito.

"Samantha! Dahan-dahan ka naman sa pananalita mo!" Tuloy ay napataas ang boses ni Ethan.

"No it's okey sir." Saad ng binata pero sa kaloob-looban ay natatawa na hindi niya mawari. Di yata't nakalimutan nito na bihag siya.

Hindi nakaligtas sa tatlo ang aura ng kanilang  boss kaya mas minabuti nilang  sumagot, total kilala naman nila ito kapag pagkakamali ay umaamin, huwag lang pambibintang dahil hindi lang sapak ang aabutin.

"Ah chief baka nakakalimutan mo na bihag natin siya until the day na nakaengkuwentro natin ang mga iyun kahapon." Sabi ni PO2 Retoria na sinundan ni PO2 Rafanan.

"Para mapatawad  mo na siya chief, siya ang tumanggal sa balang tumama sa baywang mo. He did it without a doubt este ng walang kahirap-hirap." Aniya nito.

"See? Ikaw pala ang may utang sa kanya eh hindi ka man lang magpasalamat. Be professional naman bunso." Sabad ni Ethan.

"Lampa sorry na at maraming salamat." Labas sa ilong na wika ng dalaga kaya naman biglang napahalakhak ang kuya Ethan na muling nagpabalik sa masayahing general.

"What's  on that laughter general Aguillar? Have you  gone mad?" Ayun muling napakunot-noong ang amasona.

"Well well baka nakalimutan  mo na bunso our  beloved grandma is the original   clumsy queen, then my twin brother your kuya Niel is the clumsy prince at ang ate Whitney mo'y asawa ni Niel tapos ngayon naman lampa na naman ang tawag mo sa kanya? My God bunso your making me crazy at all." Nakatawang aniya nito na mukhang nakalimutan na ang sadya sa kapatid

"Baka sila ang nakatadhana general  kaya nagsangga ang landas nila at iisang propesyun nila." Hindi na rin nakatiis na sabi ni PO2 Rafanan.

Isang nakakamatay  na tingin ang napala ng tauhan pero hindi ito pinansin ng lalaki.

"Not bad bro pero sa galit niya sa akin na abot langit eh malabo na. By the way thank you sa inyong lahat. I'm happy to met you guys pero baka mauna na ako sa inyo but I hope magkikita pa tayong muli. May long distance sila mommy kaya kailangan umuwi tsaka magrereport pa ako sa  office  baka hinahanap na rin ako doon." Biglang saad ni Braxton bago bumaling sa dalaga.

WHEN YOU SAY YOU LOVE ME WRITTEN B : SHERYL FEE(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon