" WHEN YOU SAY YOU LOVE ME "
WRITTEN BY : SHERYL FEECHAPTER EIGHT
Pak!
Pak!
Mag-asawang sampal ang sumalubong kay Braxton after they bumped into each other.
"Nang dahil sa'yo nawala ang sinusundan ko kaya't nababagay lang sa'yo iyan." Taas kilay at may kalakasang sabi ni Sam after she got up from bumping kaya naman sa mga nangingilan-ilang pang may pakialam sa mundo'y napabaling sila sa kanila pero dahil sa
"What! Look who's talking you fool! Ikaw ng hindi tumitingin sa dinaraanan mo tapos ikaw pa ang may ganang manampal?" Inis na ring tugon ng binata dahil sa unang pagkakataon ay nasampal siya in public.
"Hoy ewan ko kung saan nanggaling at bigla-bigla na lang sumusulpot huwag mo akong pagbintangan dahil wala akong alam sa sinasabi mo and besides ikaw ang unang nakabangga eh. See? I'm running after pero dahil sa'yo nakawala na sila. Gusto mo bang ikaw ang isalang ko sa interrogation ha!" Lukot ang mukha na hindi maipinta ang hitsura. Pagkakataon na sana niyang malaman kong sino ang namemeste sa kanya este kung sino ang reporter ng hepe sa kanilang departamento or in other word kung sino ang stalker niya but in just a blinked of her blue eyes nawalang parang bola ang dalawang lalaki.
And it's because of him!
This guy who bumped at her!
She want to kill him!
"Maka-hoy ka wagas aba'y pabuksan kaya natin ang CCTV ng mall para malaman natin kong sino ang nagsisinu--"
Dahil sa inis ay hindi ito pinatapos ni Sam, in just a single moment nakuwelyuhan na niya ito sabay tutok dito ng baril niyang nasa paana niya.
"Ito ang tandaan mo lalaking walang modo! Oras na magkita pa tayo huwag na huwag ka na lang magpapakita sa akin baka matuluyan na kita. Diyan ka na ngang bulag ka!" Inis na wika ni Sam saka walang babalang pabalang na binitawan ang walang kamalay-malay na lalaki. Mabuti na lamang at naging maagap ito kaya hindi napuruhan.
Sa kabila ng inis na nadarama ni Sam ng oras na iyun ay nagawa pa rin niyang tinandaan ang huling bahagi na tinahak ng mga hinahabol niya kaya't kahit ilang minuto na ang nakakalipas sumunod pa rin siya sa mga ito pero parang bubuyog na bulong ng bulong.
"Kung minamalas nga naman ang tao sa mundo'y kung ano-ano ang dumarating sa buhay." tahimik pero nagngingit habang patuloy sa paglalakad.
Out of the blue moon her inner side of her mind answered and teases her.
"Siyempre minamalas nga kaya kung ano-ano ang dumarating sa buhay, alangan namang sinusuwerte," wika ng inner part of her mind dahilan para mapaismid siya.
"Huwag ka ng dumagdag pa peste. Minamalas na nga ako nanunukso ka pa." Tuloy ay napasimangot na sambit ni Sam na buong akala niya'y siya lang nakarinig pero nagulat na lamang siya ng tapikin siya ng kong sino mang poncio pilato.
Maybe it's over acting pero natutukan pa niya ito ng baril.
"Inspector naman pakibaba na iyan aba'y nasa loob tayo ng mall baka kwestiyunin pa tayong may baril dito." Kakamot-kamot sa ulo na ani PO1 Rubio.
"Ano bang problema inspector at bakit bulong ka ng bulong. Bawas kagandahan mo iyan aba'y puwedi ng sabitan ni nana Bashang ng mga paninda niya ang nguso mo ah," sabad naman ni PO1 Retoria. Pero hindi para asarin ang dalaga pero para pagaanin ang pakiramdam lalo at alam nilang nakatakas ang suspect nila, idagdag pa ang kaawa-awang lalaki na nabannga nito pero ito pa ang nanampal ng left and right.
BINABASA MO ANG
WHEN YOU SAY YOU LOVE ME WRITTEN B : SHERYL FEE(COMPLETED)
Narrativa generaleLOVE MOVES IN MYSTERIOUS WAY. IKA NGA NILA ANG PAG-IBIG AY HINDI HINAHANAP BAGKUS AY KUSANG DUMARATING.